JERRY OLEA:
Unforgettable experience para kay Martin del Rosario ang makatrabaho si Nora Aunor sa pelikulang Laro, na idinirek ni Adolf Alix Jr.
Si Nora ay kilala rin bilang Ate Guy.
"First time kong makatrabaho si Ate Guy, na-starstruck talaga ako!" bulalas ni Martin.
Nainterbyu namin si Martin sa wake ng Superstar noong Easter Sunday, April 20, 2025, sa The Heritage Memorial Park, Taguig City.
"Yun ang totoo. Kasi sabi ko nga kay Direk, 'Kaeksena mo si Ate Guy, pag tinitingnan mo yung mata niya, para ka niyang hinihigop!
"Parang ang sarap niyang panoorin. Parang may hypnosis. Nakaka-hypnotize, so dun pa lang na-starstruck na ako.
"Tingnan ka lang niya, wala siyang sinasabi, tumingin lang siya sa yo, ramdam na ramdam mo yung intensity ng ano ni Ate Guy," lahad ni Martin.

MARTIN DEL ROSARIO ON LOVE SCENE WITH NORA AUNOR
Sabay sabi ni Martin, "Tapos kabadung-kabado nga ako dito dahil meron kaming eksena dito with Mark Neumann, parang threesome."
Menage a trois! Mapangahas! Maselan!
Napapangiting sang-ayon ni Martin, "Maselan. Sabi ko kay Direk Adolf, ‘Direk, parang hindi ko kaya.’
"Kasi siyempre, parang… Nora Aunor, Superstar, tapos hahalik-halikan mo. Halik-halik na ganyan.
"Parang sabi ko, 'Parang hindi ko maatim na… si Nora Aunor, gaganunin ko?!'
"Tapos sabi lang ni Direk, ‘Hindi, kaya mo yan, Martin.’
"Tapos siyempre, alam ko naman ang limitations na basta, may camera angles. Pero still yung blocking, ano pa rin, ha?"
WHAT NORA AUNOR TOLD MARTIN DEL ROSARIO
Nakausap ni Martin si Nora bago ang intimate scene nila.
"Tapos naalala ko, si Ate Guy, parang… sabi ko, ‘Nahihiya po talaga ako sa inyo, pasensya po, sorry po, sorry po!’
"Sorry ako nang sorry sa kanya. ‘Hindi, ano ka ba? Gawin mo lang kung ano ang kailangan mong gawin!’ sabi niya sa akin.
"Ayun, na-relax na ako after that."
Read: Nora Aunor, surrounded by her children in her very last moments
NOEL FERRER:
Magkasama rin sina Martin del Rosario at Mark Neumann sa pelikulang Beyond the Call of Duty.
Nagkita sila sa shooting noong Abril 16, at naalala nila iyong pelikulang Laro with Nora Aunor.
Kaya ganoon na lang ang gulat ni Martin nang mabalitaan the next day ang pagpanaw ni Ate Guy.
"Napakasuwerte ko na, siyempre, konti lang kaming mga batang artistang nagkaroon ng chance na makatrabaho ang isang Superstar," sabi pa ni Martin.
"So, masasabi ko na sobrang suwerte ko na nakatrabaho ko siya."
Hopefully ay maipalabas sa Oktubre ang Laro, in time sa celebration ng showbiz anniversary ni Ate Guy.
Read: OPM icon Hajji Alejandro dies at 70
GORGY RULA:
Doon lang sa pelikulang Laro nagkatrabaho sina Nora Aunor at Martin del Rosario.
Ano ang natutunan ni Martin kay Ate Guy?
Sagot ni Martin: "Actually, nabilib… nabilib talaga ako. Yun nga, sabi ko nga kay Direk, yung mata. Parang nakakalunod pag titingnan ka niya," sabi ni Martin.
"Tapos kahit hindi siya gumalaw, nakatingin lang sa iyo, mararamdaman mo talaga.
"Sobrang hangang-hanga ako sa kanya, yung style ng artistry niya."
Take 1 lang ba iyong threesome nila nina Nora at Mark Neumann?
"Medyo maraming take din kasi maraming angles. May mga daya. Kasi ano yun, film, so iba-ibang angle," tugon ni Martin.
Siyanga pala, sa Oktubre ang rerun ng dulang Anino Sa Likod Ng Buwan, kunsaan tampok sina Martin, Elora Españo, at Ross Pesigan.
Kasama rin si Martin sa Kapuso prime-time series na Lolong: Pangil ng Maynila.
