PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carmi Martin, may guidelines sa pagpili ng roles bilang Christian

Carmi Martin, first time gaganap bilang lola sa pelikula.
by PEP Troika
Published May 2, 2025
carmi martin isang komedya sa langit
Carmi Martin on playing a grandmother in a movie for the first time: "I want to make sure na talagang happy rin ako sa magiging look ko. Kasi first time ko ngang gagawin ito. And I also want to make sure na hindi yung pagdating dun sa set, na parang meron pang mga adjustment. I made sure na as an actor, na matagal na ako sa industriya, na talagang dadating ako dun, come prepared. And expected."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

First time ni Carmi Martin na gumanap na lola sa pelikulang Isang Komedya sa Langit, kung saan bida bilang mga pari sina Jaime Fabregas, Gene Padilla, at EA Guzman.

Iyong lola role ay para sana kay Nova Villa.

Hindi available si Nova, kaya inialok iyon kay Carmi.

Read: Carmi Martin admits she can relate to Maris Racal's predicament

“Nung binigay sa akin ang script, tuwang-tuwa ako,” sey ni Carmi sa mediacon noong Abril 30, 2025, Miyerkules, sa Alex III restaurant, Morato Avenue, Quezon City.

“Kasi ho, maganda yung script… tapos ni-revise na maging funky lola ang ginawa sa akin.

“So you know, as a Christian kasi, meron din akong mga movies na hinihindian.

“I accepted this, it’s because I know, it’s pleasing to the Lord.”

Mai-inspire ba ang mga lola na maging sexy dahil sa role niya sa nasabing movie?

Mabilis na tugon ni Carmi: “Yes! Maging funky at yun, nakakatawa naman yung role na nagampanan ko dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakaka-enjoy. Para nga yun sa mga lola na meron pa rin silang pag-asa. In short, may significance pa rin sila sa community, sa lipunan, kahit over 60 na sila.”

isang komedya sa langit poster

GUIDELINES IN CHOOSING ROLES

Bilang Christian, ano ang guidelines niya sa pagpili ng roles at projects?

“Katulad nun, may ginawa ako sa Japan. Actually, ano ako, mama san,” pagsisiwalat ni Carmi.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero I accepted because nung binasa ko yung script, it’s about mga OFW, these four women, so maganda yung message.

“And siyempre yung role ko, maganda naman siya. Hindi naman yung parang sinasabi na, ‘O, sige, mag-P, U, T, A ka diyan or something.’

“Yung role is nakakatawa… na parang wala nang pinag-usapan kung hindi yung past niya, kung gaano siya kaganda noon hanggang ngayon and everything.

“Recently, meron ding na-offer sa aking movie. Maganda rin yung mga kasamang artista. At ang ganda-ganda din sana nung role na gagampanan ko.

“Ako, hindi ko naman idya-judge yung LGBT. Hindi ko idya-judge, kaya lang kasi as a Christian, meron din akong… ano na kasi, parang nagpo-focus na rin ako sa church namin, e, sa online service.

“So, yung ino-offer is about girl-to-girl na script. GL.

“Meron din akong isa pang pelikula na actually, nandun na ako sa shooting.

“But hindi kasi inamin sa akin, kaya I always tell, pagka meron akong kunyari tatanggapin or ino-offer na movie, ‘Tell me na exactly what is my role,’ or I ask for the script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi ayoko pong mag-inarte sa shooting. So what happened before, yung nangyari nga, hindi sinabi sa akin exactly.

“Tapos pinipilit ko yung script, wala raw script. So I thought parang kay Coco Martin na Ang Probinsyano, na ibibigay [ang script] ora mismo.

“Ang nangyari, pagdating ko dun, ang bastos nung pinapasabi. ‘Ha?! Sasabihin ko ito?!’ ganito-ganyan?!

“And then, yung role ko pala, e, talagang… tapos I’m surrounded with women who are naked walking beside me. Ako lang ang nakadamit.

“So, ang nangyari, yun ang ayoko na uling mangyari. Ginawa ko yung isang eksena, and then nag-back out ako.

“I said, it’s against my Christian faith.”

Read: Carmi Martin reveals getting sexual advances during her prime

NOEL FERRER

Ayaw maulit ni Carmi Martin na kailangang mag-backout siya sa isang project kung saan hindi nilinaw kung ano ang kanyang papel.

