GORGY RULA
Ang ganda ni Ruffa Gutierrez at napaka-positive ng aura niya nang humarap siya sa media launch ng bago niyang endorsement, ang Magical Gems by Isabel and Alexandria, na ginanap sa Hashi Pan Asia Restaurant sa Greenhills Mall noong Martes, May 20, 2025.
Ang nakakatuwa pa sa kanya, kilala niya ang mga entertainment press na dumalo at naaalala pa niya ang mga isinulat ng mga ito sa kanya. Personal siyang nagpasalamat sa mga ito.
Dahil dito, parang ang hirap tuloy niyang kulitin tungkol sa kanila ng nobyong si Herbert Bautista.
Pero game naman siyang sagutin ang tungkol sa ipinost niyang video sa Instagram tungkol sa bonding nila ni Herbert.
Hindi nga lang niya gaanong pinag-usapan ito dahil mas gusto raw niyang mag-focus sa endorsement na malapit nang buksan ang boutique nito sa Davao.
Read: Ruffa Gutierrez flexes bonding time with Herbert Bautista
RUFFA ON POSTING BINDING WITH HERBERT
Maraming kuwentong alahas si Ruffa na ibinahagi niya sa entertainment media.
Ang dating asawang si Yilmaz Bektas daw ang mahilig magbigay ng alahas sa kanya.
Sinundan namin ng tanong kung may alahas din bang naibigay sa kanya si Bistek, palayaw ni Herbert.
“Ayokong sabihin kung ano yung gift niya. Secret. Private siya. Baka mapagalitan na naman ako,” nakangiting iwas ni Ruffa.
Nilinaw ng aktres kung bakit niya ipinost ang video ng bonding moments nila ni Herbert.
Hindi naman daw nila isinisikreto ang kanilang relasyon, pero mas gusto nilang pribado lang ito.
Saad ni Ruffa: “Maganda kasi pag sa personal life, mas maganda, mas nagtatagal, mas healthy kung private. Iba yung private, iba yung secret.
“Sa mga nagpo-post lagi, araw-araw or ano, parang hindi na bagay. Mas maganda na private.
“Pinost ko lang naman yun kasi birthday niya,” saad ni Ruffa.
Ang alahas palang suot ni Ruffa sa media launch ang kuwintas at hikaw na blue topaz at pink sapphire na nagkakahalaga umano ng PHP500,000.
Ilan lamang yun sa mga collection ng Magical Gems by Isabel and Alexandria na isusuot ni Ruffa sa bago niyang drama series sa GMA-7 at VIU, ang Beauty Empire.
Read: Ruffa Gutierrez, "napupunta ang sweldo" sa pag-aaral ng mga anak
NOEL FERRER
Masaya si Ruffa Gutierrez sa kanyang lovelife.
Pero base sa mga sagot niya, mas priority pa rin niya ang kanyang pamilya, lalo na ang dalawa niyang anak na sina Lorin at Venice.
Bukod pa riyan ay maganda ang kanyang career.
RUFFA IS OPEN TO MARRYING AGAIN
Pero sakaling mag-level up na ang relasyon nila ni Herbert, bukas daw siya sa posibilidad na umabot ito sa kasalan.
Nakikita ba niya ang sarili na may iaabot na engagement ring sa kanya si Herbert, at yayain na siya nitong magpakasal?
Sagot ni Ruffa: “I’m not closing my doors.
"I remember, every time, after the breakdown of my marriage with Yilmaz, sabi ko, ayoko na magpakasal, because I was so traumatized.
“But my friends, you know… I go to Bible study as well and, sabi nila, never say never. Hindi natin masabi yung future.
“So, I’m not closing my doors, but I’m happy the way things are right now.
"So, kung dumating man ang pagkakataon na magpapakasal ako in the future, e, sana yun na yung huli hanggang sa last breath of my living life, siya na yung kasama ko.
"If not, dyowa-dyowa na lang."
Read: Ruffa Gutierrez reveals Yilmaz Bektas wants to marry her again
JERRY OLEA
Nakatsikahan namin sandali si Herbert Bautista sa wake ni Pilita Corrales noong Lunes Santo, Abril 14, 2025 sa Heritage Memorial Park, Taguig City.
Pangiti-ngiti lang si Bistek nang biru-biruin namin tungkol kay Ruffing.
