PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arkin del Rosario, hindi kilala ang totoong mga magulang

Arkin del Rosario, ano ang mga konsiderasyon sa pagtanggap ng BL projects?
by PEP Troika
Published May 20, 2025
arkin del rosario parents
Arkin del Rosario on considerations in accepting BL projects: “Kapag kumukuha naman po ako ng proyekto, lagi kong sinasabi na kumukuha ako ng proyekto dahil naniniwala ako doon sa content. Naniniwala ako sa script, sa direktor, at sa mga production people."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Sumabak si Arkin del Rosario sa dalawang BL (boys’ love) series noong 2020 na lumaganap ang COVID-19 pandemic.

Libreng napanood ang mga iyon sa YouTube.

Ang sumunod na project niya ay ang pelikulang Table For 3 na nag-streaming last year sa VMX (dating Vivamax) Plus.

Mapusok ang menage a trois nila roon nina Topper Fabregas at Jesse Guinto, sa direksiyon ni Ivan Andrew Payawal.

Enero 14, 2025 iyon nag-regular streaming sa VMX, at nag-No. 1 iyon sa listahan ng Top Movies ng naturang platform.

Read: Gay movie Table For 3, naungusan ang sexy movies sa VMX

table for 3 vmx
Photo/s: VMX Philippines
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ARKIN DEL ROSARIO ON CONSIDERATIONS IN ACCEPTING BL PROJECTS

“Kapag kumukuha naman po ako ng proyekto, lagi kong sinasabi na kumukuha ako ng proyekto dahil naniniwala ako doon sa content,” sabi ni Arkin.

“Naniniwala ako sa script, sa direktor, at sa mga production people. Isa yun sa mga project na masasabi ko na masaya ako na ginawa ko.

“Kasi, nag-leave iyon ng mark bilang isang mature na actor, mature na role ang ginampanan ko.

“At hindi madali na i-tackle yung ganoong klaseng topic, especially sa LGBTQIA+ community.

“They want something raw. They want something makatotohanan, mga nangyayari talaga sa reyalidad.

“And I think that’s the reality. Kakaiba yung kuwento dahil tina-tacle yung throuple relationship.

“And normally our society, especially here in the Philippines, we’re very conservative whether homosexual or heterosexual relationship.

“Merong kaakibat yon na… konserbatibo tayo, e. Kumbaga we still value yung loyalty, or we still value yung, ‘Oh, in our relationship, kailangang long-term ito.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ganun kasi tayong mga Pilipino, or karamihan sa atin. Eighty percent at least.”

Nainterbyu ng PEP Troika si Arkin noong Mayo 17, 2025, Sabado, sa isang coffee shop sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Nag-resurface ang screenshots at videoclips ng daring scenes ni Arkin sa Table For 3 matapos kumalat ang kanyang nude photos and videos last week.

Sabi ni Arkin, na-hack ang kanyang Instagram at Facebook accounts.

Read: Arkin del Rosario's IG hacked; nude photos, videos go viral

NOEL FERRER

Maraming tao ang naapektuhan sa paglaganap ng pandemya noong 2020.

Sabi ni Arkin del Rosario, ayaw niyang maging insensitive pero maayos daw ang kalagayan niya noon.

“May mga taong sumusuporta sa akin, at meron akong mga taong binisita, binibisita noong mga panahon na yon,” lahad ni Arkin, na dating member ng grupong XLR8.

“At hindi ko kinalimutan iyong mga magagandang samahan namin, at mga naitulong sa akin.

“So, bilang kapalit ay pinaglaanan ko sila ng oras at atensiyon nang walang hinihingi or masamang intensyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kaakibat nun, nag-aaral ako. Ako ay kasalukuyang nag-aaral ng IELTS, International English Language Testing System, online sa loob ng isang taon o mahigit.

“Doon ako nag-focus. Doon ko itinuon ang aking atensiyon upang makapag-aral sa United Kingdom, sa London, ng Theatre.

“Maayos ang aking pag-aaral, ang aking pagre-review online kasama ang aking guro, at lahat ay nakaplano na.

“Hindi ko masasabi na naapektuhan ako nung pandemic, nung pandemya. Ngunit…

“Mas nakabibigla nung pagkatapos ng pandemya ay doon ako naapektuhan.

