PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Faney special screening, itataon sa birthday ni Nora Aunor

Direk Adolf Alix Jr., nami-miss ang yumaong Nora Aunor.
by PEP Troika
Published May 19, 2025
laurice guillen faney
Laurice Guillen stars in Faney, a tribute film for the late National Artist and Superstar Nora Aunor.
PHOTO/S: Courtesy of Adolf Alix Jr.

JERRY OLEA

“Must watch” para sa super-Noranians ang pelikulang Faney na may special screening sa Mayo 21, 2025, Miyerkules ng gabi, sa Gateway Cinema 11 sa Cubao, Quezon City.

Bida rito si Laurice Guillen bilang die-hard Noranian na si Milagros Jacinto.

Pinakapaborito ni Milagros sa mga pelikula ni Nora ang Bona (MMFF 1980), kaya tinawag siyang Lola Bona.

Read: Laurice Guillen, reluctant tanggapin ang role bilang Nora fan

faney
Laurice Guillen (rightmost) leads the cast of Faney, a tribute movie for the late National Artist and Superstar Nora Aunor. With her in this photo are director Adolf Alix Jr. and co-stars Roderick Paulate and Perla Bautista.
Photo/s: Courtesy of Adolf Alix Jr.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa teaser ng Faney na pinost ni Direk Adolf Alix Jr. sa Facebook, in-emote ni Lola Bona ang iconic lines ni Nora sa mga pelikulang Minsa’y Isang Gamu-gamo (1976, directed by Lupita Kashiwahara), The Flor Contemplacion Story (1995, directed by Joel Lamangan), Bilangin Ang Bituin Sa Langit (1989, directed by Elwood Perez), at Ina Ka ng Anak Mo (1979, directed by Lino Brocka).

Reminiscent iyon ng isang eksena ni Loida Verano (karakter ni Nora) sa MMFF 1995 official entry na Muling Umawit Ang Puso directed by Joel Lamangan.

Ang Faney ay idinirek ni Adolf Alix Jr.

Co-stars dito ni Laurice si Gina Alajar at ang introducing na si Althea Ablan.

May eksena sa Faney na inspired ng eye-to-eye confrontation nina Nora Aunor at Vilma Santos sa 1978 film na Ikaw ay Akin directed by Ishmael Bernal.

May special participation sa Faney sina Perla Bautista, Bembol Roco, Ian de Leon, Angeli Bayani, at Roderick Paulate.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Faney director Adolf Alix Jr. (leftmost) with stars Bembol Roco, Gina Alajar, Ian de Leon, and Roderick Paulate.
Faney director Adolf Alix Jr. (leftmost) with stars Bembol Roco, Gina Alajar, Ian de Leon, and Roderick Paulate.
Photo/s: Courtesy of Adolf Alix Jr.

TRIBUTE MOVIE FOR NORA AUNOR

Noong Abril 16, Miyerkules Santo, pumanaw ang Superstar at National Artist na si Ate Guy.

Nami-miss siyempre ito ni Direk Adolf.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag binuksan mo yung social media mo, siya lahat yung laman, e!” bulalas ni Direk Adolf nang mainterbyu ng PEP Troika sa shooting ng Faney noong Mayo 12, 2025, Lunes, sa Golden Hills Subdivision, Brgy. San Roque, Antipolo City.

“Mga fans, ako po siyempre, nami-miss ko dahil once in a while, minsan morning or every other day, mag-text sa iyo si Ate Guy, babati. ‘Good morning, Direk,’ ganyan.

“Kasi si Ate Guy nga po, bukod sa katrabaho, e, pamilya na po ang turing namin sa isa’t isa.

“So, madalas magkausap din kami, kung hindi man tungkol sa project, tungkol sa mga bagay-bagay tungkol sa industriya at saka mga gusto niya na pelikula.

“Siyempre po parang may ka-textmate ka na biglang hindi mo na siya ka-textmate, di ba? So, minsan hinahanap mo rin.

“So, siyempre mami-miss namin siya. At saka sabi ko nga, ang tagal siguro bago ka maka-move on.

