GORGY RULA
Pinayuhan si Kyline Alcantara na huwag nang sagutin ang mga sinabi ni Jackie Forster, ina ng ex-boyfriend ni Kyline na si Kobe Paras, sa social media.
Pero may mga nakasaksi umano nang iyakan ng Kapuso actress ang napanood na video ni Jackie.
Nangyari raw ito sa taping ng All-Out Sundays (AOS) noong Linggo, April 27, 2025.
Read: Jackie Forster defends son Kobe Paras from "cheater" allegations
Ayon sa source ng PEP Troika, nasa kalagitnaan ng taping ng AOS nang napanood ni Kyline ang pasabog na video ng ina ni Kobe.
Matagal daw nag-iiyak ang aktres.
Hindi raw nila alam kung ano ang sinabi ng aktres tungkol sa napanood na video, pero marami ang nakakitang umiiyak ito.
Marami naman ang nagtanggol kay Kyline.
Kahit sa Instagram account nito, karamihan ay positibo ang mga komento sa kanya.
KYLINE ALCANTARA'S LATEST INSTAGRAM POSTS
Noong Linggo, April 27, 2025, ay OOTD at awra-awra lang siya sa post niya sa Instagram na ang nasa caption ay “all love and happiness this Sunday.”
View this post on Instagram
Ngayong Martes, April 29, ay ganda-gandahan si Kyline sa post niyang masaya lang siya dahil dumarami ang followers niya.
Caption niya, “Happy 4.9M”
Magpa-five million na ang followers ni Kyline sa Instagram.
Maaring nakatulong ang break-up issue nila ni Kobe kaya lalong dumarami ang followers ni Kyline.
View this post on Instagram
NOEL FERRER
Hindi ito ang unang kaso na ganyan kay Kyline Alcantara.
More than a damage-control move, kailangan yatang ipa-realize kay Kyline na nandito siya sa industriya natin para maging mahusay na aktres at hindi para ma-link kung kani-kanino at magkamakulay na lovelife…
Paulit-ulit na, Kyline… paano na ang sunflowers???
Read: Kyline Alcantara-Mavy Legaspi relationship: A timeline
JERRY OLEA
After Mavy Legaspi and Kobe Paras, sino kaya ang susunod na mali-link kay Kyline Alcantara?
And after Carmina Villarroel and Jackie Forster, meron pa kayang showbiz mother na “babanggain” ni Kyline?
Abangan!!!
Read: Kyline Alcantara’s camp reacts to Jackie Forster's claims that Kyline is "abusive, manipulative"
