GORGY RULA:
Napapag-usapan pa rin ang sunud-sunod na pagpanaw ng icons sa entertainment industry.
Panalangin ng lahat, sana’y wala nang sumunod ngayong Abril.
Read: Nora Aunor, surrounded by her children in her very last moments
Suggestion ng iba, bakit hindi magpamisa para ma-break kung meron mang sumpa sa ating industriya.

Napag-usapan nga namin yan ni Jomari Yllana nitong Biyernes, April 25, 2025.
Sabi ni Jomari, parang hindi pa rin daw niya matanggap itong magkakasunod na pagpanaw nina Pilita Corrales, Nora Aunor, at Hajji Alejandro.
Read: Pilita Corrales dies at 87
“In denial pa ako,” pakli ng actor-politician.
"Siguro, we’re just so busy every day with campaign, election. Mag-sink in sa akin yan later on. Pero hindi siya nagsi-sink in sa akin.
"Alam ko, isa-isa sila. I remember Pilita being the sweetest diva. Pinaka-sweet, pinakamabait.
"Ate Guy is Ate Guy. I never worked with her, pero yung influence, at saka yung mark na iniwan.
"And yung standard na iniwan sa industriya na kahit hindi ko siya nakakatrabaho… lahat ng ginawa niya, yung contribution niya sa atin," dagdag ni Jomari.
Read: OPM icon Hajji Alejandro dies at 70
Si Jomari ay tumutulong sa pangangampanya sa asawa niyang si Abby Viduya na tumatakbong konsehal sa district 1 ng Parañaque.
Sandaling nag-isip si Jomari nang binanggit si Hajji Alejandro, na hindi pa naman daw niya nakatrabaho.
"Si Hajji, I mean, when you combine all of them, these are our favorite songs, these are our favorite albums, di ba?
"Hindi lang isang kanta, ang lalim. So probably, they’re preparing for [a] concert…
"Big production na i-produce ni Mother [Lily Monteverde]. Baka pinatawag para kay Santo Papa,” napangiti niyang pakli.
"Andun pa ako sa parang limbo pa, hindi ko pa siya tanggap," sabi pa ni Jomari.
Read: Esperanza Fabon, inalala ang naging property issue ni Nora Aunor
JERRY OLEA:
Napag-usapan din namin ito ni Elizabeth Oropesa nang dumalo siya sa celebrity premiere ng pelikulang Fatherland ng Bentria Productions noong Martes, Abril 22.
Hindi raw sila nagkatrabaho ni Nora Aunor, pero magkaibigan sila bukod sa pareho silang Bicolana.
"Hindi kami nagkatrabaho, pero nagkikita kami. Marami kaming moments. Maraming personal moments na hindi puwedeng ikuwento. Patay na yung tao.
"Hindi ko puwedeng i-divulge yun. Sa amin na lang ni Guy," napangiting sabi ni Elizabeth, na gumanap bilang lola ni Jeric Gonzales sa pelikulang Graduation Day.
Hindi pumunta si Elizabeth sa burol, dahil naniniwala siyang wala naman daw doon si Ate Guy.
"Iyun namang wake, para na lang sa mga tao. Dun sa mga taong gustong makitang magkasama-sama ulit, who were friends of hers.
"I rarely go to wakes. The time that I found that she died, automatic yun ipinagdasal ko na agad. Alam ko naman na diretso na siya dun," sambit niya na tumuturo sa itaas.
Ang nakakalungkot lang daw, sabi ni La Oro, na muli tayong nagkainteres sa mga pelikula ni Ate Guy, sa pelikulang Pilipino, ngayong patay na ang Superstar.
"Ang masakit dun, hinintay pang mamatay para suportahan. Diretso akong nagsasalita ano? Nora Aunor yan, nahirapan siya.
"Wala na halos nanonood… merong fans, hindi nawawala yung fans. Pero yung manonood talaga, kulang na.
"Hinintay pa nating mamatay para muling mabuhay ang ganyang klaseng Superstar at pagtanaw at pag-idolize sa isang artista, di ba?
"Pero naibigay naman niya lahat ang kailangan niyang ibigay sa atin. Inabot niya yung taon ng 71 years old. Okay na yun.
"Ang dami na niyang binigay sa atin para makapagpahinga na.
"Ang dami nang dinanas na paghihirap ng tao," tila dismayadong pahayag ni La Oropesa.
Read: Highlights: Nora Aunor's state necrological service
NOEL FERRER:
Nalungkot din si Lovi Poe sa magkasunod na pagpanaw ng mga tinitingala nating icons.
Isa raw siya sa nagluluksa sa nangyayaring ito sa ating industriya.
"It’s always very sad to lose like icons, people that we look up to. Magkasunod pa si Ms. Pilita and, of course, our Superstar, Ms. Nora Aunor.
"Talagang our industry is really mourning. But oh, how grateful we are for the gift that that they have given us.
"Kasi parang your talent and yung passion nila, talagang nakakabilib. You know, they’ve set a good example to a lot of us.
"Siguro, aside from like we’re mourning, parang we’re just grateful for what the gift that they’ve given us," saad ni Lovi.
Nagkasama sina Lovi at Nora sa pelikulang Thy Womb ni Direk Brillante Mendoza, at doon daw niya nakita kung gaano ka-humble ang namayapang Superstar.
"Alam mo parang hindi siya ano, e… kasi when we were in Tawi-Tawi pa nga yun, e.
"We shot Thy Womb and talagang hindi mo mapo-point out na isa lang, kasi talagang yung level ni Ms. Nora Aunor, Superstar, the fact na hindi niya pinaramdam that she is a legend.
"Talagang for me, the main thing, yung humility niya talaga parang hindi mawawala yung pagsaludo mo sa kanya," sabi pa ng actress at film producer ng C’est Lovi Productions.
