JERRY OLEA
Josh ko po!!!
Hindi pa naliligwak sa Top 10 Movies list ng Netflix Philippines ang Sampung Utos Kay Josh starring Jerald Napoles and Pepe Herrera.
Noong Abril 17, 2025, Huwebes Santo, ito nag-umpisang mag-streaming.
Take note na noong Abril 16 at 17, Holy Wednesday and Maundy Thursday, ang No. 1 movie sa Netflix PH ay ang 2004 epic biblical drama film na The Passion of The Christ.
Pagsapit ng Abril 18, Good Friday, ay pumangalawa na lamang ito. Kinabog ito ng Sampung Utos Kay Josh.
Four consecutive days na topnotcher ang Sampung Utos Kay Josh, mula Abril 18 hanggang Abril 21, Lunes.

Ang documentary na A Queen’s Runway ay nagsimulang mag-streaming noong Abril 10, pero bigo itong mag-place sa Top 10. Lotlot!
Matapos pumanaw ni Pope Francis, pumuwesto sa Top 10 Movies noong Abril 28 at 29 ang 2019 biographical drama film na The Two Popes.
MMFF 2024 MOVIES ON NETFLIX
Noong Mayo 8, Huwebes, nag-umpisang mag-streaming sa Netflix PH ang Hold Me Close starring Julia Barretto and Carlo Aquino.
Sa sampung official entries ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ay ito ang unang nag-streaming. Nag-debut ito sa fourth place ngayong Mayo 9, Biyernes.

Sa Mayo 15, Huwebes, mag-uumpisa ang streaming ng MMFF 2024 entry nina Francine Diaz at Seth Fedelin na My Future You.

Iyong Valentine movie ng MarJo (Marvin Agustin + Jolina Magdangal) na Ex Ex Lovers ay sa Mayo 20, Martes, ang umpisa ng streaming.

Mayo 22 ang streaming ng MMFF 2024 entry nina Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, at Chanda Romero na Espantaho. Ang English title nito ay Scarecrow.

Mayo 29 ang streaming ng Everything About My Wife starring Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, and Sam Milby.

Hunyo 5 ang streaming ng MMFF 2024 entry na Uninvited starring Vilma Santos, Aga Muhlach, and Nadine Lustre.

Top 10 Movies in the Philippines Today
- Inside Man: Most Wanted
- Last Bullet
- Exterritorial
- Hold Me Close
- The Haunted Apartment “Miss K”
- The Match
- John Wick Chapter 4
- Kill ‘Em All 2
- It Takes Two
- Sampung Utos Kay Josh
NOEL FERRER
Nanganganib malaglag muli sa Top 10 TV Shows list ng Netflix PH ang Incognito nina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Maris Racal, Anthony Jennings, Ian Veneracion, Baron Geisler, at Kaila Estrada.
Nagsi-seesaw ang rank nito.
Apat na araw itong ligwak sa Top 10 noon, mula Abril 17, Huwebes Santo, hanggang Abril 21, Linggo ng Pagkabuhay.
Noong Abril 16, Miyerkules Santo, nag-umpisang mag-streaming ang Widows’ War nina Bea Alonzo at Carla Abellana. Bigo itong pumasok sa Top 10.

Abril 24, Huwebes, nag-umpisang mag-streaming ang eight-episode Happy Crush nina Maymay Entrata at Kelvin Miranda.
Kaagad itong nag-No. 1 kinabukasan, Abril 25. Pero isang araw lang iyon sa top spot.
Ispageting pababa nang pababa ang Happy Crush. Eight days lang ito sa Top 10 list.

Top 10 TV Shows in the Philippines Today
- Weak Hero
- The Eternaut
- The Beginning After The End
- Resident Playbook
- The Haunted Palace
- The Wrong Way To Use Healing Magic
- Spring Of Youth
- Heavenly Ever After
- Incognito
- When Life Gives You Tangerines
GORGY RULA
Medyo may umay factor na kasi ang Incognito.
Kahit matitindi ang action scenes na kinunan sa Japan, hindi ako gaanong namangha.
Predictable na kasing mahirap pa ring talunin ang limang tauhan ng contractor na ginagampanan ni Ian Veneracion.
Kahit ang galing ng mga kalaban, mas magaling pa rin sina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Maris Racal, Anthony Jennings, at Baron Geisler.

Alam mo na kung ano ang susunod na mangyayari.
Pero sinusubaybayan pa rin namin ang naturang action-drama series.
Sinusubaybayan namin ngayon sa Netflix ang Heavenly Ever After, na talagang maiiyak ka.
SLAY ON VIU
Samantala, No. 1 naman ngayon sa Viu ang SLAY na nasa 40th episode na.
Puwedeng nakatulong ang airing nito sa GMA-7 kaya nagkakainteres panoorin kung ano ang susunod na magaganap.
Pero may kaibahan sa telebisyon, kaya bahala na kayo kung sa TV o sa Viu ninyo gustong subaybayan ang seryeng ito ng Kapuso network.

BIDA/BIDA
Siyangapala, sa Mayo 16, Biyernes ng 8:00 P.M., ay mapapanood muli ang Bida/Bida sa YouTube channel ng Netflix Philippines.
Every other Friday ang pagpe-premiere ng bagong episode featuring local stars.
“For the very first time, they’re all here and they’ve come together to share not just the spotlight, but also chikahan, tawanan, and kulitan. And you’re invited to join, bestie!” bahagi ng post ng Netflix Philippines sa X (dating Twitter) ngayong Biyernes, Mayo 9.
Tampok sa return ng Bida/Bida sina Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Gladys Reyes, Judy Ann Santos, Maymay Entrata, Gabbi Garcia, Lovi Poe, JM de Guzman, Ruru Madrid, Sam Milby, at Jerald Napoles.

