PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Balitang pagpapakasal nina Bea at Vincent sa Spain, false alarm?

Bea Alonzo at Vincent Co, hindi umano magkasamang nagpunta sa Spain.
by PEP Troika
Published May 16, 2025
bea alonzo vincent co
According to a PEP Troika source, Kapuso star Bea Alonzo and Puregold scion Vincent Co were not together in Andalucia, Spain.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Mukhang nag-react ang kampo ni Bea Alonzo tungkol sa nasagap na balita ng PEP Troika na naghahanda na sila ni Vincent Co para sa kanilang kasal sa Spain.

Base sa una naming nasagap na balita, may pictorial umano sina Bea at Vincent sa naturang bansa.

Diumano, nandoon din daw ang buong team ng isang kilalang concept studio na gagawa ng pictorial.

Hindi nilinaw ng una naming source kung para saan ang pictorial: pre-nuptial ba, engagement, o kung meron pa silang ibang binabalak.

Read: Bea Alonzo at Vincent Co, pinaghahandaan ang kasal sa Spain?

Pero ayon sa isa pang reliable source ng PEP Troika, na nakausap ang ilang taong malapit kay Bea, hindi raw magkasama ang rumored sweethearts na pumunta sa Spain.

Sumunod lang daw si Vincent doon.

Trabaho raw ang ipinunta ni Bea sa Spain; pati na sa Thailand, kung saan namataang magkasama ang couple.

Bea Alonzo and Vincent Co were recently spotted at Suvarnabhumi Airport in Bangkok, Thailand.
Bea Alonzo and Vincent Co were spotted at Suvarnabhumi Airport in Bangkok, Thailand.
Photo/s: Courtesy of FashionPulis
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-shoot daw si Bea ng isang endorsement sa Thailand, at nag-pictorial din siya para sa isa ring produkto sa Andalucia, Spain.

Itong sa Spain daw ay para sa isang brand ng luggage na ini-endorse ng Kapuso actress.

Tugma ito sa isang kuha ni Bea sa Andalucia na may dala siyang luggage.

Bea Alonzo takes a photo with her Bash luggage at Andalucia, Spain
Bea Alonzo with her Bash luggage at Andalucia, Spain
Photo/s: @beaalonzo Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa pang litrato si Bea na kuha sa Andalucia, Spain, kung saan may kasama siyang lalaki habang naglalakad sila sa beach nang naka-holding hands.

Sa mga lumabas na ulat ay sinasabing si Vincent ang kasama ni Bea.

Dito rin nagsimula ang espekulasyong nagdi-date ang dalawa.

Bea Alonzo likes Vincent Co's IG post of a couple holding hands while walking by the beach in Andalucia, Spain.

Bea Alonzo likes Vincent Co's IG post of a couple holding hands while walking by the beach at Andalucia, Spain.
Photo/s: Vincent Co IG via @moviequeenbea Twitter
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ibig kayang sabihin nito ay bahagi lamang ng endorsement shoot ang larawan ni Bea kasama ang lalaking sinasabing si Vincent?

At hindi talaga si Vincent ang kasama ni Bea sa larawan?

Read: WHAT PEP KNOWS: Is Bea Alonzo dating Puregold scion Vincent Co?

WHAT'S THE REAL SCORE?

Hindi tiyak ng pangalawang source ng PEP Troika ung saan unang namataan sina Bea at Vincent — sa Thailand ba o sa Spain.

Pero ang pagkakaalam ng pangalawang source, nang nalaman daw ni Vincent na may shoot si Bea sa Spain, nagpadala ito ng pagkain sa set.

Hindi rin daw iyon ang unang pagkakataong nagpadala ng pagkain si Vincent sa endorsement shoot ng aktres.

Base sa kuwento ng aming pangalawang source, hindi pa raw niya masasabing sina Bea at Vincent na. Hindi raw kasi niya alam kung gaano na kalalim ang relasyon ng dalawa.

Pero noon pa man daw ay pursigido na si Vincent sa panliligaw sa aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal na raw ang panunuyo ni Vincent kay Bea, pero nung una ay hindi ito pinapansin ng aktres dahil boyfriend pa nito noon si Dominic Roque.

Nang mag-break sina Bea at Dominic, doon na raw nagpursige nang husto si Vincent sa panliligaw sa aktres.

Read: Bea Alonzo spotted anew with rumored beau Vincent Co

NOEL FERRER

Ngayong Biyernes, Mayo 16, 2025, ay special guest si Bea Alonzo sa event ng Puregold na pag-aari ng pamilya ni Vincent Co.

May mga taga-media na imbitado, at interesado ang lahat na mag-cover at baka makapanayam nila si Bea tungkol sa kanila ni Vincent.

Totoo bang nandoon din si Vincent Co, pero hindi raw puwedeng i-ambush interview?

Oh well, choice nila yun!

Tatlong araw ito na selebrasyon ng naturang supermarket, at maraming celebrities ang imbitado.

Pero siyempre, si Bea Alonzo ang pinakakaabangan ng lahat.

Basta ako, happy ako para sa classmate kong Bea.

(Magkaklase sina Bea at Noel sa scriptwriting workshop ni National Artist Ricky Lee noong 2019.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

All’s well that ends well para kina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos silang maudlot.

May Sue Ramirez na si Dominic, at si Bea ay may Vincent Co.

Abang-abang tayo sa mga susunod na kaganapan!

Read: Who is Vincent Co, Bea Alonzo's rumored beau?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to a PEP Troika source, Kapuso star Bea Alonzo and Puregold scion Vincent Co were not together in Andalucia, Spain.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results