JERRY OLEA
Bilang Big Bert, isa si Matt Lozano sa limang bida sa Kapuso primetime series na Voltes V: Legacy na umere noong Mayo-Setyembre 2023 sa GMA-7.
Ang apat pa ay sina Miguel Tanfelix, Radson Flores, Raphael Landicho, at Ysabel Ortega.
Sa pelikulang Sinagtala na nag-open sa local cinemas noong Abril 2, 2025, isa na naman si Matt sa limang bida.
Ang apat pa ay sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Rayver Cruz, at Arci Muñoz.
Pero sa pelikulang The Last Goodbye na nag-showing sa mga sinehan umpisa Mayo 7, Miyerkules, siya ang bidang lalaki.
Leading man siya ni Daniela Stranner.
Support kina Daniela at Matt sina Esnyr Ranollo, Karina Bautista, Troy Regis, Arlene Muhlach, Lui Villaruz, at Bodjie Pascua bilang Papa Jesus, with the special participation of Joe D’Mango.
Read: Daniela at Matt, di nakasama si Esnyr sa promo ng movie nila

MATT LOZANO AS LEADING MAN
Paano ba napili ng producer si Matt bilang lead actor sa The Last Goodbye?
“Sobrang funny... talagang handpicked kaming dalawa ni Daniela,” sabi ni Matt sa block screening ng The Last Goodbye nitong Mayo 7, Miyerkules ng gabi, sa Cinema 5 ng SM North EDSA, Quezon City.
“And sabi sa akin ni Sir Lucky [Blanco], naglalakad lang ako sa Vertis North noon, tapos sabi niya, sobrang fan siya ng Voltes V.
“Tapos nakita niya ako. So, tinawag niya ako. ‘Big Bert!’ So ako, nag-hi din ako pabalik.
“Tapos after daw nun, sabi niya, parang sana daw, makagawa kami ng pelikula. So, ito na nga, natuloy na.
“And sobrang happy ako, kasi kasama ko si Daniela.”
Si Erwin “Lucky” Blanco ay big boss ng Mavx Productions, na nagprodyus ng The Last Goodbye.
Ang setting ng istorya ng movie ay school year 2002-2003, kung saan pa-text-text pa lang ang mga tao sa cellphone.
Hindi pa uso noon ang smartphone at ang social media. Kaya hindi nag-factor sa kuwento ang Facebook, Instagram, X (dating Twitter), Messenger, Viber, at kung anu-anong app.
Ang location ay sa Camarines Norte.
Sabi sa umpisa ng movie, bayan ng Daet. Pero iyong lumang simbahan na pinagsyutingan ay ang St. Peter the Apostle Church sa Vinzons.
Read: Sinagtala premiere, suportado ng loved ones ng cast members
NOEL FERRER
Hindi alam ni Matt Lozano na movie producer si Erwin “Lucky” Blanco nang magpa-picture ito sa kanya.
“Talagang hindi ko po alam. Tapos nagulat na lang ako, after ilang months, tinawagan niya yung manager ko,” lahad ni Matt.
“Tapos yun nga, natuloy yung project.”
Pinagsabihan si Matt na huwag magpapayat. Sa ngayon kasi sa local showbiz ay wala siyang ka-level na lead actor na chubbylicious.
Natawa si Matt, “Yes po, opo. Sabi kasi sa akin, gusto talaga nila na ganito ang look ko para mas kakaiba.
“Out of the box, and not your typical leading man. So, happy naman ako dun. Ha! Ha! Ha! Ha!”
Ang The Last Goodbye ay idinirek ni Noah Tonga.
Rated PG (Parental Guidance) ito ng MTRCB.
Nasa cast din ng movie sina Zweden Obias, Allan Villafuerte, Marianne Villegas bilang Beauty, Aiyanna Sulwer bilang young Heart, Stanley Abuloc bilang young Xavier, at Andrew Ezekiel Bongat bilang Gelo aka Bing Kambing.
Read: Matt Lozano, walong beses pinanood ang cinema version ng Voltes V: Legacy

GORGY RULA
Ang nag-sponsor ng nasabing block screening ay si Jeff Tan.
Kabilang sa mga dumalo sina Paolo Contis, Buboy Villar, Ysabel Ortega, Yasser Marta, Nikki Co, Sinagtala director Mike Sandejas, Ma’am Nessa Valdellon, Ms. Gigi Santiago-Lara, Neil de Guia and talent Yann Fourniol.
Nagpakita rin ng suporta sina Arra San Agustin, Larkin Castor, Vanessa Peña, Lee Victor, Lucho Ayala and Emma Rueda-Ayala, Ana Feleo, Rams David, at ang handler ni Matt na si Will.


Present ang proud parents ni Matt na sina Elaine Carriedo Lozano at Marlon Lozano.

Dumating si Daniela Stranner kasama ang boyfriend na si Rhys Miguel.
Ano ang pakiramdam ni Matt sa pagdalo ng mga kaibigan sa block screening?
“Sobrang happy ako. I feel loved. And hindi ko ine-expect na lahat ng mga friends ko ay dadalo para suportahan yung pelikula naming dalawa ni Daniela,” sagot ni Matt.
“And of course I would like to thank everyone, yung mga friends ko na nagtulung-tulong para sa block screening na ito. Maraming-maraming salamat po.”
Kakabit ng The Last Goodbye ang trailer ng pelikulang ConMom, na nakatakdang ipalabas sa Mayo 21.
Prinodyus din ng MavX ang ConMom, at tampok dito sina Kaye Abad, Patrick Garcia, Paolo Contis, Empoy Marquez, at Kit Thompson.
Read: Matt Lozano, Radson Flores, Raphael Landicho relive memorable Voltes V: Legacy scenes
