PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nora Aunor, gagawaran ng state necrological service sa MET

Mga kababayan ni Nora Aunor, magsasagawa ng vigil sa Iriga City ngayong gabi, April 21.
by PEP Troika
Published Apr 21, 2025
Nora Aunor's state necrological service will be held at Manila Metropolitan Theater on April 22, 2025.
National Artist at nag-iisang Superstar ng Philippine Cinema Nora Aunor, kasado na ang state funeral sa Libingan Ng Mga Bayani at necrological service sa Manila Metropolitan Theater, na magsisimula ng 8:30 A.M., Martes, April 22, 2025.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA:

Nagdadalamhati ang Bicol region lalo na ang Iriga City sa pagpanaw ni National Artist Nora Aunor.

Sa Iriga isinilang si Ate Guy. Noong Mayo 29, 2018 ay pinuntahan ng PEP Troika ang Nora Aunor Nook sa Iriga City Public Library.

Read: Mga alaala ni Nora Aunor sa Iriga City, buhay pa ba?

Napabalita before na museum iyon, pero maliit na puwesto lang pala nang puntahan namin.

Ayon sa nakausap naming city librarian na si Flora Salvadora, noong 2015 pinasimulan ang Nora Aunor Nook.

Pinuntahan din namin noon ang dating bahay ng Superstar, pati iyong train station kung saan may marker ni Ate Guy.

Nasa isang tabi na lang iyong marker, at ipinalagay namin sa maayos na puwesto bago kinunan ng litrato.

Walking distance lang sa dating bahay ni Ate Guy ang train station kung saan nagtinda siya ng tubig noong bata pa.

Bilang pagbibigay-pugay kay Nora, in-announce ng Iriga City Mayor Wilfredo Rex Oliva na magkakaroon ng vigil sa Plaza Rizal ng Iriga City, Camarines Sur ngayong Abril 21, 2025, Lunes ng gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In-announce ito ni Mayor Oliva sa flag ceremony ngayong umaga para iimbitahin ang mga Iriganons na sumali sa vigil.

Iriga City Mayor Rex Oliva, niyaya ang mga kababayan na magsagawa ng vigil ngayong huling gabi ng lamay para kay Nora Aunor.
Iriga City Mayor Rex Oliva invites constitutuents to hold a vigil on the last night of the wake for National Artist Nora Aunor.
Photo/s: DZRH Facebook

Gusto na rin sana ni Mayor Oliva na humabol sa huling gabi ng lamay sa The Heritage Memorial Park, pero wala na raw siyang nakuhang ticket sa eroplano patungong Maynila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Minabuti na rin niyang sumama sa vigil sa Plaza Rizal. Nakarating na kay Lotlot de Leon itong balak ng mga taga-Iriga City na vigil para sa kanilang ina, at ipinagpasalamat niya ito.

Read: Lotlot de Leon reveals mom Nora Aunor's bilin, last text message

NOEL FERRER:

Napuntahan natin ang lugar kung saan isinilang at nabuhay si Ate Guy.

At tunay na nagpapasalamat tayo sa mga kababayan ni Ate Guy sa pagpapahalaga nila sa ating Superstar at National Artist.

Sana, mas palawigin pa ang pagpapahalaga kay Ate Guy tulad na lang ang istatwa niya sa may tren nila.

Sana rin, lalo pang lumaki ang kuleksyon ng kanilang public library na may Nora Aunor Nook.

Bukas, Martes ng umaga, April 22, ang necrological service kay Ate Guy sa makasaysayang Manila Metropolitan Theater (MET).

Arrival honors will begin at 8:30 A.M., followed by a tribute program at 9:00 A.M.

The state funeral rites will continue at the Libingan ng mga Bayani in Taguig City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ila-livestream ang necrological service sa Facebook pages ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Sana talaga, magtuluy-tuloy ang pagpapahalaga at tribute kay Ate Guy!

Read: Why Ruby Ruiz declined offer to be Nora Aunor's PA

JERRY OLEA:

Noong Abril 19, Sabado de Gloria, 10:00 A.M.-4:00 P.M. ang unang araw ng public viewing sa mga labi ni Ate Guy.

Ayon sa waiter na nakausap namin, bago pa mag-10:00 A.M. ay dagsa na ang mga tao, at hindi alintana ang init. May mga naka-wheelchair o kaya ay walker.

Pasado 1:00 P.M. kami dumating sa wake noong Sabado de Gloria. Sinamahan namin ang super-Noranian na si Ronald Cristobal ng Sta. Maria, Bulacan, na kasama ang ina at lima pang mga kaibigan nito na nagmamahal sa Superstar. Nagmo-monitor sa pila sina Nadia Montenegro at Shyr Valdez.

Maagang dumating si John Rendez na kinukumusta at kinakawayan ang Noranians. Nagpa-flying kiss pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging sina Matet de Leon at Lotlot de Leon ay namataan kong kinukumusta ang kalagayan ng fans.

