GORGY RULA
Tuwang-tuwa ang mga taga-Antipolo at ang iba ay kinilig kina Bimby Aquino at Cassandra Ynares nang magkasama silang dumalo sa caucus sa Sitio Mansetta, Brgy. Cupang, Antipolo, noong Sabado, May 3, 2025.
Si Bimby ay ang 18-year-old na bunsong anak ni Kris Aquino sa dating asawang si James Yap.
Si Cassandra ay 17-year-old na panganay na anak nina Mayor Junjun at Andrea "Andeng" Ynares.
Read: James Yap says he has not seen son Bimby in 10 years
May mga nagtanong sa akin kung pinopormahan ba ng binata ni Kris si Cassandra.
Bago kasi ang caucus na dinaluhan ni Bimby noong Sabado, dumalo rin ito sa in-organize na event ni Cassandra sa Antipolo noong April 5.
Inilunsad doon ni Cassandra ang foundation ng mga kabataan na tinawag nilang Cassma.
Karamihan ng mga miyembro nito ay high school students na ang pakay ay i-promote ang emotional and mental well-being ng mga kabataan.
Dinaluhan ito ni Bimby, at nandoon din ang singer-songwriter na si Dionela, at ang Kapuso actress na si Arra San Agustin.

BIMBY AND CASSANDRA: JUST FRIENDS?
Doon pa lang ay may mga nagtatanong na sa akin kung anong meron kina Bimby at Cassandra.
Natawa na lang si Andeng—kapatid ni Senator Bong Revilla—nang tinanong ko. Huwag na raw lagyan ng malisya dahil close friends lang daw ang dalawa.
Matagal na raw magkaibigan ang dalawa, at imbitado si Cassandra sa 18th birthday celebration ni Bimby noong April 19.
Pero hindi raw sila nakaabot dahil na-delay ang flight nila pabalik ng Maynila galing Hong Kong.
Read: Bimby celebrates 18th birthday with mom Kris Aquino, close friends
Pero marami ang natuwa nang makita uli sina Bimby at Cassandra na magkasama sa caucus noong Sabado.
Nag-duet sila at magkasama rin silang nakisayaw sa mga taga-Antipolo.
Parehong nag-aaral pa sina Bimby at Cassandra.
Napansin noon si Cassandra nang dumalo ito sa nakaraang ABS-CBN Ball.
Marami ang nagtatanong kung magsu-showbiz na rin ba siya.
Pero mas priority raw niya ngayon ang pag-aaral at may projects pa siyang sinimulan sa Antipolo.
Pero kung mag-showbiz man sila ni Bimby, bagay kaya ang BimbCass o CassBy tandem?

JERRY OLEA
Sa interview ni Ogie Diaz kina Kris at Bimby na kuha sa 18th birthday party ng binata, tinanong ni Ogie si Kris kung handa na ba siyang magka-girlfriend ang bunso.
“Meron na akong gusto. Dalawa na yung gusto ko… or maybe three. Yeah! I had three girls,” bulalas ni Kris.
Sa tatlong yun ay may favorite na raw si Kris, pero hindi binanggit kung sino.
“Ah, hindi. May isang favorite ako, at bagay sila,” sabi uli ni Kris.
Hindi naman natin alam kung sino ito, pero si Cassandra kaya itong tinutukoy niya?
Nag-suggest pa si Kris kung paano manligaw ang anak niya. Sinasabihan daw niya itong padalhan ng flowers yung girl.
Pero sabi ni Bimby, iba na ang style ng panliligaw ngayon. Iba na ang panahon nila ngayon, hindi kagaya ng panahon ng mama niya.
“Sinasabi ko sa kanya, ‘Mom, iba na yung style ngayon. It’s not like that na. It’s a new generation, Mama,’” sabi ni Bimby kay Kris.

TWO MOTHERS
Proud naman si Kris sa dalawang anak na sina Josh at Bimby.
Ipinagmamalaki niya kung gaano kabuting tao si Bimby.
“I want Bimb to be an inspiration to other kids. Normally kasi, di ba ang nag-aalaga, nanay sa anak? Na-reverse yun talaga,” sabi ni Kris sa interview sa kanya ni Ogie.
Nang napag-usapan naman namin ni Andeng si Bimby, natutuwa siya sa anak ni Kris dahil napakabait daw, magalang, at nakikita naman kung paano nito alagaan ang kanyang inang may sakit.
Read: Bimby is straight, according to close friend of Kris Aquino
NOEL FERRER
Doon pa rin sa YouTube channel ni Ogie Diaz, binanggit ni Kris Aquino na hinihiling niya sa Panginoon na sana maabutan pa niya ang panahong mag-swear in si Bimby sa pagiging mayor ng isang bayan.
“That’s my dream! Because gusto niya, marunong siyang maki-deal sa lahat ng tao.
"Alam kong… oh my gosh! Sobrang honest nito.
"So, hindi yan talaga magnanakaw at all, and magaling mag-budget. So, maaalagaan niya yung mga tao."
Rebelasyon pa ni Kris, “Choosing pa lang kung saan ba talaga, kasi may four choices siya kung saan.”
“It’s a calling!” sabi naman ni Bimby.
“No! Honey, it’s destiny,” sagot sa kanya ni Kris.
“Yeah! Destiny and a calling,” pagsang-ayon ni Bimby.
Doon sa caucus na dinaluhan ni Bimby sa Antipolo, nakikita sa binata ang maayos niyang pakikitungo sa mga tao.
Sabi nga ni Kris, may charisma ang kanyang anak na ikinatuwa ng mga taga-Antipolo. Dagdagan pa ng pakilig nila ni Cassandra.
Nagpasalamat si Bimby kay Tita Andeng niya na naimbitahan siya roon dahil nag-enjoy raw siya.
Read: Kris Aquino shows her skinny legs; celebrates Halloween with sons
