PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pia Moran, break na sa 32-anyos na boyfriend

Pia, wala pang bagong pag-ibig sa ngayon.
by PEP Troika
Published Apr 25, 2025
Pia Moran, break na sa 32-anyos na boyfriend
Pia Moran, masaya raw sa "single life" at mas naka-focus ngayon sa showbiz career niya.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Nang makausap ko si Pia Moran sa special screening ng pelikulang Lola Magdalena, hopia siya na magtatagal ang pag-iibigan nila ng 32-anyos na boyfriend niya.

Read: Pia Moran, hoping na magtagal sila ng 32-year-old boyfriend

Nagkita kami noon, Agosto 9, 2024, sa 20th Cinemalaya film fest sa Ayala Malls Manila Bay.

At the time, bago pa lang daw sila ng BF niya na isang nars, pero noong 2020 pa sila magkakilala.

PIA MORAN UPDATE

Nang makita ko si Pia sa wake ni Nora Aunor noong Abril 19, 2025, Black Saturday sa The Heritage Memorial Park, Taguig City, kinumusta ko sila ng boylet niya.

"Wala, wala, wala na!" aligagang bulalas ni Pia.

"Alam mo naman ang mama! Ang mama tuloy. Hindi… ikaw talaga, oo!” sabay hagikgik.

Nalulungkot siya? "No, I’m not!" mabilis na tugon ni Pia.

May bago siyang pag-ibig? "Wala rin! Kasi, mas sanay ako na single. Gusto ko ang single life," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano kung may manligaw sa kanya? “Hindi ko alam, hindi ko masagot,” natatawang sabi pa ni Pia.

Sa pelikulang Lola Magdalena ay lover boy niya ang twenty-something na si Daks, na ginampanan ni Carlo San Juan.

Nasa cast din ng Lola Magdalena sina Gloria Diaz, Perla Bautista, Liza Lorena, Sunshine Cruz, Harlene Bautista, at Jim Pebanco, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Read: Body Language Pia Moran talks about cheerless dances of her life

NOEL FERRER:

Ang chika pa ni Pia Moran, meron siyang pelikulang palabas sa U.S., iyong Umbag, na idinirek ni John Ad. Castillo.

"Dito syinuting yung Umbag, tapos sa U.S. ngayon palabas, hanggang December. Maybe pupunta ako doon," sey ni Pia.

Bida sa indie film na Umbag sina Marie Flows, LJ Ramos, Miguel Ramirez, at Pen Soloria.

Nasa cast din sina Ricardo Cepeda, Zyrus Imperial, Archi Adamos, Lhutz Bark, Eiven Gatdula, at Carleans Chay.

Sa tunay na buhay, naumbag na ba si Pia o siya ang nang-uumbag?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako ang nang-uumbag! Ha! Ha! Ha! Ganun ba!? Ha! Ha! Ha! Joke!" pagtawa ni Pia.

Anu-ano pa ang pinaggagagawa niya nowadays?

"Basta, wala na! Yun lang ang pinagkakaabalahan ko ngayon… hindi na ako sanay sa showbiz," sambit pa ni Pia.

Read: Esperanza Fabon, inalala ang naging property issue ni Nora Aunor

GORGY RULA:

Nakasama si Pia Moran sa pelikulang Darling, Buntis Ka Na Naman (1980) na pinagbidahan nina Nora Aunor at Mat Ranillo III, sa direksyon ni Amado Cortez.

Ayon sa IMDB, nasa cast din ng naturang movie sina Dandin Ranillo, Lucita Soriano, Lorli Villanueva, Flora Gasser, Franco Rivero, Greg Lozano, Robert Miller, Hero Bautista, at Harlene Bautista.

Kumusta si Nora na katrabaho?

"Ambait. Sobrang bait ni Ate Guy. Palangiti… Kasama ko siya sa shooting, napakabait ni Ate Guy," sey ni Pia.

"Yun lang ang masasabi ko. I’m so proud na nakasama ko siya."

Ano ang naramdaman niya nang mabalitaang pumanaw na ang 71-anyos na si Ate Guy?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nalungkot ako, sobrang lungkot. Kasi parang hindi ko in-expect na mawawala siya. Hindi sa ganung age. Basta… nasa puso ko siya lagi!" bulalas ni Pia.

"Wherever! Hanggang nandito pa ako… basta, si Ate Guy, para sa akin, I love her so much. Idol ko siya noon pa.

"Bago ako pumasok ng showbiz, Ate Guy [fan] na ako."

Ano ang reaksyon niya nang lumapit siya sa kabaong ni Ate Guy at masilayan ito?

"Siyempre nandun yung lungkot talaga, na hindi ko iisipin na wala siya. Basta sa isip ko, sa puso ko, nandiyan lang siya sa akin," seryosong tugon ni Pia.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Moran, masaya raw sa "single life" at mas naka-focus ngayon sa showbiz career niya.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results