“So, itong paggawa ng pelikula tungkol sa kanya at sa kanyang mga fans ay isang way na rin po siguro namin para, alam mo yun, maka-move on, at the same time mabigyan siya ng tribute.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga fans. Kasi andaming nagbigay ng mga memorabilia na magagamit namin sa pelikula.

“Mga anecdotes, kung anong magagandang kuwento ng mga fans.”

Read: Tribute film para kay Nora Aunor, nagsimula na ang shooting

FANEY SPECIAL SCREENING

Walang bayad ang special screening ng Faney sa Wednesday.

“Invitational po ito at saka para po talaga sa mga fans ni Ate Guy. Yun ang gusto ng mga producers,” sabi ni Direk Adolf.

“Kasi ibalik muna sa mga taong minahal ni Ate Guy.”

Ang Faney ay prinodyus ng Frontrow Entertainment, Intele Builders, Noble Wolf, at AQ Films.

Dumagsa ang Noranians sa screening ng Nora Aunor films na Atsay, Tatlong Taong Walang Diyos, at ‘Merika noong Mayo 18, Linggo, sa Metropolitan Theater ng Maynila.

Paano kung sumugod ang sandahutay na Noranians sa Gateway Cineplex sa Wednesday, at sandamukal ang hindi makapanood sa Faney?

Tugon ni Direk Adolf, “Magkakaroon naman po ito ng iba pang screenings. Kumbaga, ito ngayon, para lang po muna talaga to give tribute sa birthday ni Ate Guy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Maliban sa invitational screening ng Faney sa Wednesday night, may iba pa bang activities kaugnay sa kaarawan ni National Artist Nora Aunor?

“I think yung pamilya, meron po silang sariling event at activity,” sagot ni Direk Adolf.

“Tapos yung mga fans po, meron din ata, pero 4:00 o’clock in the afternoon sila onwards.

“Kasi siyempre, in respect to the family. Parang they will have their separate event I think in the morning, tapos in the afternoon, yung mga fans.

“Tapos sabi ko nga, in the evening, punta na sila sa Gateway. Kasi sa lobby po, magdi-display kami ng mga memorabilia ni Ate Guy.

“Mga damit, mga things na naisuot niya, at iba pang mga bagay.”

Naidirek ni Direk Adolf si Ate Guy sa anim na full-length films — Mananambal, Pieta, Kontrabida, Laro, Whistleblower, at Padre de Familia.

Hopefully ay maipalabas na sa local cinemas ang Kontrabida next month, at iyong Laro sa October in time for Ate Guy’s showbiz anniversary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: RS Francisco, na-guilty na hindi nakadalo sa burol ni Nora Aunor

DIREK ADOLF'S MESSAGE TO FELLOW NORANIANS

Ano ang mensahe ni Direk Adolf sa mga kapwa niya Noranian?

“Mahirap na sigurong makahanap in our lifetime ulit ng ganoong klaseng phenomenon at legacy na naidulot ni Ate Guy,” saad ng premyadong direktor.

“So siguro po, as cultural workers, as artists, ang trabaho po natin ngayon ay i-share sa younger generation kung ano at sino po si Nora Aunor…

“Isa siyang cultural icon at phenomenon na dapat maintindihan ng mga tao. Kasi hindi puwedeng hindi dadaan sa history, e.

“Parang hindi mo puwedeng talunan na at one point in our history, there was this one woman na nag-change ng landscape ng Filipino cinema and industry in general.

“Nagkaroon ng ibang standard when it comes to sino ang magaling na artista, ano ang epitome ng isang celebrity, at kung gaano karami po yung mga fans na nagkaroon siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Salamat sa grupong nagtaguyod ng tribute film na ito para sa kaarawan ni Ate Guy sa Mayo 21, Miyerkules.

Katulad ng sinabi ng editor ng isang libro ng mga faney ni Ate Guy, ang kaibigan kong si Nestor de Guzman, umaasa tayong lahat na sana, maganda ang kalalabasan ng pelikulang ito na nag-first shooting day noong Mayo 12, Lunes.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Laurice Guillen stars in Faney, a tribute film for the late National Artist and Superstar Nora Aunor.
PHOTO/S: Courtesy of Adolf Alix Jr.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results