PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Laurice Guillen, reluctant tanggapin ang role bilang Nora fan

Laurice Guillen, walang preparasyon sa kanyang role bilang Nora Aunor fan.
by PEP Troika
Published May 14, 2025
laurice guillen nora aunor faney
Laurice Guillen on playing an avid fan of the late National Artist Nora Aunor: "Yun na nga ang isang reason actually why I hesitated! Kasi alam ko kung ano tungkol sa kanila. Pero kung ako na mismo ang gaganap, I’m having a hard time putting myself in their shoes. Kasi hindi pa ako naging ganyan kahit kanino."
PHOTO/S: Jerry Olea / File

GORGY RULA

Pumanaw ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor, 71, noong Abril 16, 2025, Miyerkules Santo.

Abril 22, Martes, inihimlay ang kanyang mga labi sa Libingan ng mga Bayani.

Mayo 12, Lunes, holiday nang mag-first shooting day sa Antipolo City ang tribute film kay Nora na pinamagatang Faney, sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.

Tampok sa full-length film na Faney sina Gina Alajar, Angeli Bayani, Althea Ablan, at Laurice Guillen.

Nakatakdang mag-premiere ang Faney sa kaarawan ni Ate Guy — Mayo 21, Miyerkules ng 7:00 P.M., sa Gateway Cineplex sa Cubao, Quezon City.

Read: Tribute film para kay Nora Aunor, nagsimula na ang shooting

LAURICE ON PREPARING FOR HER ROLE IN FANEY

Sapat ba ang preparasyon ni Direk Laurice sa pagganap bilang faney na si Lola Milagros aka Lola Bona sa tribute film kay Ate Guy?

Natatawang tugon ni Direk Laurice sa eksklusibong panayam ng PEP Troika sa first shooting day: “Sinabi mo, walang preparation. Ha! Ha! Ha! Ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, di ba, siyempre alam ko yung tungkol sa fans ni Nora. Who doesn’t? Saka kamamatay lang niya.

“So, I was there. I saw her.

"I wasn’t there sa fan day pero naririnig ko maraming mga kuwento, kung kumusta yung araw na yun na ikot daw nang ikot ang mga fans para ilang beses silang makalapit sa coffin, ganun.

“Pero walang preparasyon in the sense na bigla na lang, o, merong pelikula. Tapos gaganap na fan o long-time fan.

“O di alam ko yung mga fan, pero hindi ko alam kung paano maging fan, lalo na fan ni Nora Aunor. Iba yung fan ni Nora Aunor. So yun.”

Tinanggap niya agad ang title role na Faney nang ialok sa kanya ang project?

“E, oo naman. Parang… actually I was reluctant. Para bang wala sa ano ko na gagawa ako ng pelikula right away, you know,” paliwanag ni Direk Laurice.

“Tapos ano ako, e, lalo na lately, di ba, ang init-init na ng panahon. So, iniingatan ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kahit naman nagdidirek ako ng show, kapag nagdidirek ako, iniiwasan ko talagang magbilad sa araw. Kasi, di ba?

“Ang taas na ngayon ng temperature, climate change, you know. Tapos talagang may significant increase ng init. So, parang ang daming basta’t hinihimatay o namamatay because of the heat.

“So that was the main reason I didn’t want to ano. Kasi naiisip ko, ‘Ang buhay ng fan, ang hirap kaya!’

“Masarap para sa kanila. Pero kung hindi ka fan, ang hirap.”

Read: Laurice Guillen, napabilib ni Piolo Pascual; "nagdasal" sa scene nila ni Baron Geisler

faney cast
Laurice Guillen (second from right) with Faney co-stars Angeli Bayani, Gina Alajar, and Althea Ablan.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Fan din ba siya? Meron ba siyang iniidolo sa mga lokal na artista, o sa mga kapwa direktor?

“Wala namang iniidolo pero meron akong mga gustong trabaho nila,” tugon ni Direk Laurice Guillen.

“Mga ilan na nagugustuhan ko yung trabaho. May ilan na gusto kong makatrabaho. Mga ganun.

“Fan din ako pero hindi katulad ng… iba yung Noranian. As in iniiwan ang pamilya, or parang kinukunsinti na lang ng pamilya.

