JERRY OLEA
Nangangagat at nanunuot sa puso at diwa ang musical na Delia D., na napanood ko ang gala night nitong Mayo 2, 2025, Biyernes, sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts, Pasay City.
Swak ang boses ng title-roler na si Phi Palmos sa ginampanang karakter, at kamangha-mangha ang bilis niyang magpalit ng costume.
Kagila-gilalas ang straight energy ni Delia D. — sa mga yapak nina Gary V. at Sarah G.
Read: Sino si Delia D. at bakit "big opportunity" siya for Phi Palmos?
Ang gagaling ng mga supporting roles, kabilang si John Lapus bilang Mama Eme, Tex Ordoñez bilang Mamon, Shaira Opsimar bilang Kiki, Omar Uddin bilang Raymond, Joann Yap Co bilang Anet, at Josh Cabiladas bilang Jose.
Special mention dapat kay Floyd Tena na sakdal-husay bilang Sir T. Nanlalamon!!!
State-of-the-art ang pa-LED screen, na nagpa-enhance sa daloy ng kuwento sa malaking entablado.
Fabulous ang tunog, ang choreography, ang nuances, mga talakitok and what have you.

JONATHAN MANALO SONGS IN A MUSICAL
Ang mga komposisyon ni Jonathan Manalo, oh-la-la!
Payanig sa umpisa pa lang ang "Gusto Ko Nang Bumitaw."
Andiyan din ang "Pagbigyang Muli," "Paano Ba Ang Magmahal," "Patuloy Ang Pangarap," "Pangarap Kong Pangarap Mo," "Strings, Blooming," "Sinayang Mo," "Kabataang Pinoy," "Sikat Ang Pinoy," "Pinoy Ako," "Tara Tena," "Rampa," "Wag Kang Pabebe," "Boom Panes," at iba pa.
Pinakanaka-relate ako ay sa novelty song na "Pansit Habhab," at kaugnay rito ay nabanggit ang hometown kong Lucban, Quezon.
Sa Mayo 15, Huwebes, ay ipagdiriwang ng Lucban ang Pahiyas Festival bilang pagpupugay kay San Isidro Labrador, patron ng mga magsasaka.
Sana’y mapanood ng iba pang Lucbanin ang Delia D. na itatanghal hanggang Hunyo 8.
Inaasam ko rin na i-promote ng Lucban ang kantang Pansit Habhab, at kung maaari’y parangalan si Phi Palmos at ang composer na si Jonathan Manalo bilang pasasalamat.
Beke nemen, Mayor!
Must-watch para sa mga accla at drag kweens ang Delia D. A Musical Featuring The Songs Of Jonathan Manalo!.
PARENTAL ADVISORY: “This show contains themes and language that may not be suitable for younger audiences. Guests aged 13 years old and below must be accompanied by a parent or guardian.”
Read: John "Sweet" Lapus returns to theater via musical Delia D.
GORGY RULA
Napaluha si Gladys Reyes sa panonood ng Delia D. A Musical Featuring The Songs Of Jonathan Manalo.
Sey ni Gladys, “Napaiyak ako dun sa eksenang kumanta yung drag queens using their voices talaga, hindi na lip sync. Nag-aaway na sila ni Delia D.
“Kasi... dahil siyempre, parang nagbago si Delia D. nung siya ay sumikat na.
“So, actually, eye-opener talaga na sabi nga dun nina John Lapus, hindi lahat ng makinang, di ba, ay maganda.
“Actually talagang tamang-tama rin sa atin, sa industriya natin, di ba? Sometimes hindi naman laging ang success ay nandun lang sa career, di ba?
“Minsan, importante sa lahat, yung pamilya, kung sino ang kasama mo nung ikaw ay nag-uumpisa, dapat sila pa rin, nandun pa rin sila, di ba, dun sa success mo.
“Kasama sila, kabahagi sila sa success mo. Hindi dapat nalulunod!”
Nanood din sa gala night ng Delia D. sina Vice Ganda, Ryan Bang, Eric Santos, Kyla, Sheryn Regis, Morissette, Lyka Estrella, Roxy Liquigan, Cory Vidanes, at Laurenti Dyogi.

NOEL FERRER
Ang direktor ng Delia D. A Musical Featuring The Songs Of Jonathan Manalo ay si Dexter M. Santos.
Associate director si Menchu Lauchengco-Yulo, at assistant director si Michael Williams.
Scriptwriter si Dolly Dulu, dramaturg si Rody Vera, at musical director/arranger/vocal arrangement si Vince Lima.
Bahagi ng pahayag ni Jonathan Manalo sa curtain call: “Isang masigabong palakpakan sa lahat ng cast at lahat ng creatives behind Delia D.!
“Isa pong musical na inihandog namin sa inyo tonight, and maraming-maraming salamat sa lahat ng mga nandito para sumuporta. Again congratulations sa lahat ng behind ng creatives ng Delia D.
“Sa Newport World Resorts Musicals, palakpakan natin sila dahil sa pagsuporta nila sa locally-made Filipino musicals na puwede tayong maging proud sa buong mundo.
“Isang palakpakan sa NWR Musicals!”
Read: Ross Pesigan, ipinaglaban ang frontal nudity sa Anino Sa Likod ng Buwan

OTHER CAST MEMBERS OF DELIA D
Nasa cast din ng Delia D. A Musical Featuring The Songs Of Jonathan Manalo sina Mimi Marquez bilang GVB, Miah Canton bilang host na si Tonee, Rapah Manalo bilang Jonathan, Chaye Mogg bilang Phoebe, Alfritz Blanche bilang Billy, Natasha Cabrera bilang Sheryn, Mikaela Regis bilang Cams, at Liway Perez bilang Catz.
Nasa female ensemble sina Cheska Quimno, Mica Fajardo, Jannah Baniasia, Cara Barredo, Julia Santiago, Meg Ruiz, Cydel Gabutero, at Abi Sulit.
Tampok sa male ensemble sina Jules de la Paz, Francis Gatmaytan, Khalil Tambio, Ian Hermogenes, Ralph Oliva, Rofe Villarino, Bomba Ding, Sebastian Katigbak, Franco Ramos, Chesko Rodriguez, Aira Igarta, Almond Bolante, at Stephen Viñas.
Swings sina Alyanna Mikaela Wijangko at Adrydeo de la Cruz, samantalang understudies sina Ring Antonio at Shaun Ocrisma.
Sabi ni Direk Dexter M. Santos: “Maraming-maraming salamat po! Nakita nyo naman kung gaano kahirap gawin yung Delia D. sa napakalaking stage at sa napakalaking capacity.
“It’s always a challenge but thank you, thank you, thank you, guys. Thank you for your presence, your support, na palagi po kayong nandito…
“Thank you for believing in Filipino artists. Thank you for believing in Philippine theater.
“Buhay na buhay po ang Philippine theater, so huwag na huwag po tayong magsawa!”
Read: REVIEW: Request sa Radyo exposes loneliness of OFWs abroad