“Maraming mga pangyari pagkatapos ng pandemic na hindi ko inaasahan. At hanggang ngayon, malaking katanungan sa akin.”

HOW IS ARKIN DEL ROSARIO NOW?

Kumusta siya ngayon?

Natigilan si Arkin bago sumagot: “Mahirap makabangon. Pero you need to stand up for yourself. To stand your ground.

“Kung saan ka magaling na larangan, kung saan ka mahusay, kailangang panindigan yon.

“Kasi ganun lang yon, e. Merong maniniwala, merong icha-challenge. Merong tatanungin ka, ku-question-in ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Magpo-focus tayo sa mga taong naniniwala sa kakayahan natin. Hindi naman sinasabi na mag-aantay ka, kumbaga, ng tamang pagkakataon.

“You have to move forward. You have to do your part. And that’s what I’m doing. I’m doing my part.

“Hindi madali na maging mag-isa, maging independent. Lalo sa showbiz. Hindi madaling maging mag-isa.

“Hindi rin madali na walang humahawak sa iyo, walang nagma-manage na talagang magpu-push sa iyo forward, and magre-remind sa iyo na, ‘Ito yung value mo, ito yung worth mo.’

“Bihira yung mga ganung tao. At kapag nahanap na natin yung mga ganung tao, it’s a learning experience.

“Pag nahanap na natin yung mga ganung tao, huwag na huwag nating pababayaan. Huwag na huwag nating kakalimutan.

“Maging appreciative tayo. Ayun, ayun ang mga natutunan ko din nung pandemya.

"Kasi nung pandemya mismo, lahat naman tayo, ‘O, anong mangyayari?’

“Di ba? Ganito, ganyan. Isa yun sa mga natutunan ko. A friend of mine told me — charge to experience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And stand your ground. Panindigan mo kung sino ka. Kasi hindi mo alam, may mga tao diyan, nai-inspire mo.”

Read: Former XLR8 member Arkin del Rosario stars in two Pinoy BL series

GORGY RULA

Maraming challenges na hinaharap si Arkin del Rosario.

Pero gusto muna niyang mag-focus sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral at sa paghahanap sa kanyang magulang.

“Lumaki kasi ako na wala akong parents talaga,” pakli ni Arkin nang mag-guest siya sa radio program namin sa DZRH noong Linggo, Mayo 18.

Tinanong kasi si Arkin kung ano ang reaksiyon ng kanyang pamilya, partikular ang parents at mga kapatid, sa pagkalat ng kanyang nude photos and videos.

Sabi ni Arkin, lumaki siya na ang alam niya ay wala na siyang parents.

“Hindi ko po talaga ma-describe sa akin, wala na si Mama at ang Papa ko. Pero… dahil sa social media, meron akong naririnig na buhay yung parents ko, ang mama ko at ang papa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko lang po ng clarification kung ano po yung totoo, kung ano yung nangyari.

“Hindi lang kasi ako ang naapektuhan nang sobra-sobra kundi ang mga kapatid ko,” dagdag niya.

Ito lang daw talaga ang hangad niya — makilala nilang magkakapatid ang kanilang magulang para mabuo ang pamilya at magkaroon daw ng closure sa kanilang buhay.

Hindi pa rin kasi malinaw sa kanila kung sino ba talaga ang kanyang ama.

“Gusto lang sana maging buo. Pero kung meron na silang sariling pamilya, tanggap naman namin yun.

“Ang gusto ko lang malaman po ay kung sino talaga yung tatay ko at yung nanay ko. Kasi nasa showbiz industry daw po yung father ko.

“Medyo nalilito po ako kung motivational business leader or '90s heartthrob or private banker. Hindi ko po alam kung sino.

“Pero sikat daw na leading man ng isang sikat na leading lady nung '90s. Hindi ko po alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami pa rin akong katanungan, pero at least papano nabawasan yung pagpipilian kung sino,” malungkot na pahayag ni Arkin.

Read: Hubaderos 2025 1Q: Celebs who bared on stage, runway, TV, films

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arkin del Rosario on considerations in accepting BL projects: “Kapag kumukuha naman po ako ng proyekto, lagi kong sinasabi na kumukuha ako ng proyekto dahil naniniwala ako doon sa content. Naniniwala ako sa script, sa direktor, at sa mga production people."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results