“Kasi kung hindi, si Nora yung pipiliin nila. Hindi yung pamilya.”

Naka-relate ba siya roon? Ganoon si Lola Bona sa Faney!

“Hindi! Yun na nga ang isang reason actually why I hesitated!” bulalas ni Direk Laurice.

“Kasi alam ko kung ano tungkol sa kanila. Pero kung ako na mismo ang gaganap, I’m having a hard time putting myself in their shoes.

“Kasi hindi pa ako naging ganyan kahit kanino. I mean, meron akong hinahangaan, meron akong… once in a while, yung si Lee Min Ho, dumating sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagbayad ako. Nandun kami, talagang palakpakan and everything, kasi pinapanood ko lahat ng ano niya.

“Pero hindi ako pupunta ng Korea para hanapin siya, at talagang makiano doon sa harap ng bahay niya. Iba. Iba.”

Si Lee Min Ho ay isang sikat na Korean actor.

Read: Laurice Guillen recalls reprimanding newbie for arriving on the set in pajama with pillow

JERRY OLEA

Perfect choice si Laurice Guillen para gumanap na Lola Bona sa pelikulang Faney.

Noong teleplay pa lang ang Bona, ang gumanap dito ay si Laurice.

Iyong 1980 drama film na Bona na idinirek ni Lino Brocka at pinagbidahan ni Nora Aunor, ay si Nora mismo ang producer sa ilalim ng NV Productions.

Unang nagkatrabaho sina Nora at Laurice sa “Caridad” episode ng 1974 trilogy film na Fe, Esperanza, Caridad.

Parehong madre ang papel dito nina Nora at Laurice, at gumanap si Ronaldo Valdez bilang hardinero sa kumbento.

Unang idinirek ni Laurice si Nora sa Kung Ako’y Iiwan Mo, kung saan gumanap si Nora bilang singing superstar na si Beatrice Alcala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Official entry iyon sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 1980, at kalahok din doon iyong Bona.

Nominadong best actress si Nora sa MMFF 1980 para sa Bona at Kung Ako’y Iiwan Mo.

Ang isa pang nominado ang nagwagi, si Amy Austria para sa Brutal na idinirek ni Marilou Diaz-Abaya.

Sa Gawad Urian noong 1981 ay tabla bilang best actress si Nora Aunor para sa Bona, at si Gina Alajar para sa Brutal.

Read: Gina Alajar on Laurice Guillen as director: "Takot na takot ako sa kanya."

NORA AUNOR MOVIES FOR FREE

Bilang pagpupugay kay Ate Guy sa nalalapit niyang kaarawan, mapapanood nang libre ang tatlong pelikula niya sa Mayo 18, Linggo, sa Metropolitan Theater ng Maynila.

10:00 A.M. ang screening ng Atsay na idinirek ni Eddie Garcia.

1:00 P.M. ang screening ng Tatlong Taong Walang Diyos na idinirek ni Mario O’Hara.

At 4:00 P.M. ang screening ng ‘Merika na idinirek ni Gil Portes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
nora aunor movies

Libre rin ang premiere screening ng Faney sa Mayo 21, Miyerkules ng 7:00 P.M., sa Gateway Cineplex sa Cubao, Quezon City.

Kailan kamo ipapalabas iyong mga pelikulang Kontrabida at Laro starring Ate Guy na parehong idinirek ni Adolf Alix Jr.?

Sabi ni Direk Adolf, nakausap na niya ang taga-Ovations na producer ng Kontrabida, at ipapa-review na ito sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Malapit na po ang Kontrabida after mapa-review sa MTRCB. Plano rin nila, baka June ipalabas,” pagbabalita ni Direk Adolf.

“Kasi po, masyado ring malapit… so parang paplanuhin din po nila siyempre in consideration of the theaters and all.

“Tapos iyong Laro, sabi ko nga, sa October or November po iyan sa anniversary ni Ate Guy.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Laurice Guillen on playing an avid fan of the late National Artist Nora Aunor: "Yun na nga ang isang reason actually why I hesitated! Kasi alam ko kung ano tungkol sa kanila. Pero kung ako na mismo ang gaganap, I’m having a hard time putting myself in their shoes. Kasi hindi pa ako naging ganyan kahit kanino."
PHOTO/S: Jerry Olea / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results