JERRY OLEA
Sina Zsa Zsa Padilla at Architect Conrad Onglao na lang ang magkasama sa kanilang tahanan.
“He’s in government now, by the way,” sabi ni Zsa Zsa noong Abril 28, 2025, Lunes, sa Mango Tree Cafe sa Greenhills Mall, San Juan City.
Itinalaga si Conrad bilang chairman ng Professional Regulatory Board of Architecture noong Pebrero 2025.
Read: Zsa Zsa Padilla "napraning" sa pagpanaw nina Pilita, Nora, Hajji

ZSA ZSA ON FINDING HER PURPOSE
Pagpapatuloy ni Zsa Zsa: “Siya naman, he’s already trying to pursue his higher calling for service.
"So ako naman, sabi ko, ‘Conrad, I’m 60’ — I turned 60 last year, so this year I will be 61.
“Sabi ko, ‘I don’t know how long I can have the strength to do concerts, how long I can be in ASAP.’
“Kasi depende yan sa health mo, di ba? But of course, everybody, I believe, wants to wake up with a purpose. Di ba?
“Napakahalaga pala ng purpose na yan, e. Kasi siyempre nung nag-pandemic, lahat yun dumaan sa buhay natin.
“Marami tayong time mag-isip nun, e. So sabi ko, ‘What is my purpose? Is there still something that I wanna do?’
“Sabi sa akin ni Conrad, ‘Sa akin, I wanna wake up feeling I wanna design.’ Ganun. ‘Kaya ko alam na gusto ko pa, ayoko pang mag-retire.’
“Kasi we have plans of retirement, of course. Sabi ko, ‘Ako kaya, do I have five more years? Ten more years?’ I don’t know.
“But as long as I can sing, I would want to. Ganun pala yun.
“But you know, when I was young, I didn’t know. I didn’t know what I wanted.
"Di ba, parang… feeling mo ba, puwede kang maging katulad ng ibang artist?
“Na hanggang sumakabilang-buhay sila, kumakanta pa rin. Sabi ko, ‘Oh my God! Yan ang dream ng lahat!’
“Parang until your last breath, kumakanta ka. Bgshk*%! Namatay ka na lang sa stage. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Dramatic, di ba?!
“Pero sa totoo lang, minsan naiisip namin yun. Lalo na ako, pag hinihika ako dati.
“Parang wala na akong hinga pero ibibigay ko pa rin yung last breath ko talaga. Ilalaban ko!
“Ganun talaga pag performer ka. Kasi you aim to please, e. You know that by way of song, meron kang napapasayang tao.
“So, importante yun sa isang artist.”
Read: Zsa Zsa Padilla finally notices Miguel Tanfelix's message for her
NOEL FERRER
Diretsong sinabi ni Zsa Zsa Padilla na wala na silang balak magpakasal ni Architect Conrad Onglao.
Pahayag ng Divine Diva: “We’ve settled already. And we’ve been together for eleven years now, yeah.
“So we’re pretty good, yeah. Okay na kami… Nag-usap na kami, okay na kami.
“Because we also have, you know, when you discuss marriage kasi, it’s really putting everything together, your assets, whatever.
“So, that kinda gets in the way because, we’ve already established ourselves before we met each other. Saka may mga anak na kami.
“So ngayon, settled na kami sa kung ano yung mga plano namin. Right now, we’re building a new home.
“Nakatira kami sa maliit na rental. So cute nga, e. Cute kami. Hi! Hi! Hi!” paghagikgik ni Zsa Zsa bago nagpatuloy.
“Parang alam naman namin na temporary lang yun.
“So, he’s a builder. Of course he likes to build, di ba? Pero minsan pagka sinusumpong, sabi niya sa akin, ‘You think, we will move farther sa south?’ pag retired na daw kami.
“Sabi ko, ‘Ha? Maglilipat na naman? Magbi-build na naman?’
“Sabi ko, ‘Siguro kung meron ka pang energy na gumawa. In fairness to him, nung naglipat — kasi kakaopera ko lang nun, e, kaya most of the work actually siya yung gumawa.
“So sabi ko, 'Kung meron pa tayong energy, why not?' Pero I guess it’s something that’s innate in him. Hindi mo mapipigilan. Gustung-gusto niyang mag-build.
“So a lot of times, mag-iisip yan. ‘E, kung mag-beach house tayo, puwede ba?’ ‘As in right now?’
“Nahihirapan na kaming mag-manage ng… In my spare time, I go to Casa Esperanza. And I manage that in Lucban [Quezon], may farm kami.

Read: Casa Esperanza: Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao's resort-like second home in Lucban
“And guys, I’m opening a new events place called The Heritage House. Very intimate lang siya, for 100 people.
“Kasi palagi akong hinahanapan ng ano, e, pam-prenup. Puwede kang mag-prenup dun. Sa Lucban din, katabi [ng Casa Esperanza], nasa farm namin.
“It’s five minutes away from each other, yung Casa Esperanza at saka yung Esperanza Farm.
“So yun, sabi ko, ‘Hindi ko na kaya kung gusto mo pang mag-beach house. Hindi na talaga! Right now, I’m gonna tell you, NO!’ Ha! Ha! Ha! Ha!
“Kasi ang hirap i-manage, e. It’s just not building it, e. Making something out of it, di ba?
“Lalo na ngayon, pa-retire na tayo. Tapos ang laki pa ng ating mga monthly dues! Di ba, mga sinusuwelduhang mga tao and everything.
“So right now, nandudun na kami sa how can it make money for us.”
Pitong ektarya iyong bukid nina Zsa Zsa at Conrad, at hindi pa iyon totally used.
“Kasi sabi sa akin din, yung mga farmers, matagal mag-build ng farm,” pagtatapat ni Zsa Zsa.
“It takes seven to ten years to really make it going, and para siya kumikita na.”
Read: Zsa Zsa Padilla: The Divine Farmer
GORGY RULA
Magse-seventy years old na si Architect Conrad Onglao. Nagseselos pa ba si Zsa Zsa Padilla na baka mambabae ang kanyang love?
“Hindi na namin problema yung mga ganyan. Yung mga jealousy!” natatawang pag-amin ng Divine Diva.
“Of course, di ba, earlier in our relationship, may mga ganyan pa, e. I think that’s the beauty also of becoming a senior.
“Parang secure na secure ka na! Parang… iisipin ko pa lang, magloloko ang partner mo. Kaya ba niya?! Di ba?
“Nakakabilib din, di ba? Kung kaya mo pa, aba! Huwag mo namang tanggapin ito as a challenge pero huwag na natin… hindi na natin ito priority…
“Talagang kami mismo nagsasabi, ‘Hindi na natin ito priority. Our priority is to get old together.’
“Be healthy. Work out together. Travel the world. Yan ang mga ambisyon, di ba? ‘Tapos makasama yung mga apo-apo natin.’ Ganyan.
“That we will see all our kids get married. And to have their own security. Take care of them also. From a distance na.
“So, hindi ka na puwedeng ano, e, helicopter parent.”
42ND ANNIVERSARY CONCERT
Siyangapala, ang 42nd anniversary concert ng Divine Diva ay pinamagatang Zsa Zsa: Through The Years.
Gaganapin ito sa Mayo 17, Sabado, sa Samsung Performing Arts Theater sa Ayala Malls Circuit Grounds, Makati.
Guests sina Zia Quizon, Karylle, Erik Santos, at Gary Valenciano.
Ang direktor ay si Rowell Santiago, at ang musical director ay si Homer Flores.
Read: Welcome to Zsa's Place, Zsa Zsa Padilla's museum-like home
