GORGY RULA
Iniiwasan na ni Jeric Gonzales na pag-usapan ang tungkol sa napabalitang breakup nila ni Rabiya Mateo.
Nakatsikahan ng PEP Troika ang Kapuso hunk sa nakaraang celebrity premiere ng pelikulang Fatherland ng BenTria Productions.
Napangiti lang si Jeric nang nagsimula na kaming magtanong tungkol sa pagiging single niya.
Hindi rin daw nagsasalita si Rabiya kaya ayaw niya itong pangunahan.
Read: Jeric Gonzales at Rabiya Mateo, nag-unfollow sa isa't isa sa IG
“Siguro sa ngayon po, hindi ako makapag-comment diyan kasi, of course, hindi pa naman siya nagsasalita.
"So, respeto na lang po siguro. Huwag na lang po muna nating pag-usapan,” sabi ni Jeric noong Abril 22, 2025, sa Gateway Cineplex, Cubao, Quezon City.
Hindi naman daw nila napag-usapan ni Rabiya na wala munang magsasalita sa kanila.
“Hindi naman. Pero kasi po, mas maganda siguro kung sa kanya manggagaling, di ba? Kung siya magsasalita, kasi bilang lalaki po, respeto sa babae,” sabi pa ni Jeric.

GRADUATION DAY
Kararating lang ng aktor mula sa ilang araw na bakasyon sa Dubai, kasama raw ang mga kaibigan.
Kailangan lang daw niyang mag-relax pagkatapos ng shooting ng pelikula niyang Graduation Day na isinulat at idinirek ni Dante Balboa.
“Nagbakasyon lang po para ma-relax, with friends po,” sambit niya.
May susunod din siyang gagawin sa GMA 7, pero hindi pa raw niya puwedeng ibahagi sa amin.
“May upcoming serye po na hindi pa puwedeng sabihin, pero I think more on action ang gagawin ngayon, e.
“Opo. Para ma-try po sa action, kasi yun yung hindi ko pa na-try na genre.
“Natapos na po yung Graduation Day. Maganda yung pelikula.
"Ako, personally, every scene talagang naramdaman ko. I can’t wait to watch it soon,” saad ni Jeric.
Read: Former Seiko star Dante Balboa returning to showbiz as director
NOEL FERRER
Napangiti uli ang Kapuso actor sa tanong kung may ibang nakaka-date na ba siya ngayon. Handa na ba siya sa panibagong pag-ibig?
“In love po sa mga ginagawa ko. Kasi, ngayon po dito muna yung focus ko sa sarili muna.
“Eto, nagpapayat muna ako, in-improve ko yung sarili ko. Pa-blooming ba, ganun!” pakli niya.
Pero lalong gumuwapo ngayon si Jeric at blooming siya ngayon.
JERRY OLEA
Excited si Jeric sa natapos niyang pelikulang Graduation Day dahil iba raw ang tandem nila rito ni Elizabeth Oropesa na gumaganap bilang lola niya.
“Si Tita Oro, first time ko siyang nakaeksena. Akala ko nung una, masungit siya, parang intimidating. Pero malambing, napakabait, napaka-generous na aktres at napakagaling siyempre.
“Naramdaman ko talaga na lola ko siya dito, and gina-guide ako ni Tita Oro. Tinuturuan niya ako, marami siyang advises like…ayun, tungkol sa pag-artista nung araw. Siyempre attitude, kailangan hindi lumaki ang ulo at humble pa din,” saad ni Jeric.
Sabi naman ni Elizabeth Oropesa, ibang klaseng workshop ang ginawa niya para maging kampante sa kanya si Jeric.
“Nagkaroon kasi kami ng parang mirroring. Mirroring ang tawag dun, yun yung ginawa kong malapit muna para huwag siyang mailang. Ang tawag ko, apo o anak.
“Hindi nila alam, wino-workshop ko sila. Ganun yun. Kasi baka magkanerbiyos, e. Mabuti na yung normal na paraan.
“Ang nakakatuwa, dahil dun, we became very close. Parang mga apo ko talaga, o anak ko talaga. Silang lahat na nakasama ko dito. So, kailangan talaga maging malapit kami.
“I made the conscious effort to make sure na hindi siya mailang sa akin,” saad ni Elizabeth.
Read: Rabiya Mateo and Jeric Gonzales: A relationship timeline
