JERRY OLEA
Na-guilty si RS Francisco kaya nahikayat agad siyang iprodyus ang tribute film kay Nora Aunor na Faney, sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.
“Noong nalaman ko na si Ate Guy, ang ating National Artist, passed away, wala po ako dito sa Pilipinas,” pagtatapat ni RS sa first shooting day ng Faney noong Mayo 12, 2025, Lunes, sa Golden Hills Subdivision, Brgy. San Roque, Antipolo City.
“And I really wanted to be there, to pay my last respects para sa minamahal nating Ate Guy.”
Abril 16, Miyerkules Santo, pumanaw ang Superstar.
Nasa Thailand si RS noong Semana Santa, kasama ang mga kaibigan. Disyembre 2024 pa lang ay naka-sched na ang bakasyon nilang iyon.
Read: Tribute film para kay Nora Aunor, nagsimula na ang shooting
Pagpapatuloy ni RS: “I really felt bad every time nakikita ko yung burol, parang sinasabi ko sa sarili ko, ‘Sana nandun man lang ako to pay my last respect sa isang taong hinahangaan ko talaga.’
“So, nung nabalitaan ko nga na sa burol, nalibing na and all, tapos pag-uwi ko dito, siyempre may guilt.
“May guilt talaga ako na parang… hindi man lang ako nakasilip, hindi man lang ako nakahawak sa kabaong at nagbigay ng prayer.
“Kaya sabi ko, ‘Paano ako makakabawi?’ So one day, nagdadasal ako, sabi ko, ‘Lord, paano ako makakabawi kay Ate Guy?’
“May guilt pa rin ako sa isang National Artist na iginagalang at nirerespeto ko talaga.
“Bigla na lang, out of the blue, nag-message si Direk Adolf. Sabi niya, ‘RS, meron akong gustong tribute para kay Nora Aunor.’”
RS FRANCISCO ON PRODUCING A NORA AUNOR MOVIE
Short film sana?
“Hindi ko pa alam that time kung TV series o movie o short film o play. Hindi ko talaga alam,” tugon ni RS.
“Pero nung sinabi niyang tribute for Ate Guy, sabi ko, ‘Sige, meet tayo kaagad.’ So a few days after, we met.
“And then, diniretso ko na siya. Sabi ko, ‘Direk, ikuwento mo na iyong tribute kay Ate Guy. Kasi, dito yata maiibsan yung pagka-guilty ko.’
“So nung kinuwento niya, sabi ko, ‘Direk, huwag nating patagalin yan. Puwede bang gawin nating birthday gift iyan kay Ate Guy?’
“Tapos nagbilang-bilang siya. Kasi parang last week lang kami nag-usap nito. Sabi niya, ‘Kaya naman.’”
Read: Laurice Guillen, reluctant tanggapin ang role bilang Nora fan
NOEL FERRER
Sinabihan ni RS Francisco si Direk Adolf Alix Jr. na may wish list siya sa tribute film kay Nora Aunor.
Lahad ni RS, “Sabi ko kay Direk Adolf, ‘Dahil tribute ito sa isang napakagaling at beteranang aktor na talagang minamahal ng buong Pilipinas, gusto ko yung mga aktor natin ay hindi tayo ipe-fail.
“‘Kunin sana natin ay yung mga premyado, mga tried and tested na aktor, kung kaya, Direk.’
“Sabi niya, ‘Sige, how do you feel about Laurice Guillen?’ Sabi ko, ‘Oh my God!’ Kilabot, doon pa lang.
“Sabi pa niya, ‘How do you feel about Gina Alajar?’ ‘Oh my God!’ sabi ko. Mga best actress talaga!
“Sabi niya, ‘How do you feel about Angeli Bayani?’ ‘Oh my God!’ sabi ko. ‘Mga Urian ito lahat!’
“Nakatrabaho ko si Angeli for Bwaya [2014] and nakita ko firsthand, kasi may mga eksena kami together how giving she is as an actor.
“So sabi ko, ‘Alam mo, Direk, kung makuha natin yang tatlong yan, go na. Gawin na natin ito. Tuloy na tuloy!’
“Wala na akong qualms. Kasi, confident na ako sa tatlong iyon. Tapos sabi ko, ‘Sino ang magpe-play nung apo sa tuhod?’
“Sabi ni Direk Adolf, iyon na lang yung introducing na may naging artista raw siya, si Althea Ablan.
“So sabi ko, ‘Sige, Direk, I trust you diyan. Kasi dun sa tatlong poste mo, sobrang confident na ako na hindi natin mape-fail si Ate Guy.’”

GORGY RULA
Sa Mayo 19, Lunes nakatakdang ipa-review sa MTRCB ang pelikulang Faney.
“Confident naman ako kay Chair Lala Sotto na pag nalaman niyang tribute film for our National Artist, e, talagang makikita naman niya yung kagandahan nung ginawa ng mga artista at ni Direk Adolf dito sa pelikulang ito,” saad ni RS Francisco.
“Ang ganda nga ng title, e. Kasi Faney, it’s very modern yet… di ba, dati naman, hindi uso ang term na faney. Ngayon lang yan, very modern.
“Yet even before in the ‘50s, ‘60s, we are all fans. We are all fans. One way or another, we are all fans. Wala akong kilalang hindi fan.
“Puwedeng fan tayo ng isang local artist, international artist, K-pop artist. Fan ng isang pulitiko, fan ng isang athlete. Basta, we are all fans. Kasi we look up to people, e.
“And isa si Ate Guy — along with Ate Vi [Vilma Santos], ha — silang dalawa, pantay ko silang hinahangaan.
“So I’m so proud to say na isa rin akong faney. And fan din ako ni Laurice Guillen, saka ni Tita Gina.
“Kasi si Tita Gina, napanood ko siya sa isang play sa Dulaang UP. So, nung napanood ko si Tita Gina with my own eyes… nakakakilabot yung performance niya!
“Kasi madre siya roon. Naging faney na ako ni Tita Gina. And also Angeli Bayani na naging kaibigan ko, even before I met her, sobra na ang respeto ko sa kanya.”
Ang Faney ay nakatakdang mag-premiere sa Mayo 21, Miyerkules ng 7:00 P.M. sa Gateway Cineplex sa Cubao, Quezon City.
