GORGY RULA
Nagsara na noong Sabado, Mayo 17, 2025, ang botohan para sa anim na evicted housemates ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab.
Ngayong Linggo ng gabi, Mayo 18, ia-announce kung sinong Kapuso at Kapamilya evictees ang nakakuha ng pinakamaraming boto at babalik sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Ang mga pinagpilian ng taong bayan ay sina Ashley Ortega, Charlie Fleming, at Josh Ford mula sa GMA-7; at sina AC Bonifacio, Kira Balinger, at Ralph de Leon sa hanay ng ABS-CBN.
Read: PBB announces wildcard spots for evicted housemates
Habang nagka-countdown ng pagboto sa PBB wild card kagabi, kasama ko si Charlie na isa sa evictees at nagbabakasaling makabalik.
Imbitado ang 16-year-old Sparkle artist sa 2025 Maytime Antipolo Festival na nagparada sa kanilang Street Dancing, kasama ang anak nina Mayor Jun at Andeng Ynares na si Cassandra Ynares.
Super tsikahan sina Cassandra at Charlie dahil marami raw pala silang common friends, at kaagad nagkasundo ang dalawa.

CHARLIE ON PBB WILD CARD
Hindi raw iniisip ni Charlie na humabol ng boto sa PBB.
“I’m really just putting it in the hands of God. If babalik, I’m very thankful, pero kung hindi, okay lang din.
“Coz I do understand that it’s by voting po kasi.
"I’d rather be loved by fans po talaga… and okay lang sa akin kung hindi sila maglalabas ng pera for me. Okay lang po,” saad ni Charlie nang nakapanayam namin pagkatapos ng parada sa Maytime Festival ng Antipolo.
Kahit ang mommy ni Charlie, na kasama rin namin, ay hindi rin masyadong pinush ang pagboto sa anak dahil ayaw na nilang gumastos nang husto ang fans para lang makabalik sa Bahay Ni Kuya.
Nag-post si Charlie sa kanyang social media account na iboto siya, pero wala raw pressure sa supporters nitong talagang gumagastos lang para makabalik.
“I’m not really gonna push it, na I don’t really want them to spend too much din po.
"So it’s really okay. If they want to, thank you na rin,” pakli ni Charlie.
Read: Michael Sager, Emilio Daez third evictees in PBB Celebrity Collab
CHARLIE ON HER PBB EXPERIENCE
Nakikita naming masaya na si Charlie sa mga experience na nakuha niya sa loob ng Bahay Ni Kuya, kasama ang kanyang housemates.
Sa halos dalawang oras na sumama ako sa parada sa Antipolo, nasaksihan ko kung gaano kasikat ang PBB Celebrity Collab, dahil nakikita sa mga taga-Antipolo kung gaano sila kasaya nang nakita nila si Charlie.
Marami sa kabataan ang nagkagulo sa young actress, at sinasabihan siyang bumalik na sa Bahay Ni Kuya.
Natutuwa raw siya sa ganitong event na napupuntahan niya dahil nakakapagpasalamat siya sa lahat na mga sumusuporta sa kanya.
Saad ni Charlie: “We’re really doing a lot shows, regionals po, so that I could say thank you to the fans out there.
“I went to Bacolod yesterday. I just got back and I really get to say thank you to everyone.
"Yan po talaga yung ginawa namin right now. And a lot of contents coming out."
NOEL FERRER
Aminado si Charlie na nanibago siya paglabas ng Bahay Ni Kuya. Hanggang ngayon ay nag-a-adjust pa rin daw siya.
“Nanibago po talaga ako nang bongga,” bulalas niya.
“Until now, mahirap pa rin siya. But especially, nung first two weeks, it was really hard.
"It was really hard to connect to the people and to converse with the people.
“But I’m also thankful because I have my friends around me, and my friends were always there, like calling me.
"We went out with each other and everything. And I have my family with me, and I saw Kira [Balinger] a lot.
“We’re best friends. Hanggang ngayon, nagtsa-chat-chat pa rin kami.”
Read: PBB Update: Michael at Emilio, dumami ang fans matapos ma-evict
CHARLIE REVEALS HOUSEMATE SHE MISSES THE MOST
Ayon kay Charlie, nami-miss niya ang lahat ng housemates na naiwan pa sa loob ng Bahay Ni Kuya, pero meron daw talagang isa na sobra niyang na-miss.
“Oh my God, ang dami! Na-miss ko po talaga silang lahat.
"But I really do miss po… si Brent [Manalo],” kaagad na sagot ni Charlie sa tanong namin kung sino ang na-miss niya sa PBB house.
“Kahit ngayon po itanong sa akin, si Brent pa rin po ang nami-miss ko.
“He’s my kuya. He’s really my kuya.
"Parang yung tipong I can be alone with him and that’s okay na. Yung ganun.
“We don’t really talk too much to understand each other.
“He’s just very easy to please po. He understands, and he listens to me.”
JERRY OLEA
Kagaya ng iba ng naka-experience sa PBB, marami rin daw natutunan si Charlie sa kanyang pagpasok sa Bahay Ni Kuya.
Aniya: “For me, siguro more of understanding. I learn to understand people more.
“When you’re locked inside the house with different people from different battles, I think you get to learn them.
"You really get to know them kasi, knowing that wala kaming cellphone, we’re just fully in there with the people po.
“I learn that not everyone’s gonna really understand me. It’s gonna take time to build relationship with them.”
Ang mga natutunan niyang yun ay dala-dala raw niya paglabas na naa-apply na nito sa kanyang buhay.
“A lot of experiences that I’ve learned inside the house, I could definitely bring it outside.
"Especially the way that you converse with people, the flexibility, the personality.
"Because we’re really in the house with 20 people, not everyone’s the same.
“Iba-iba talaga yung timpla. And iba-iba yung connection sa isang tao sa each everyone of them.
"Kaya yun po ang nadala ko sa outside world."
Hindi pa alam ni Charlie kung ano ang susunod niyang gagawin sa GMA-7.
Sino sa housemates ang gusto sana niyang makatrabaho?
Sagot ni Charlie: “I’d like to work with River [Joseph].
"Kasi, we talked about acting po a lot. And talk about somebody’s character.
"And I want to get to know his work ethics and I want to get to know his … how he acts din po.
“Gusto ko siyang makasama sa isang soap na medyo iba yung character.”
Read: Zaijian Jaranilla apologizes over remarks about Dustin and Vince
