PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kyline Alcantara, nakausap sina Jackie Forster at Andre Paras

Kyline Alcantara, suportado ng loyal followers.
by PEP Troika
Published Apr 30, 2025
kyline alcantara kobe paras brother andre mother jackie forster
Kyline Alcantara (left) gets support from her loyal followers amid ongoing issues around her breakup with Kobe Paras. Right photo shows Kobe (with cap) with brother Andre Paras and mom Jackie Forster.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Marami ang nagtaka nang biglang nawala si Kyline Alcantara sa taping ng All-Out Sundays (AOS) noong Linggo, Abril 27, 2025.

Noong araw na iyon lumabas ang pasabog ni Jackie Forster ng almost 15-minute video kaugnay ng breakup ng anak niyang si Kobe Paras at ni Kyline.

Read: Jackie Forster defends son Kobe Paras from "cheater" allegations

Magho-host pa sana si Kyline ng isang segment sa AOS, pero halos 30 minutes daw itong nawala.

Yun pala, nag-iiyak ang Kapuso actress pagkatapos niyang mapanood ang video ni Jackie.

Bumalik naman daw si Kyline at maayos niyang tinapos ang taping ng AOS.

Marami sa mga nakasaksi ang naawa raw kay Kyline dahil ang buong akala nila ay okay na ang sitwasyon.

Sa pagkakaalam din nila, maayos naman daw nagkausap sina Kyline at Jackie.

Pati ang kuya ni Kobe na si Andre Paras ay nakausap din daw ni Kyline.

Kaya kahit may mga pruweba raw si Kyline sa mga ibinibintang kay Kobe, nag-decide daw manahimik na lang ang aktres at maayos na tapusin ang kanilang relasyon.

Samantala, kung pruweba din lang ang pag-uusapan, nauna nang sinabi ni Jackie na siya ay "#mommywithreceipts." Kung magsasalita pa raw ang kampo ni Kyline, at siraan ang kanyang anak, ilalabas daw ni Jackie ang mga resibo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kyline Alcantara’s camp reacts to Jackie Forster’s claims

GORGY RULA

Bumuhos ang suporta ng pamilya, fans, at mga kaibigan para kay Kyline Alcantara sa gitna ng kinakaharap niyang isyu sa love life.

Kagabi (April 29, Martes), naglabas din ng pahayag ang Sparkle GMA Artist Center.

SPARKLE OFFICIAL STATEMENT

Base sa official statement, gusto nang mag-move on ng aktres at panatilihin ang kanyang katiwasayan.

Nananatili rin umano ang kanyang respeto sa mga taong naging parte ng kanyang buhay.

Umaasa rin si Kyline na matitigil na ang usaping ito.

kyline alcantara
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod ng kanyang pananahimik, pinuri ng mga tao ang "classy" at "sophisticated" na paraan ng pagharap daw ni Kyline sa sitwasyon.

Komento ng ilang netizens:

“I admire Kyline for choosing peace over drama.

"It takes strength and grace to stay respectful even when things get tough."

“Wishing her continued growth and happiness. She deserves it!

"Signs of being a matured and strong woman, we love you, Kyline!"

Samantala, sa kanyang latest Instagram post, ibinalandra ng aktres ang kanyang ganda habang sine-celebrate ang 4.9 million followers.

Marami pang dapat abangan kay Kyline kabilang ang upcoming series na Beauty Empire.

Read: Jackie Forster tells netizens: “Sila nga nag-umpisa."

NOEL FERRER

OK, Kyline, ha, continue choosing peace over drama, ha?

So far, quota ka na sa lovelife, puwede bang career muna? Prove to be a damn good actress, ha.

For your sunflowers…. All the best!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyline Alcantara (left) gets support from her loyal followers amid ongoing issues around her breakup with Kobe Paras. Right photo shows Kobe (with cap) with brother Andre Paras and mom Jackie Forster.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results