PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nathan Cajucom biglaan lang ang pagpasok sa pagpapa-sexy

Wholesome roles daw sana talaga ang gusto niyang gawin.
by PEP Troika
Published Apr 27, 2025
Nathan Cajucom
“Nung unang-una kong malamang magde-daring ako, actually wala akong ka-ide-idea,” pagbabalik-alaala ni Nathan Cajucom tungkol sa una niyang proyekto sa Vivamax kunsaan napalaban agad siya sa hubaran at sex scenes.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Hindi makalimutan ni Nathan Cajucom ang unang pelikula niya sa VMX na dating Vivamax, ang Putahe (2022) na pinagbidahan nina Ayanna Misola at Janelle Tee, sa direksyon ni Roman Perez Jr.

Putahe poster
Ang Vivamax movie na "Putahe" (2022) ang unang movie ni Nathan Cajucom.
Photo/s: Vivamax

“Nung unang-una kong malamang magde-daring ako, actually wala akong ka-ide-idea,” lahad ni Nathan sa PEP Troika noong Abril 14, 2025, Lunes, sa Max’s-Sct. Borromeo, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa Pandan Island sa Occidental Mindoro kami nag-shoot. Noong time na yun, wala talaga akong idea.

“Kasi that time, meron akong lakad. May pupuntahan ako, parang vacation. And then tumawag sa akin si Tito Jo na may shoot nga daw ako, which is Putahe.”

Ang tinutukoy niyang Tito Jo ay ang manager niyang si Jojo Veloso.

Pagpapatuloy ni Nathan, “Expect ko talaga is wholesome ako dun sa role ko. And then nagulat na lang ako that day na po na nagsu-shoot kami.

“Biglang sinabi sa akin ni Direk na, ‘O, Nathan, ready ka na ba sa love scene mo?’ So that time talaga, nagulat ako, na-shock ako.

“Sabi ko, ‘Hala, Direk, wait lang. Call ko muna si Tito Jo. Clear ko lang po yung role ko. Kasi expected ko po talaga, wala akong love scene.’

“So tinawagan ko ngayon si Tito Jo. Sabi ko, ‘Ma, meron po ba talaga akong love scene?’ Sabi niya, ‘Oo, kaya mo yan. Naniniwala ako sa 'yo, bagay ka sa ganyan.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So wala akong choice. Siyempre nasa isip ko, ‘Paano ako uuwi? Ang layo, Mindoro, di ba? Sa Manila.’ Tawa ako nang tawa sa sarili ko.

“So napasabak ako that time. First time ko yun. Siyempre nandun yung kaba. Halu-halo yung nararamdaman ko.

“'Tapos then, ang kagandahan dun is yung direktor ko, which is si Direk Roman, talagang bini-build up niya ako.

“Alam nila na gusto ko talagang mag-artista. And that time, ina-idol ko talaga — hindi naman totally idol — si Sean de Guzman, bilib ako sa diskarte niya. Kasi, ang galing niya talaga.

“So ngayon, sabi ko talaga sa sarili ko, ‘Soon, darating din ako sa point na ganun.’ Which is alam kong kaya ko din naman.

“Basta pag-igihan ko lang ang pag-akting at dire-diretso ako, naniniwala ako na kaya kong ipakita yung kakayahan ko sa pag-aartista talaga.

“So ngayon, siyempre si Direk, pinu-push ako. Sabi niya, ‘Alam ko kaya mo yan. Di ba, sabi mo, gusto mong maging kasinggaling ni Sean? Then, you can do it!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, ‘Sige, Direk. Ibibigay ko yung best ko. Gagawin ko ito.’ Then yun, siyempre nung nagsi-scene na kami, siyempre kabado, hindi ko pa gaanong kilala yung partner ko that time.

“Tinatanong ko, gentle ako sa partner ko. Tatanungin ko muna kung ano yung restricted niya sa katawan, sa lahat. And then, 'Kailangan natin itong gawin as natural lang.

“'Kung meron ka mang bawal na gawin, huwag nating gawin. Iwasan natin yung mga bagay na ganun.

