NOEL FERRER:
All roads lead to the Metropolitan Theater today, April 22, 2025, Tuesday, para sa State Funeral honors para sa ating nag-iisang Superstar at National Artist Nora Aunor .
Ayon sa masipag na Vice President at Artistic Director ng Cultural Center of The Philippines (CCP) na si Dennis Marasigan, ginawa ang lahat ng makakaya para maibigay ang maganda at maayos na huling pagpapahalaga para kay Nora.
Ito ay kahit na naganap ang preparasyon sa gitna ng Holy Week at nakabakasyon ang ibang mga kasamahan natin sa sektor ng sining at kultura.

Read: Lotlot de Leon, nag-alala kahit sinabi ni Nora Aunor: "Okay ako"
NORA AUNOR SPECIAL TRIBUTE
Heto ang nakatalang schedule at programa sa MET:
8:30 AM - Arrival Honors.
9:00 AM - Program begins
1. National Anthem.
2. Invocation
3. Remarks by CCP Vice Chair Carissa Coscolluella
4. Offering of Flowers by National Artists.
5. Tribute by Ricky Lee
6. "WALANG HIMALA" - Aicelle Santos and Phil. Madrigal Singers
7. Changing of the Guards.
8. Tribute - Joel Lamangan.
9. "HANDOG" - Philippine Madrigal Singers
10. Tribute - Charo Santos Concio
11. "SUPERSTAR NG BUHAY KO" - Jed Madela and Angeline Quinto
12. NCCA Tribute - Eric Zerrudo
13. Introduction of the President - NCCA Chair Ino Manalo.
14. President's Remarks
15. Transfer of National Artists Medallion.
16. Final Tribute - CCP President Kaye C. Tinga
17. Recessional
Pagkatapos nito, tutuloy na ang mga labi ni Ate Guy sa huling hantungan nito sa Libingan ng mga Bayani.
Read: Ian de Leon reveals cause of death of Nora Aunor
JERRY OLEA:
May pagbabago sa programa. Napag-alaman ng PEP Troika na hindi na dadalo sa President BBM sa necrological service for Ate Guy sa MET.
Dumalaw naman si President Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos sa huling gabi ng lamay, April 21, 2025, sa The Heritage Park sa Taguig City.
More or less ay 30 minutes sila sa burol.
Noong Sabado de Gloria pa natin nabalitaan na magpupugay kay Ate Guy sa necrological service sina Direk Joel Lamangan, Charo Santos-Concio, at National Artist Ricky Lee.
Ipinakita sa akin ni Direk Joel ang text na pag-iimbita sa kanya, at nakumpirma rin natin iyon kay Sir Ricky.
Simula 7:00 A.M. ngayong Martes, April 22, may road closures sa bandang Padre Burgos Avenue at Natividad Lopez Street ng Maynila. May rerouting ng mga sasakyan.
May livestreaming ng necrological service sa Facebook pages ng CCP at NCCA.
Read: Lotlot, Matet, Kiko, Kenneth proud to be adopted by Nora Aunor
GORGY RULA:
Sa mga taga-Bicol naman ay tinawag nilang “pinag-oorgolyo” o ipinagmamalaki nila ang National Artist at Superstar na si Nora Aunor.
Kaya kagabi, April 21, mahigit tatlong oras din ang seremonya sa Plaza Rizal ng Iriga City, kung saan nagdaos ng tribute sa namayapang aktres.
Dinaluhan ito ng local officials na pinangunahan ni Mayor Wilfredo Rex Oliva kasama ang mga dating kaibigan, kaklase, at guro ni Ate Guy.
Nagbigay sila ng eulogy at sinariwa ang mga alaala nila nung kabataan ng aktres.
Malaki raw ang karangalang ibinigay ni Ate Guy sa mga taga-Iriga, kaya hindi pa raw nagtapos doon, may mga binabalak silang gawin bilang pagbibigay-pugay sa nag-iisang Superstar.
Aayusin na raw nila ang matagal nang binabalak na Nora Aunor Museum.
Ipapasa na rin daw ng Sangguniang Panlungsod sa Kongreso ang resolution kunsaan ang isang kalye sa Barangay San Francisco ay gagawing Nora Aunor Road.
Ang kalyeng ito ay madalas daw na dinadaanan ni Ate Guy noong nagtitinda siya ng mani at tubig hanggang sa riles ng tren.
Bahagi ng mensaheng ipinarating ni Mayor Oliva ng Iriga City kagabi:
"Hindi man po kami nakapaglamay at nakadalo sa kanyang libing bukas, we prepared and offered a humble tribute in her honor, an expression or our deep respect and admiration for a woman whose life shown across generations and whose life brought honor to our city.
"Dahil sa bawat kanta na kanyang inawit, sa bawat pelikula na kanyang pinagbidahan, at sa bawat tagumpay na kanyang iniuwi, ito ay nagbigay ng malaking karangalan sa kanyang bayang sinilangan."
