PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ralph Christian Engle, palaban sa bed scene, mahiyain sa personal

Ralph Christian Engle, paano hina-handle ang indecent proposals?
by PEP Troika
Published Apr 17, 2025
Ralph Christian Engle talks about all of his sexy VMX projects, what it's like doing intimate scenes, and how he handles indecent proposals.
Ralph Christian Engle on intimate scenes: "May mga ganun pa rin talaga akong part na nao-awkward-an ako, nahihiya ako… Iba kasi yung iniisip ko na trabaho lang kesa kapag in person na parang ganun."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Mang-aawit ang yumaong ama ng VMX actor na si Ralph Christian Engle.

“Siguro po, mga ‘70s, nag-singer si Daddy Rafael Engle,” sabi ni Ralph nang makatsikahan ng PEP Troika noong Abril 14, 2025, Lunes Santo, sa Max’s-Sct. Borromeo, Quezon City.

Paslit pa lang si Ralph nang pumanaw ang kanyang daddy noong 2007.

“Nakita ko na lang last time sa YouTube, kumakanta siya sa parang comedy bar,” lahad ni Ralph.

“May inanuhan siya na comedy bar… Pinapanood lang sa amin ni mommy yung nasa YouTube, na si Daddy nga, dating singer, ganyan. Tapos nag-aakting-akting din.”

Kumakanta rin ba siya like his dad?

“Ay! Yun ang hindi ko namana! Ha! Ha! Ha! Ha!” Maliban sa pagsulput-sulpot sa VMX projects, ano ang pinagkakaabalahan niya?

"Ngayon, more on gaming kasi ako, e. Nagta-try ako ngayon na ano, nagbi-build up ako ng PC," saad ni Ralph, na nakatira sa Dasmariñas, Cavite.

"Tapos tina-try kong mag-livestream ngayon sa Facebook ng mga games."

Kumikita siya roon? Tumango si Ralph, “Oo, sa mga laro ko. Sakto lang ang kita—may mabilis, may matagal. Depende din, e. Iba-iba kasi ang ano ng laro."

Read: John Marco Mora, may maseselang eksena sa first lead role

RALPH ENGLE CHILDHOOD DREAM: TO BE A SOLDIER

Ano pa ang pangarap niya? Napangiti si Ralph,

"Ang pangarap ko talaga noon, noong unang-una talaga, maging sundalo. Sa family kasi namin, puro kami sundalo sa side ni Daddy.

"Parang si Daddy din lang yata yung isang humiwalay, ganun. Tapos, nadamay lang ako kaya napasok din ako sa showbiz.

"Pero halos lahat sa family namin, katulad ni Tito, yung sumunod kay Daddy, sundalo yon. Up until now, sundalo siya."

Trese (13) anyos si Ralph nang unang magpaputok ng baril. Hanggang edad disisyete (17) ay iba’t ibang klaseng baril ang napaputok niya.

May baril sila sa bahay pero hindi raw niya ginagalaw. Keri niyang mag-aksyon, partikular makipagbarilan sa pelikula o teledrama.

"Actually, yan yung pangarap ko kaya rin ako nag-artista. Kasi, sabi ko, gusto kong makapasok sa action saka drama," sabi ni Ralph.

"Ayan talaga ang forte ko sana."

Ibang aksyon ang ginawa niya sa VMX. Ibang sandata ang ikinasa, itinutok at "pinaputok"?! Natawa si Ralph, "Ha! Ha! Ha! Ha! Iba yung niratrat! Ha! Ha! Ha! Ha!"

VMX star Ralph Christian Engle admits he still feels awkward doing daring scenes.
VMX star Ralph Christian Engle

Read: Chadd Solano on why he keeps saying sorry to female co-stars

NOEL FERRER:

Ang unang project ni Ralph Christian Engle sa VMX (dating Vivamax) ay ang four-episode series na An/Na (2022), na pinagbidahan ni Janelle Tee, sa panulat at direksyon ni Jose Javier Reyes.

"Ekstra lang ako sa An/Na. Saglit lang, kinausap lang ako ng bida. Wala naman siyang sex scene,” pagbabalik-tanaw ni Ralph.

"Basta parang ano lang, kausap lang ako nung bida. Ganun."

Ang pangalawa ay ang four-part series na Stalkers, starring Wilbert Ross and Rose van Ginkel. Ang direktor ay si Easy Ferrer.

"Ang role ko naman dito, isa akong therapist. Masahista ako. Tapos with benefits yung masahe namin," sey ni Ralph.

"Yung pangatlo ko, Hugot. Ang bida, sina Benz Sangalang at Azi Acosta. Basketball player naman ako dun. Parang ekstra lang din.

"Sumunod kong ginawa, yung Dearly Beloved. Bumida si Cristine Reyes. Nasa Netflix siya.

"Tapos eto na, nagsimula na akong maging second lead. Dumating yung Salisihan. Nakakuha na ako ng magandang role para sa akin."

