NOEL FERRER
Ayan na, pagkatapos ng successful na Through The Years concert ni Zsa Zsa Padilla, heto na ang next project ng winning team ni Direk Rowell Santiago at ni musical director Homer Flores — ang kauna-unahang concept show ng ating Asia’s Timeless Diva na si Dulce!
Wagi!
Read: Zsa Zsa Through The Years concert: Highlights and Sidelights
Ito ang magluluklok kay Dulce sa level ng OPM Royalty dahil ito ang kanyang tribute sa Original Pilipino Music (OPM).
It’ll be at the BGC Arts Center on July 11 and 12, 2025.
Kaya bago pa magsiksikan ang concert dates, nagpa-save the date na ang grupo ng AIP Media Productions as part of its All Hits Series.
Mga Ka-Troika, ano ang mga kanta ni Dulce na gusto ninyong gawin niya at talaga namang aabangan?

JERRY OLEA
Siyempre, inaasahan natin sa tuwi-tuwina ang pag-awit ni Dulce ng "Ako Ang Nagwagi."
Bago ang BGC concert sa Hulyo, makikipag-showdown si Dulce sa Charity Diva na si Token Lizares sa Hunyo 13 sa Teatrino, Promenade, Greenhills, San Juan City.
Divas On Fire ang title ng kanilang show, kung saan part of the proceeds will go to the Siervas de Maria and the Noah's Ark dog and cat shelter.
Ang halaga ng ticket ay PHP1,000, PHP2,000, at PHP3,000.
Read: Lani Misalucha, aminadong nasisintonado sa pagkanta

GORGY RULA
Dasurv ni Dulce, 63, na mabigyan ng concert dahil ang galing pa rin niya.
Iba pa rin talaga ang performers natin noon na dapat pa ring tangkilikin.
Sa Amerika ay todo pa rin ang suporta sa veteran singers, kagaya nina Engelbert Humperdinck, Tom Jones, at Dionne Warwick.
Kaya ko sila nabanggit dahil sila ang mga nakatakdang mag-perform sa Arizona, USA, na sinusubaybayan ng kaibigan naming si Louie Alejandro.
Ang kuwento sa amin ni Louie, last May 17 lang ay napanood niya ang The Last Waltz World Tour ni Engelbert Humperdinck na dinagsa ng mga senior citizen.
Read: Taeyang to Filipino fans: “Manila, I love you palagi.”

ENGELBERT humperdinck still got it
Naaliw ako sa kuwento niyang parang nakaparada ang mga senior citizen na pumapasok sa venue sakay sa kanilang wheelchair, mobility scooter, o kaya naka-cane na sinasamahan ng kanilang anak o apo.
Pero isipin mo, 89 years old na si Engelbert, nagwo-world tour pa!
Hindi na raw kagaya ng dati ang timbre ng boses niya na tatak Engelbert, pero magaling pa rin at nakakapag-perform daw siya ng diretsong isa at kalahating oras na walang break.
Minsan lang daw ito umupo, at dire-diretso siyang nakakanta.
Sobrang nakakatuwa raw at nakaka-inspire na sa edad na 89 ay nakakapagbigay-saya si Engelbert sa mga fans niya.
Ilan sa mga pinasikat na kanta ni Engelbert ay "Release Me," "The Last Waltz," "A Man Without Love," "Spanish Eyes," "Quando Quando Quando," "Love Me With All You Heart," at "Am I That Easy To Forget."
Si Tom Jones naman ay 84 years old at nakakapag-concert pa, at ganun din si Dionne Warwick na 84 years old na rin.
Kaya patuloy nating suportahan ang veteran singers na hindi pa rin nagbabago, at patuloy pa rin silang makapag-perform at makapagbigay ng magagandang awitin sa atin.
Read: DAY6 gives the "time of our life" in Forever Young concert
