JERRY OLEA
May bahid ng Kapuso prime-time series na Maria Clara at Ibarra ang historical fantasy film na Isang Komedya sa Langit.
Sa Maria Clara at Ibarra, ang GenZ nursing student na si Klay ay napunta sa setting ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng mga Kastila.
Nag-ala-Somewhere in Time ang romansa roon ni Klay with Fidel (David Licauco). FiLay!
Sa pagtatapos ng teleserye ay nag-back to the future si Klay.
Read: Miss World Somalia, survivor of female genital mutilation
ISANG KOMEDYA SA LANGIT story
Sa historical fantasy movie na Isang Komedya Sa Langit, bida ang tatlong pari (Jaime Fabregas, Edgar Allan Guzman, at Gene Padilla) na nag-time travel naman from 1872 to 2024 and back.

Sa susunod na Miyerkules, Mayo 28, 2025, ang playdate ng Isang Komedya Sa Langit, pero nag-premiere night na ito nitong Mayo 20, Martes, sa SM Megamall, Mandaluyong City.
May hawak na bandila ng Pilipinas sina Jaime, Gene, John Medina, at Aki Blanco nang rumampa sa red carpet. Pawang naka-sutana sila.
Philippine Independence Day presentation kasi itong Isang Komedya Sa Langit, na ang ending ng kuwento ay nawisikan ng butterfly effect.
Huwag na nating dalirutin ang chaos theory sa istorya, dahil may disclaimer naman sa umpisa ng movie na ito ay work of fiction. Charge it to artistic license, ika nga.
Bahagi ng pelikula ang Spanish-Mexican traditional folk song na "La Cucaracha."
Ayon sa Wikipedia, “The song's origins are Spanish, but it became popular in the 1910s during the Mexican Revolution.”
Nag-evolve ang lyrics ng awit tungkol sa isang ipis na hindi makalakad. Naging revolutionary song ito, na may ipinahihiwatig sa kalagayan ng pulitika.
Read: Triplets graduate summa cum laude with similar degrees
ISANG KOMEDYA SA LANGIT CAST
Pahayag ni Jaime, “Ako rito si Father Garcia. Nagkataon lang na yung apelyido ng nanay ko, Garcia din. So, parang tinugma lang.”
Ang sabi ni Gene, “Biruin mo, pari ako dito. Ako si Father Salas.”
Nainitan ba siya sa suot na sutana na makapal ang tela?
Tugon ni Gene, “Hindi, nasanay na. Pero noong sinu-shoot namin, sobrang lagi kaming pawis na pawis dahil mainit siya, e.”
Pasaway ang karakter niyang si Father Salas pero sa totoong buhay ay mabait daw siya.
Waley sa premiere si Edgar Allan na gumanap bilang Father Borromeo.
Collectively, ang tawag sa tatlong pari ay GarBoSa. Ang Isang Komedya Sa Langit ay directorial debut ni Roi Paolo Calilong.
Sinulat at prinodyus ito ni Rossana Hwang ng Kapitana Entertainment Media.
Palabas ito sa Mayo 28, Miyerkukes sa SM Marikina, SM Aura Premier, SM Seaside Cebu, SM Megamall, SM Grand Central, SM Clark, SM Dasmariñas, SM North EDSA, SM Cebu, SM Southmall, SM Fairview, SM Manila, SM Davao, SM Mall of Asia, at Greenhills Theater. Rated PG (Parental Guidance) ito ng MTRCB.
Read: Meet Cristopher Diwata, the man behind “What hafen, Vella?” trend

NOEL FERRER
Nag-open sa local cinemas noong Miyerkules, Mayo 14, ang Final Destination: Bloodlines at Towards The Light: Will To Power na exclusive sa SM cinemas.
Nag-rewind sa Ayala Malls cinemas noong Mayo 14-18 ang Hiling at Magic Temple, na parehong discounted.
Mayo 17, Sabado, nag-umpisa ang showing ng Mission Impossible: The Final Reckoning ni Tom Cruise.
Parehong umariba sa takilya ang Final Destination: Bloodlines at Mission Impossible: The Final Reckoning.
Ngayong Mayo 21, Miyerkules, inaasahang magpapasiklab ang Lilo & Stitch.
Kasabay nito ang ConMon nina Kaye Abad, Paolo Contis, Patrick Garcia, Empoy Marquez; at ang Daniela Forever nina Henry Golding at Beatrice Granno.
Read: Paolo Contis, tanggap ang limited theaters ng pelikula nilang ConMom

Ngayong Wednesday night ang special screening ng Faney sa Cinema 11 ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
Tribute film kay National Artist Nora Aunor itong Faney, at nasa cast nito sina Laurice Guillen, Gina Alajar, Althea Ablan, Angeli Bayani, Ian de Leon, Bembol Roco, at Roderick Paulate, sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.
Dapat sana ay ngayong Mayo 21 din ang showing ng Lasting Moments nina Sue Ramirez at JM de Guzman.
Nalipat ito sa June 4 playdate. Kasabay ng Isang Komedya sa Langit sa May 28 ang showing ng Karate Kid: Legends.
Gaya ng ConMom ay limitado ang mga sinehan ng Isang Komedya sa Langit. Sana, kumita ang Filipino film na palabas this week na ConMom talaga.
GORGY RULA
Interesting ang kahihinatnan ng iba pang magso-showing na Pinoy films, kasabay ang tentpole projects ng Hollywood.
Nasa June 4 playdate ang Beyond the Call of Duty at Lasting Moments, kasabay ang Dan Da Dan: Evil Eye at John Wick: Ballerina.
Nasa June 11 playdate ang Only We Know nina Charo Santos at Dingdong Dantes, kasabay ang How to Train Your Dragon.
Nasa June 18 playdate ang Flower Girl ni Sue Ramirez, at nasa June 25 playdate ang Song of the Fireflies nina Morissette at Rachel Alejandro.
Magpapayanig ang Jurassic World Rebirth sa July 2, at ang Superman sa July 9.
Maaari pang magkaroon ng pagbabago ang mga playdate na ito.
Para sa updates, bisitahin ang Facebook pages ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), SM Cinema, Ayala Malls Cinemas, at Robinsons Movieworld, maging ang website ng Click The City.