Co-stars ni Ralph sa Salisihan sina Zsara Laxamana, Amabella de Leon, at Chester Grecia. Ang direktor ay si Iar Lionel Arondaing.

Sa sumunod na VMX movies niya, Kulong at Pin/Ya, katsuktsakan lang din siya ng isa sa mga bidang babae.

At nitong Abril 15, Martes Santo, nag-streaming ang GL movie na Violet na integrated sa istorya ang Panagbenga festival ng Baguio City.

Siya lang ang bubuyog sa cast at naka-foursome niya ang tatlong bulaklak—sina Aliya Raymundo, Christy Imperial, at Dani Yoshida.

Nasa cast din si Ralph ng VMX movie na Ang Pamumukadkad ni Mirasol, na nakatakdang mag-streaming sa Mayo 16. Co-stars niya rito sina Queenie de Mesa at Shiena Yu.

VMX Violet starring Ryan Christian Engle
Violet stars Dani, Aliyah, Ralph and Christy

Read: Armani Hector iiwan na ang sexy movies para sa wholesome roles

GORGY RULA:

Marami-rami na ang projects ni Ralph Christian Engle sa VMX mula noong 2022.

Ano ang memorable experience niya?

"Yung bonding, e. Bonding with co-actors ko saka sa prod. Kasi, iba pa rin kapag lahat, nakikisama. Lahat, mabait," tugon ni Ralph.

"Pagka nasa set kayo, yun talaga ang hindi mo makakalimutan, e. Yung bonding na nangyayari habang nagsu-shooting kayo."

ON FEMALE CO-STARS

Kumusta iyong VMX girls na nakatrabaho niya? Sino ang pinakapaborito niya?

"Halos lahat kasi sila, magagaling. Lahat din sila, mababait. Siguro ang pinaka para sa akin, itong huli," sagot ni Ralph.

"OK kasing katrabaho sina Queenie at Sheena. Siguro silang dalawa."

Sanay na siya sa mga mapangahas na eksena? Nahihiya o naiilang pa ba siya?

"Naiilang pa rin po ako, lalo na pag yung babaeng kapartner ko at hindi ko naman siya talaga close, at tsaka hindi ko pa siya nakasama kahit isang beses," pagtatapat ni Ralph.

"May mga ganun pa rin talaga akong part na nao-awkward-an ako, nahihiya ako…

"Hindi naman din kasi ako talaga ganun. Sa Viva lang ako natuto na naghubad-hubad."

Kahit produkto siya ng mga bikini open, mahiyain pa rin siya sa pagtatalop?

"Iba kasi yung iniisip ko na trabaho lang kesa kapag in person na parang ganun,” ani Ralph.

"Kasi kapag iniisip ko na, kunyari nasa shooting, ayun, 'Trabaho lang ito,' ganun. Kahit before, nung nagbi-bikini ako, nagpa-pageant ako. Ganun lang din ang nasa isip ko.

"Pero kapag in person na talaga, yung kunyari kaibigan mo ako, malalaman mo kung gaano ako ka-shy type na tao."

Hindi ba nagulat o nagtaka ang ibang VMX girls na nakaeksena niya, na mahiyain pala siya?

"Last time, ang nakapag-ano sa akin ng ganyan, si Zsara Laxamana," pagsisiwalat ni Ralph.

"May kissing scene kami sa Salisihan, saka intimate scene. Ang sinabi niya sa akin para mawala ang hiya ko, yung kaba ko, isipin ko na lang daw na girlfriend ko siya.

"Sabi ko, ita-try ko. Kaya ayun, naging good yung run ng bed scene namin that time."

ON INDECENT PROPOSALS

Hinaharut-harot ba siya ng mga bading porke naghuhubad siya sa VMX?

"So far, sa prod, wala namang ganun. Pero yung mga nagcha-chat sa akin na mga ano sa Facebook, madami," sabi ni Ralph.

"Yung iba, minsan kapag over na, nag-o-offer na, hindi ko na kinakausap. Pero may mga na-experience ako na gusto lang makipag-usap.

"Pag nakakausap mo, ganyan-ganyan. Minsan nagkukusa sila, nagpapadala. Wala namang ano sa akin ang ganun.

"Pero kapag iyong mga nag-o-offer na katulad ng mga 'DS'—yun daw direct sex, walang kahit na ano, sex lang, ganun.

"Sabi ko, ‘Ay! Hindi po ako naggaganyan!’ Ayun, blinock ko na lang. He! He! He! Kapag nag-o-offer ng ganyan, bina-block ko.

"Kaya yung block list ko, andami na. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ralph Christian Engle on intimate scenes: "May mga ganun pa rin talaga akong part na nao-awkward-an ako, nahihiya ako… Iba kasi yung iniisip ko na trabaho lang kesa kapag in person na parang ganun."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results