“Siyempre sa point of view nila, ‘Ay, nag-inarte pa! Sayang yung ginastos and everything.’ Ayoko nung ganun!” bulalas ni Carmi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, naiintindihan ko rin na may budget ang bawat pelikula. Kaya sinasabi ko from the start, ‘Be honest kung ano yung role na ibibigay mo sa akin.’”

KOMEDYA SA LANGIT

Walang mapangahas na eksena sa historical fiction na Isang Komedya sa Langit.

Kuwento ito ng tatlong pari noong 1872, panahon ng mga Kastila, na nag-time travel sa taong 2024.

Ano ang significance ng karakter ni Carmi sa istorya ng tatlong pari?

Tugon ng aktres: “Siyempre nakakatuwa, kasi nung nagpunta sila sa akala nga nilang heaven, e, napunta sila sa bahay namin.

“Kumbaga, yung karakter ko, may ibang blessing na hinihintay from heaven, but ang lumabas ay more than what I was praying for.

“Ang ibinigay sa akin ng Diyos, iyong tatlong pari nga na maraming values na itinuro, binigyan ako ng hope.”

Kahit veteran na sa pag-aartista si Carmi ay palagi pa rin siyang sumasailalim sa acting workshop ni Direk Rahyan Carlos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naia-apply ni Carmi sa tuwi-tuwina ang Chubbuck Technique sa pag-arte.

Read: Carmi Martin, umaming nagkaroon ng gay boyfriend

GORGY RULA

Happy si Carmi Martin sa pakikipagtrabaho sa co-stars sa Isang Komedya sa Langit.

“Kasi we came prepared talaga. Kasi siyempre, limited lang yung shooting days,” sey ni Carmi.

“So ako nga, talagang nakipag-coordinate ako kay Miss Rossana. Kasi ngayon lang ako nag-role talaga na lola na gray-haired.

“So I made sure na sabi ko, gusto ko naman na talagang... sabi ko, ako yung haharap sa kamera, e.

“So I want to make sure na talagang happy rin ako sa magiging look ko. Kasi first time ko ngang gagawin ito.

“And I also want to make sure na hindi yung pagdating dun sa set, na parang meron pang mga adjustment.

“I made sure na as an actor, na matagal na ako sa industriya, na talagang dadating ako dun, come prepared. And expected.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lahat naman kami, ginawa namin yung trabaho namin. So, masaya naman. All the actors are very professional.”

Anong aral ang mapupulot ng mga kabataan sa pelikula?

“Ang nawawala kasi ngayon sa kabataan, yung mga values…” sagot ni Carmi.

“Kaya ko tinanggap din itong movie na ito, kasi nandun yung importansiya ng paggalang dun sa mga magulang, paggalang sa kapwa.

“Sana maibalik pa rin yon. Kasi ang nano-notice ko ngayon sa mga kabataan, it’s me, myself, I.

“Ang importance, e, yung communication is through social media, yung likes na makukuha. Parang dun hinahanap yung sariling worth nila. Hindi na yung pakikipagkapwa-tao.

“Sana, yun ang mabalik. At saka pagdating sa eleksyon, may sasabihin ako…

“Sana ang wish ko lang, sana ang mga boboto, yung mga botante lang, e, yung mga taxpayers!

“Para ano talaga, maging masagana ang ating bansa! Di ba? Para nakakapag-isip.

“Kasi yung taxpayers, siyempre, di ba, tayong mga taxpayers, mag-iisip talaga tayo kung sino ang iboboto natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa cast din ng Isang Komedya sa Langit sina Aki Blanco atJohn Medina.

Idinirek ito ni Roi Paolo Calilong, mula sa panulat ni Rossana Hwang aka Kapitana.

carmi martin isang komedya sa langit
Carmi Martin (center) with Isang Komedya Sa Langit director Roi Paolo Calilong (left) and screenwriter Kapitana Rossana Hwang (right).
Photo/s: Jerry Olea

Ipalalabas ang Isang Komedya sa Langit sa select SM cinemas umpisa Mayo 28, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Swak ang playdate na iyan sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Read: Carmi Martin reveals getting sexual advances during her prime

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carmi Martin on playing a grandmother in a movie for the first time: "I want to make sure na talagang happy rin ako sa magiging look ko. Kasi first time ko ngang gagawin ito. And I also want to make sure na hindi yung pagdating dun sa set, na parang meron pang mga adjustment. I made sure na as an actor, na matagal na ako sa industriya, na talagang dadating ako dun, come prepared. And expected."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results