PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PBB Update: Michael at Emilio, dumami ang fans matapos ma-evict

Shuvee Etrata, nagpakilig at nagpaiyak sa PBB viewers.
by PEP Troika
Published May 1, 2025
pbb celebrity collab
Latest PBB evictees Michael Sager and Emilio Daez (left photo) are busy with their TV and radio guestings after being evicted from the PBB house; while AZ Martinez (inset, top) and Shuvee Etrata (inset, bottom) provide drama inside the PBB house.
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel

GORGY RULA

Hindi pa gaanong kilala ang karamihan sa housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab bago sila pumasok sa Bahay ni Kuya.

Pero ngayon ay ang dami nang sumusubaybay sa kanila, at nagte-trending na sila.

Naramdaman ito ng evictees at nae-enjoy nila ang atensiyon na natatanggap nila.

Ang dami ngang natuwa sa statement ni Emilio Daez na nadagdagan na raw ang sampung fans niya matapos ma-evict sa PBB house.

Kilala na si Michael Sager nang magtambal sila ni Jillian Ward sa My Ilonggo Girl, pero lalo siyang pinagkakaguluhan ngayon ng fans.

Pati ang guesting ng MiLi duo nina Michael at Emilio sa TiktoClock ay nag-trending sa X (dating Twitter).

Read: Michael Sager, Emilio Daez third evictees in PBB Celebrity Collab

michael sager emilio daez tiktoclock
Michael Sager (left) and Emilio Daez (right) in TiktoClock.
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AZ MARTINEZ-LARKIN CASTOR LOVE STORY

Ngayon naman ay ang daming interesado sa love story ng Sparkle artists na sina AZ Martinez at Larkin Castor.

Napag-uusapan ito online matapos i-confide ni AZ sa mga kasamahan niya sa Bahay ni Kuya na nagkalabuan sila ni Larkin bago siya pumasok.

Affected ang mga sumusubaybay sa kuwento ni AZ dahil sa sulat ni Larkin sa kanya.

Sobrang naging emotional si AZ nang nabasa ang sulat at napagtantong mahal pa rin niya si Larkin.

az martinez pbb celebrity collab edition
AZ Martinez crying after reading Larkin Castor's letter.
Photo/s: GMA Network
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero nag-react dito ang followers ng PBB dahil alam ng karamihan sa kanila na walang suportang ibinigay si Larkin sa girlfriend.

May ilang followers ni AZ ang galit kay Larkin dahil sa tingin nila ay hadlang ito sa pag-alagwa ng career ng newbie actress gawa ng tutol ito noon sa pagsali ni AZ sa PBB.

May mga nag-post sa X ng chat kay Larkin na hindi ito supportive sa journey ni AZ sa PBB.

Ewan kung legit yung mga conversation na ipinu-post sa X na sinasabihan si Larkin na huwag naman daw sana nitong i-down si AZ.

Pero sagot umano ni Larkin, “If she manages to bring me down more, I will bring her down with me.”

Taliwas ito sa mensahe ni Larkin sa sulat nito kay AZ.

Sabi niya kay AZ: “Lagi ko pinanghahawakan yung napag-usapan natin before you went in. I want you to know I haven’t given up waiting for you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dami tuloy curious at sumusubaybay sa relasyon nina AZ at Larkin.

Kung hindi nag-PBB si AZ, magkakainteres ba tayo sa kanilang love story?

Kilala niyo ba sila, mga ka-Troiks?

Read: AC Bonifacio addresses "backstabber, manipulative" labels

az martinez larkin castor
AZ Martinez and Larkin Castor
Photo/s: GMA Network

NOEL FERRER

Ang dami ring natutuwa sa baguhang Kapuso sexy comedienne at TV host na si Shuvee Etrata, na huling pumasok na housemate kasama si Xyriel Manabat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong huling episode ng PBB Celebrity Collab, halos naka-focus kay Shuvee dahil sa nakakatuwang pagkakilig nito sa house guest nilang si Donny Pangilinan.

Sabi ni Shuvee, noon pa man ay sinasabi niyang si Donny talaga ang crush niya dahil sa Kapamilya actor niya nakikita ang perfect na "tall, dark, and handsome."

Winner ang episode noong Miyerkules, April 30, at trending pa rin ngayon ang #PBBCollabDonnyAdvice at #Shuvee dahil sa pagiging kikay at kuwela ni Shuvee sa pagkakilig kay Donny.

Nakakatawa siya talaga!

shuvee etrata donny pangilinan pbb celebrity collab
Shuvee Etrata cannot hide her kilig over guest housemate Donny Pangilinan.
Photo/s: Kapamilya Channel
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SHUVEE'S LETTER FROM HER FATHER

Lalo pang minahal ng netizens si Shuvee nang binasa niya ang sulat ng kanyang ama na nagso-sorry sa kanya.

Pagpasok pa lang kasi ni Shuvee sa Bahay ni Kuya ay in-open na nito sa kapwa housemates na takot at may tampo siya sa kanyang ama, dahil sa mga pagkukulang nito sa kanya at mga kapatid.

Pero nalamuyot siya nang nabasa ang sulat ng ama na nagso-sorry at ibinalita nitong may stable na siyang trabaho.

Iyak nang iyak si Shuvee habang kausap si Kuya.

Gumaan ang pakiramdam niya dahil sa sulat ng kanyang ama.

Read: Michael Sager grateful to fans who supported his PBB journey

shuvee etrata pbb celebrity collab
Shuvee Etrata gets emotional while talking to Kuya.
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami sa atin ang hindi pa talaga nakikilala si Shuvee Etrata, pero ngayon ay maraming interesadong sumubaybay sa kuwento ng kanyang buhay.

Tiyak na marami pang kuwento ang mga naiwang housemates sa Bahay ni Kuya kaya patuloy pa rin itong pinag-uusapan online.

Hindi gaanong pumapalo ang ratings ng PBB Celebrity Collab sa free TV, pero malakas ito sa netizens at madalas na nagte-trending online.

Abangan natin kung sino talaga ang mapapasikat nang husto ng PBB Celebrity Collab.

JERRY OLEA

Maraming accla ang nabulabog sa pa-Felix Bakat ni Donny Pangilinan sa Bahay ni Kuya.

donny pangilinan pbb celebrity collab
PBB Celebrity Collab housemate Donny Pangilinan
Photo/s: Kapamilya Channel
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abang-abang tayo sa pagpapakatotoo ng housemates.

Tingnan natin kung hanggang saan ang journey nina Esnyr Ranollo at Klarisse de Guzman.

Iyong housemates sa PBB Gen 11, aalagwa kaya ang showbiz career kahit mas pinag-uusapan ng netizens ang kasalukuyang edition ng PBB kung saan nag-collab ang mga Kapuso at Kapamilya?

Basta, Team Michael Sager pa rin ako kahit na-evict na siya!

Read: AC Bonifacio reveals Harvey Bautista got jealous of Michael Sager

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Latest PBB evictees Michael Sager and Emilio Daez (left photo) are busy with their TV and radio guestings after being evicted from the PBB house; while AZ Martinez (inset, top) and Shuvee Etrata (inset, bottom) provide drama inside the PBB house.
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results