PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo at Vincent Co, pinaghahandaan ang kasal sa Spain?

Vincent Co, sobrang mahal na mahal si Bea Alonzo. —Sources
by PEP Troika
Published May 12, 2025
Bea Alonzo and Vincent Co engaged according to PEP Troika sources
Bea Alonzo at Vincent Co, nag-pictorial sa Spain para sa engagement? Makikita sa kanang larawan at sa inset ang couple mula sa bakasyon nila sa Andalucia, Spain.
PHOTO/S: Bea Alonzo / Vincent Co Instagram

GORGY RULA

May kumakalat na balita tungkol sa paghahanda ng isang kasalan sa Europa. Sa España raw ito?

Ito na ang kasunod na pinag-uusapan matapos mapabalita ang bakasyon ng rumored sweethearts — ang Kapuso A-list actress na si Bea Alonzo at ang bilyonaryong negosyante na si Vincent Co.

Read: WHAT PEP KNOWS: Is Bea Alonzo dating Puregold scion Vincent Co?

BEA ALONZO AT VINCENT CO ENGAGEMENT SHOOT?

May ilang kaibigang nasa Europa ngayon ang nakasagap ng kuwentong nag-pictorial na raw sa isang sosyal na bakasyunan sa Spain ang magkasintahan.

May team na raw na nandoon, kasama ang isang sikat na concept studio na kilalang nagko-cover ng mga kasalan at events na sosyal.

Ayon pa sa ilang sources ng PEP Troika, sobrang mahal na mahal daw ni Vincent si Bea kaya gusto na raw niya itong pakasalan.

Iisa naman ang komento ng mga nakakaalam ng plano ng dalawa: Huwag na raw pakawalan ni Bea ang pagkakataong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agree naman kami diyan. Sana, totoo na ito!

Dasurv ni Bea na malagay na sa tahimik at perfect na perfect daw si Mr. Vincent Co para sa kanya.

Sa kabilang banda: Kung naghahanap si Vincent ng isang maayos, kilala, maganda, at independent woman—iyong kayang buhayin ang sarili at pamilya—dapat lang alam niyang perfect na perfect si Bea Alonzo para sa kanya.

Ano sa palagay ninyo, mga ka-Troiks?

Read: Bea Alonzo spotted anew with rumored beau Vincent Co

NOEL FERRER

Naaayos din ang lahat, di ba?

At masaya ako para sa classmate kong si Bea Alonzo kung totoo ngang mauuwi na sa kasalan ang pag-iibigan nila ni Vincent Co.

Ang galing lang ng Diyos.

Imagine, si Dominic Roque na dating fiancé ni Bea ay nakahanap na rin ng bagong pag-ibig kay Sue Ramirez.

Read: Sue Ramirez explains context of viral kiss with Dominic Roque

At heto ngayon, si Bea, nakahanap na rin ng kanyang forever. Hopefully.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sana, magtuluy-tuloy na ang kaligayahang ito.

We all deserve to be happy, don’t we? Ang saya lang talaga!

    JERRY OLEA

    After ng tuluy-tuloy na pagdadalamhati natin sa pagpanaw nina Pilita Corrales, Nora Aunor, Hajji Alejandro, Ricky Davao, Romy Romulo, at Amay Bisaya… nakakatuwa ang balitang pag-iisang-dibdib nina Bea Alonzo at Vincent Co.

    Napaka-supportive sa local showbiz ng Puregold, ang pagmamay-ari ng pamilyang Co. Nakadalawang edisyon na ang kanilang CinePanalo filmfest.

    May bago silang digital series na ilulunsad sa Mayo 16, Biyernes, iyong Si Sol at si Luna, starring Zaijian Jaranilla and Jane Oineza.

    Kasado na rin ang OPM Con 2025 sa Hulyo 5 sa Philippine Arena, kunsaan sanib-puwersa muli ang SB19 at BINI, kasama ang KAIA, G22, Sunkissed Lola, Flow G, at Skusta Clee.

    Ang tanong: Supportive din kaya ang patriarch at matriarch ng pamilya Co kay Bea Alonzo para sa anak na si Vincent?

    READ MORE:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
    Read Next
    PEP Live
    Featured
    Latest Stories
    Trending in Summit Media Network

    Featured Searches:

    Read the Story →
    Bea Alonzo at Vincent Co, nag-pictorial sa Spain para sa engagement? Makikita sa kanang larawan at sa inset ang couple mula sa bakasyon nila sa Andalucia, Spain.
    PHOTO/S: Bea Alonzo / Vincent Co Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results