JERRY OLEA:
Ang unang walong taon ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ay sa buwan ng Hulyo ginanap.
Read: FDCP Chair Joey Reyes, tiniyak na tuloy ang Cinemalaya sa 2026
Iyong 9th Cinemalaya ay Hulyo 26-Agosto, 2013. Nang sumunod na mga taon ay tuwing Agosto na ang indie filmfest.
Noong 2020 at 2021 ay online lamang ito. Pagbalik noong 2022 hanggang last year ay Agosto pa rin ang Cinemalaya.
Ang 21st edition ng Cinemalaya ay sa Oktubre 3, 2025 mag-uumpisa. Malamang na ang main venue ay ang Shangri-La EDSA Mall sa Mandaluyong City.
Siniguro ni FDCP Chairperson Jose Javier Reyes na meron pa ring Cinemalaya sa 2026.
CINEMALAYA 2025 PREPARATION
Sa FDCP Parangal ng Sining 2025, nitong Abril 11, Biyernes ng gabi, sa Seda Vertis North, Quezon City, inusisa ko si Direk Laurice Guillen kaugnay sa takot ng iba na mawawala na ang Cinemalaya.
"Ay siyempre, hindi naman puwede. Kasi, we have commitments. It’s a commitment!" sambit ni Direk Laurice, na presidente ng Cinemalaya Foundation.
"Ang Cinemalaya naman, wala kaming pahinga. Hindi naman once a year lang ang activities.
"Kasi, habang nagpe-prepare for the festival, pini-prepare din yung mga napiling finalist for the following year.
"Because it takes about at least six months for selection, and one year for production.
"So talagang tuluy-tuloy yan, tuluy-tuloy ang cycle. Ibig sabihin, at any given time, we are commited.
"Of course, there are always problems since the first time that… We have a problem, na hindi naman staggering problem. It’s a practical problem.
"So, it’s just a matter of looking for the resources. Kasi hindi naman yan parang may batas na ano."
Na-slash ang budget ng CCP, at malaki ang gastos sa renovation ng CCP, kaya apektado ang budget ng Cinemalaya…
"Well, among other things," kaswal na sabi ni Direk Laurice.
"So, at least, it’s something naman that happens, you know. So, it’s a matter of solving it lang. Alam na kung ano ang kailangang gawin."
Ano ang feeling niya na Oktubre na ang Cinemalaya sa halip na nakasanayang Agosto?
"It doesn’t matter to me. Huwag lang siyang November, kasi it’s before the MMFF," tugon ng premyadong direktor.
"So, at least, may two months before, you know. At wala kaming sinasabayan."
CINEMALAYA 2025 FINALISTS
Sa sampung finalists ng Cinemalaya 2025, ang unang natapos ay ang Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan ni Dustin Celestino. Pumangalawa ang Cinemartyrs ni Sari Dalena.


Ang iba pang finalists ay Abanse ni Chad Vidanes, Padamlagan (Nightlight) ni Jenn Romano, Paglilitis nina Raymund Barcelon at Cheska Marfori.


Kasama rin ang Republika ng Pipolipinas ni Renei Dimla, Open Endings nina Nigel Santos at Keavy Vicente, Bloom Where You Are Planted ni Nonilon Abao, at Warla nina Kevin Alambra at Arah Jell Badayos.



Si Direk Laurice ay isa sa apat na Lifetime Achievement Awardees sa 3rd FDCP Parangal ng Sining. Ang tatlo pa ay sina Joseph Estrada, Charo Santos-Concio, at Direk Lav Diaz.
Read: FDCP 3rd Parangal ng Sining awardees announced

Kasama ni Direk Laurice ang anak na si Ina Feleo at mister ni Ina na si Giacomo Gervasutti.

NOEL FERRER:
Excited ang fans nang mabalitaang bida sina Vhong Navarro at JM Ibarra sa Cinemalaya 2025 entry na Child No. 82.
Inaasahang may aabangan sa film festival.
"Hindi naman magbabago kasi naka-set na yung expectations. Naka-set na yan," pagngiti ni Direk Laurice.
"It’s just a matter of siyempre kabado ka na because of this delay, you know, and change of [playdate]… if there’s delay, there’s always a solution.
"We’ll always find a way. Malay mo, baka hindi siya masyadong maulan."
Read: Laurice Guillen on Piolo Pascual, Baron Geisler in Moro
GORGY RULA:
Ano ang hope niya para sa Philippine cinema?
"Tuluy-tuloy lang siya. And I think we just have to be more aggressive because it’s taking so long for us to reach our goals," sey ni Direk Laurice.
"I mean, may nangyayari naman—I can speak of Cinemalaya, because this is the only one naman na involved directly ako, 'no.
"I also like what’s happening sa QCinema international film festival."
Ang Cinemalaya ang pinaka-prestigious indie filmfest sa bansa…
"Ay! Hindi yan basta mawawala. Not as long as we’re around, and I think namang nagpapatuloy na, e," sabi ni Direk Laurice.
Kuwento pa niya: "Alam mo ba ngayon, di ba, noong araw, meron kaming mga selection committee, mga jury, na naiba.
"For the past 20 years, yung mga dating nanalo na at ano, [kasali] na rin sila sa selection committee, sa short films.
"So, para bang kailangang ipasa sa mga bata, para sa kanila. Because the future belongs to them. Kailangang ipagpatuloy."
Andami sa mahuhusay na bagong direktor ang produkto ng Cinemalaya.
"Noon ngang Metro Manila Film Festival, e, tuwang-tuwa ako. Na lima o anim sa mga direktor, galing ng Cinemalaya."
