JERRY OLEA:
Nag-Viva One muna si John Marco Mora bago siya sumabak sa VMX (na dating Vivamax).
"Nagpaganda po ako ng katawan, then willing na akong mag-show up sa camera nang nakahubad," lahad ng 22-anyos na si Marco.
Nakapanayam siya ng PEP Troika noong Abril 14, 2025, Lunes ng hapon, sa Max’s sa Sct. Borromeo sa Quezon City.
Nakapuksaan ni Marco si Angeli Khang sa seryeng Wag Mong Agawin Ang Akin (2022), at si Aliya Raymundo sa Elevator Lady na nag-streaming noong Marso 14, 2025.
Bit role lang siya sa VMX projects, pero sa Bangkera na nag-streaming umpisa Abril 11, Biyernes ay bida na siya.
Read: Janno Gibbs curses bashers over Dennis Padilla issue
JOHN MARCO MORA BIDA SA BANGKERA
Leading man si Marco ni Micaella Raz sa Bangkera, na idinirek ni Temi Cruz Abad, at nagtampok din kina ZsaZsa Zobel at Chester Grecia.
Kumusta ang experience niya sa three-day shooting ng Bangkera malapit sa Wawa Dam sa Montalban, Rizal?
"Sa una po, nakakakaba. Kasi yun nga, first time ko sasabak na ganun, tapos first lead ko nga," tugon ni Marco. “
"Tapos habang umaandar yung oras, habang nagtutuluy-tuloy kami sa set, nag-e-enjoy na naman ako. Masaya.
"Masaya silang kasama. Masaya silang lahat katrabaho, as in napapakita ko yung ako sa set namin.
"Sobrang gaan katrabaho ni Micaella. Sobrang saya, tapos ang sarap din niyang kasama.
"Kasi ako, bilang baguhan sa industry na ito, beginner, ginabayan niya ako. Isa rin siya sa mga nag-guide sa akin, sa mga ginagawa naming sequence."

Read: Andre Paras berates netizen badmouthing brother Kobe
JOHN MARCO MORA ON INTIMATE SCENES
Bakit kailangan pa siyang gabayan? Hindi ba siya magaling sa halikan o romansahan?
Natatawang sagot ni Marco, "Magaling naman, magaling naman. Pero dun sa mga mabibigat na eksena, like, [ine-encourage] niya ako.
"Like, nagsasabi siya ng words of advice, ganyan.”
Nahiya pa ba siya sa mga mapangahas na eksena niya sa Bangkera?
“Ay! Hindi na po, hindi na po."
Sa eksenang nag-lulu si Marco o pinaligaya ang sarili, nakaplaster siya kaya walang nag-hello.
"OK naman po. Hindi naman po ako nandiri sa akin, o kaya sa ginagawa ko," komento ni Marco sa batibot scene.
"Kasi part naman ng trabaho, saka ine-enjoy ko lang po. Ha! Ha! Ha! Ine-enjoy ko lang po talaga."
Nabulabog ang mga accla at halamang dagat sa pa-wet look niya sa Bangkera.
Bakat na bakat ang dakilang lahi! Meron ba siyang bulge enhancer?
"Yung sa river po, as in natural po talaga siya! Wala pong daya!" pagpapakatotoo ni Marco.
Pinatelag ba niya ang kanyang private part para magpakitang-gilas ang kanyang Felix Bakat?
"Hindi po. As in tulog pa siya. Nung time na yon, nahirapan pa nga po akong ipabakat,” salaysay ni Marco.
"Kasi nga, ang lamig. Ang lamig, e! Kasi ang lamig talaga nung running water. Kasi yung tubig po na nilubluban ko, running water siya galing sa itaas.
"So, ang lamig. E, may kasama pang hangin, kaya ayun, inayus-ayos ko na lang.”
Read: Hubaderos 2025 1Q: Celebs who bared on stage, runway, TV, films

NOEL FERRER:
Ano ang kanyang feeling nang mapanood na niya ang pelikulang Bangkera, na nag-number 1 sa VMX?
"Nung una po, sa trailer pa lang po, excited na excited na ako na nakita ko. Tuwang-tuwa na ako nun," sabi ni John Marco Mora.
"Then nung naglabas sa advance screening, eto ang nakakatuwa, nagbayad ako sa advance screening sa VMX Plus. Binili ko siya talaga para mapanood ko lang.
