JERRY OLEA
Nag-debut ang 50th MMFF official entry na Hold Me Close sa 4th place ng Top 10 Movies list ng Netflix Philippines noong Mayo 9, 2025, Biyernes.
Umakyat afterwards ang reunion movie nina Carlo Aquino at Julia Barretto sa 3rd place, 2nd place, at two days na nanguna noong Mayo 14 at 15.
Ngayong Mayo 16, Biyernes, ay bumaba ito sa third place.
Ang bagong topnotcher ay ang MMFF 2024 movie nina Francine Diaz at Seth Fedelin na My Future You.
More Pinoy movies ang kasado nang mag-streaming sa Netflix:
May 20, Tuesday — Ex Ex Lovers, starring Marvin Agustin and Jolina Magdangal
May 22, Thursday — Espantaho aka Scarecrow, starring Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, and Chanda Romero
May 29, Thursday — Everything About My Wife, starring Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, and Sam Milby
June 5, Thursday — Uninvited starring Vilma Santos, Aga Muhlach, and Nadine Lustre
June 12, Thursday — And The Breadwinner Is…, starring Vice Ganda

TOP 10 MOVIES on NETFLIX
- My Future You 2
- 1992
- Hold Me Close
- Bad Influence
- Last Bullet
- Disquiet
- Nonnas
- Sleep Paralysis
- Inside Man: Most Wanted
- Exterritorial

NOEL FERRER
Nagsi-seesaw ang rank ng Incognito sa Top 10 TV Shows list ng Netflix Philippines. Nag-iisang gawang-Pinoy ito sa nasabing listahan for the past two weeks.
Noong Mayo 2, Biyernes, ay nasa 10th place pa ang Happy Crush nina Maymay Entrata at Kelvin Miranda. The next day ay naligwak na ito.
More and more ang mga banyagang serye na kasado nang mag-streaming sa Netflix.
Kabilang diyan ang Sirens sa Mayo 22, Our Unwritten Seoul sa Mayo 24; Dept. Q sa Mayo 29; Oh My Ghost Clients sa Mayo 30; Sara: Woman the Shadows sa Hunyo 3; Mercy for None at The Survivors sa Hunyo 6; at Aniela sa Hunyo 11.
TOP 10 TV SHOWS IN PH ON NETFLIX
- Tastefully Yours
- American Manhunt Osama Bin Laden
- Bet
- The Beginning After The End
- Weak Hero
- Resident Playbook
- Fred and Rose West: A British Horror Story
- The Haunted Palace
- Incognito
- Heavenly Ever After

GORGY RULA
Halos lahat naman ng local films, lalo na kapag napo-promote nang husto o napapag-usapan, ay curious ang mga taong panoorin ito sa streaming.
Malalaman iyan kung magtatagal sa Top 10.
Kaya inaasahan nang magna-No. 1 din ang iba pang MMFF 2024 movies.
Nag-hit sa takilya ang And The Breadwinner Is…, at siyempre Vice Ganda, kaya ang taas ng expectations ko dito na magtatagal na mangunguna sa Top 10 movies.
UNINVITED AND ESPANTAHO
Curious ako kung paano tanggapin ng mga manonood ng Netflix ang Uninvited at Espantaho.
Mixed reviews kasi ang Uninvited ni Vilma Santos. Merong hindi nagandahan, meron ding gusto nila. Kaya gusto kong panoorin kung maganda ba siya o hindi.

Pati ang Espantaho o Scarecrow, na ilan sa mga sinasabi ng iba ay nakukulangan sila sa takot factor, pero maayos ang kuwento nito at ang gagaling ng mga artista.
Na-appreciate kasi itong Espantaho ni Judy Ann Santos sa mga inikutan nitong international film festivals.
Nagwagi si Juday sa Fantasporto sa Portugal.
Napansin din ito sa Festival de Cine Fantastico Bilbao. Nagustuhan ito sa Spain, lalo na’t ito ang nagwaging Audience Choice for Best Feature Film.
Isipin mo nga naman, 19 films ang kasali, itong Espantaho ang pinakagusto ng mga nanood sa naturang filmfest sa Spain.

Worldwide kaya itong streaming ng mga MMFF movies? Marami kasi sa mga kababayan natin sa ibang bansa na gusto rin nilang mapanood ang mga ito.