Nag-cut off na ng public viewing noong Sabado ng 4:00 P.M. Pinagbigyan kasi ni Lotlot ang request ng iba’t ibang fans clubs ni Ate Guy na mag-tribute sila nang 4:30-6:30 P.M.

Noranians dumagsa para mag-alay ng tribute para kay Nora Aunor noong Sabado de Gloria, April 19, 2025.
Noranians flock to The Heritage Memorial Park to pay tribute to Nora on Black Saturday, April 19, 2025.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

By 6:00 P.M, ay siksikan na ang mga tao, at hindi magkandaugaga ang mga bantay.

Kumukurot sa puso ang pag-awit ng mga Noranian ng "Habang Panahon" at "Superstar ng Buhay Ko." Nag-overtime sila!

Bandang 6:38 P.M. na sila lumabas ng chapels para makapasok iyong ibang mga bisita.

Naghintay lang sa labas si Direk Joel Lamangan, na advance party ng mga taga-BAYAN, MIGRANTE at iba pang grupo na member si Ate Guy.

Ian de Leon and Direk Joel Lamangan seen taking a photo with Nora Aunor's peers from BAYAN, MIGRANTE and other groups.
Ian de Leon and Direk Joel Lamangan seen taking a photo with Nora Aunor's peers from BAYAN, MIGRANTE and other groups.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakilala ni Direk Joel kina Matet at Ian de Leon ang mga ito.

Matet de Leon seen taking a photo with Nora Aunor's peers from BAYAN, MIGRANTE and other groups.
Matet de Leon meets Nora Aunor's peers from BAYAN, MIGRANTE and other groups.
Photo/s: Jerry Olea

Sa second day ng public viewing noong Easter Sunday, April 20, mas maraming Noranians ang dumagsa! Mahigpit din ang bantay sa gate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinawag pa sa kung sino man organizer kung puwedeng pumasok kami nina ka-Troikang Gorgy, Armando Reyes na nagdirek kay Nora sa pelikulang Palengke Queen (1982), at Ogie Narvaez-Rodriguez.

Sinalubong kami ni Direk Adolf Alix Jr. Sabi ni Direk Adolf, in-extend hanggang 5:00 P.M. ang public viewing dahil andami pang Noranians na nanggaling sa mga probinsya ang nais masilayan ang Superstar sa huling sandali.

Ang Celebration of Life noong Easter Sunday night ay organized nina Tita Malou Choa-Fagar at Gina Alajar na siya ring host ng programa.

Kabilang sa naglahad ng eulogy sina Bembol Roco, Jo Berry, Direk Adolf Alix Jr., at Direk Joel Lamangan. Umawit sina Carla Martinez at Kuh Ledesma, at nagsalita kapagkuwan si Pastor Sonny Oaman.

Nang mainterbyu namin si Direk Adolf, sinabi niya na ang pinakagusto niya sa mga kanta ni Nora ay "Handog."

"Alam mo, bagay sa kanya talaga, yung Handog. Kasi every time na pinapakinggan ko... Alam mo yun, sakto sa kanya," sabi ni Direk Adolf.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi hindi ko masyadong ano lahat ng kanta, pero every time na naririnig ko yung kanta na yun, parang siya yung naalala ko.

"Kasi, naalala ko dati, pag FAP [Film Academy of the Philippines], di ba, pag FAP Awards, pagka patapos na yung awarding at nanalo na, aakyat silang lahat. Tapos kakantahin yun, e, yun yung natatandaan ko dati pag Film Academy.

"So, yun yung tumatak sa akin nung bata pa ako na nakikita ko. So, parang siya yung kanta, e.

"Kahit tumanda ka, tatanda ka at lilipas din pero may maiiwan ka.

"So sa kanya, bukod sa musika, pelikula, at yung pagiging isang selfless na tao."

Bagay ring katahin para kay Ate Guy iyong "Minsan Ang Minahal Ay Ako" na mula sa musical na Katy, at siyempre pa, ang "Paglisan" ni Cookie Chua.

Bago i-execute si Flor Contemplacion noong Marso 1995, paulit-ulit na pinatugtog sa himpapawid ang "Paglisan."

Super-lakas ang clamor noon na gumanap si Nora na Flor Contemplacion sa pagsasapelikula ng life story nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa vigil ngayong gabi sa Iriga City, maging sa celebration of Nora’s life tonight sa The Memorial Heritage Park, at sa necrological service tomorrow morning sa Metropolitan Theater ng Manila, anu-anong awit kaya ang ihahandog kay Ate Guy?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
National Artist at nag-iisang Superstar ng Philippine Cinema Nora Aunor, kasado na ang state funeral sa Libingan Ng Mga Bayani at necrological service sa Manila Metropolitan Theater, na magsisimula ng 8:30 A.M., Martes, April 22, 2025.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results