“'So gawin natin nang tama lang para hindi tayo magkaroon ng conflict sa isa’t isa.'

“'Tapos ayun, hanggang sa nung nagawa ko na siya, next shoot, medyo kampante na ako. Konti na lang yung kaba ko, na alam ko na kaya ko itong gawin.”

Lumabas din si Nathan sa mga 2022 VMX series na High (School) On Sex, An/Na, at EKS, sa isang episode ng anthology na Erotica Manila nung 2023, at sa mga 2024 movies na Room Service at Serbidoras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang latest project niya sa VMX ay Bayo, kung saan siya ang bidang lalaki. Katatapos lang ng shooting ng Bayo noong Huwebes, Abril 24. Si Direk Roman ang direktor nito.

NOEL FERRER

Hindi halatang kabado siya sa intimate scenes niya sa VMX. Mukhang bigay na bigay siya lagi sa mga mapangahas na eksena.

“Andoon pa rin yung kaba pero pagdating na dun sa mismong scene na, nawawala na talaga siya sa akin na parang, 'Kailangan, i-go mo ito, i-build mo ito para maganda ang kalabasan ng shoot,'” sabi ni Nathan, na tubong-Calumpit, Bulacan.

“Para hindi tayo ilang take. Kasi naniniwala ako na pag one take lang, or two takes lang, maganda talaga yung kalalabasan niya.”

Walang keber si Sean de Guzman na mag-frontal nudity sa mga pelikulang Lockdown (2021), Anak ng Macho Dancer (2021), at The Influencer (2022). Kaya rin ba ni Nathan na ipakita ang kanyang private part?

“For me po, ina-idolize ko si Sean dahil sa galing niya sa pag-arte. Talagang nag-a-act normal siya, parang natural lang,” sagot ni Nathan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero pagdating sa pagpo-frontal, sa ngayon po, wala pa po talaga akong balak sa ganyan.

“More on kasi ako, wholesome talaga ako, e. May iba’t iba naman po kasi tayo na klase ng pagpapakita ng talento.

“Hindi naman porke’t nag-frontal ka is sobrang magaling ka na, like anlakas ng loob mo.

“May ganyan tayong ano, e. Puwede ko rin naman pong maipakita yung talento ko bilang sa wholesome.

“Or kung hindi man frontal, butt lang. Ipapakita ko kung gaano ka-sexy yung katawan ko.

“Ayun, sa ngayon, doon pa lang po ako naka-focus na ipakita yung sarili ko.”

GORGY RULA

Confident si Nathan na wala siyang scandalous video na lalabas kagaya ng kay Rash Flores, na nakunan ang pakikipagtalik sa isang babae.

“I can say na hindi po talaga ako gumawa ng video sa ganyan,” napapangiting saad ni Nathan.

“Kasi, isa lang din po ako na like ahhmm anong tawag dito? Parang ano ako, introvert. Mahiyain talaga akong tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero marunong akong makisama sa maraming tao.”

Maraming babae ang agresibo nowadays. Paano niya hina-handle ang mga ito?

“Well, hindi naman natin maiiwasan yan, lalo ang mga babae ngayon, mahilig sa may itsura, sa guwapo,” tugon ni Nathan.

“Hindi ko sinasabi na may itsura ako, na guwapo ako. Pero siyempre, maraming kabataan ngayon, mapupusok sa mga ganyang bagay, e.

“So naha-handle ko lang siya is, depende po sa paano ako makipag-usap sa kanila. Pinapakita ko kung gaano ako ka-gentle makipag-usap nang maayos.

“Pinapakita ko kung gaano ako ka-family-oriented. So dun pa lang, makikita na nila na may standard yung tao. So mahihiya na lang sila.

“Hindi nila maio-offer sa akin yung ganun. Kung mai-offer man nila sa akin yun, sasabihin ko in a nice way na hindi ako puwede sa ganung style na pag-create ng video.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Nung unang-una kong malamang magde-daring ako, actually wala akong ka-ide-idea,” pagbabalik-alaala ni Nathan Cajucom tungkol sa una niyang proyekto sa Vivamax kunsaan napalaban agad siya sa hubaran at sex scenes.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results