"Habang pinapanood ko po siya, nagu-goosebumps talaga ako. Talagang nagtatayuan po lahat ng balahibo ko na, ‘Sh*t, ang ganda!’
"Sobrang ganda nung kinalabasan talaga nung movie. Worth it yung pagod, paghihirap ng lahat, ng direktor, cast, at crew. Lahat, sulit!
"Sabi ko, ang ganda! Like yung pagkaka-edit po, ang ganda! Yung cinematography, from start hanggang dulo, napakaganda lahat."
FEEDBACK FROM FAMILY
Ano ang feedback ng kanyang mga kaibigan, kakilala, at kapamilya?
"Sa mga kaibigan ko po tsaka sa pamilya ko, almost same naman po lahat ng sinasabi nila sa akin," sey ni Marco.
"Yung movie, ang ganda nga raw po ng film ko. Yung unang labas ko sa lead ko, ang ganda. Wala daw po silang masabi.
"Tapos tinatanong ko nga po sila, e. ‘Maging honest kayo sa akin. Yung pagdating sa akting ko, ano ang masasabi ninyo? Ayoko yung pupurihin nyo lang ako. Bigyan nyo rin ako ng negative sides ko.’
"Kasi, para mas mapagbutihan ko pa yung susunod. Para alam ko yung improvement na gagawin ko in the future.
"Kaya ayun, ang lahat naman po ng nasabi sa akin, magaling daw po ako. Hindi daw po halatang baguhan. Sobrang natural daw po yung akting ko.
"Kaya nakakatuwa. Nakakabulaklak ng puso."
FOCUSED ON WORK
Graduate si Marco ng senior high sa Dr. Carlos S. Lanting College.
Nasa second year na siya sa kolehiyo nang tumigil sa pag-aaral para mag-focus sa kanyang showbiz career.
"Gusto ko pong mas mabigyan ng oras yung gagawin ko para mas mapaghusayan ko pa," katuwiran ni Marco.
Hindi rin daw muna siya nag-girlfriend para makapag-focus siya sa work.
Read: Armani Hector iiwan na ang sexy movies para sa wholesome roles
GORGY RULA:
May naka-line up nang next project for John Marco Mora sa VMX.
Hanggang saan pa ba ang kaya niyang gawin?
Natigilan sandali si Marco bago sumagot, "Sa kaya ko pong gawin, masasabi ko lang po diyan na ano, na kaya ko pong ibigay yung best ko sa lahat kahit anong role na ibigay sa akin.
"Mapa-action, comedy, or anything like that na ano po, kakayanin ko po."
Marami ba siyang pinaghuhugutan?
"Ang pinaghuhugutan ko lang po naman talaga sa akin, pamilya ko, e. Yun lang po.”
FAMILY BACKGROUND
Breadwinner ba siya ng kanilang pamilya?
"Hindi naman po sa pagiging breadwinner. Ano lang po, pagdating po sa akin, kaya nasabi ko sa pamilya ko, kasi dumating din po kami sa point na naging broken family din po kami," pagtatapat ni Marco.
"But naayos naman na po. Not totally nagkabalikan, nandun pa rin naman sila, sumusuporta sa akin, pero hindi na totally balikan."
Bunso si Marco sa dalawang magkapatid.
Ano ba talaga ang pangarap niya sa buhay?
"Ang una po talaga, pulis. Kasi lahat po sa side ko po ng family ko, more on lahat po sila, pulis, nasa government, lawyer," lahad ni Marco.
"Pulis, yan, mga ganun po. Ako lang po siguro yung sumuway. Ha! Ha! Ha! Ha!"
ON STAGE PLAYS
Nag-propose si Direk Roman Perez Jr. na hasain sa acting ang VMX stars sa pamamagitan ng stage plays sa Viva Cafe.
Kakayanin ba niyang maghubad sa entablado, na maraming nanonood?
"Opo, kaya naman,” mabilis na sagot ni Marco.
E, kung sabihan siyang mag-frontal nudity, kakayanin ba niya?
"Kung sa pelikula po, opo, kaya ko po, frontal. Pero kung pagdating sa mga theatre o kaya stage play, siguro hindi pa po kaya,” saad ni Marco.
"Hindi ko pa po kayang maghubad totally ng frontal sa stage na may live audience. Ang kaya ko lang pong ipakita sa stage, puwet.
"Pero yung totally private part, hindi ko po kaya sa stage."