JERRY OLEA:
Taas-baba, taas-baba ang ranking ng Incognito sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.
Sa Hulyo pa ang streaming ng 128th at final episode ng serye nina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, Maris Racal, at Anthony Jennings.
Binawasan ng dalawang episode ang Incognito dahil walang episode ito noong Huwebes Santo at Biyernes Santo.
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:
- Bet
- Tastefully Yours
- Dear Hongrang
- American Manhunt: Osama bin Laden
- Incognito
- Resident Playbook
- The Aristocrat’s Otherworldly Adventure
- Secrets We Keep
- Love, Death + Robots
- The Haunted Palace

Read: Marjorie and Linda bond with their children with Dennis
NOEL FERRER:
Nanguna ang MarJo film ng Ex Ex Lovers sa listahan ng Top 10 Movies ng Netflix Philippines ngayong Mayo 21, 2025, Miyerkules.
Valentine presentation ang nasabing reunion movie nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.
Bumaba tuloy sa pangalawang puwesto ang MMFF 2024 movie ng FranSeth (Francine Diaz + Seth Fedelin) na My Future You.
Nasa Top 10 pa rin ang 50th MMFF entry na Hold Me Close nina Carlo Aquino at Julia Barretto.
Streaming sa Netflix ang Espantaho aka Scarecrow sa Mayo 22, Everything About My Wife sa Mayo 29, Uninvited sa Hunyo 5, at And The Breadwinner Is… sa Hunyo 12.
Sana, tangkilikin muna ng moviegoers ang mga pelikulang Pilipino sa sinehan bago sa streaming.
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:
- Ex Ex Lovers
- My Future You
- 1992
- Afraid
- The Woman King
- Fighting
- Hold Me Close
- Exterritorial
- Sleep Paralysis
- Inside Man: Most Wanted

Read: GMA-7 reports P2.065 billion net income after tax for 2024
GORGY RULA:
Maganda ring napapanood na ang ilang MMFF entries sa Netflix dahil hindi naman napanood ito nooong nakaraang MMFF ng mga kababayan natin sa ibang bansa.
Kaya inaasahan nang magna-number one din itong Espantaho, And The Breadwinner Is … at iba pang papasok na rin sa Netflix.
Natutukan ko pa rin ang Incognito sa Netflix at medyo bawas muna sila ngayon sa action, dahil pinapaganda pa lalo ang kuwento ng ilang bida.
Kagaya ng kuwento ni Andres (Daniel Padilla) sa paghahanap sa kanyang kapatid, ang pagkilos ni JB (Richard Gutierrez) na mapalaya ang kanyang ama, at ang kasunduan nina Gab (Maris Racal) at Tomas (Anthony Jennings) na magpakasal para makuha lang ni Gab ang kanyang mana.
Ang cute ng kuwento nitong love team ng dalawa.
Samantala, nasa top 20 pa rin sa VIU ang Slay na maganda rin ang ratings sa GMA-7.
Pero pinag-iba nga raw nila ang ending nito. Totoo bang si Gabbi Garcia ang killer ni Derrick Monasterio sa VIU, pero ang mapapanood sa GMA-7 naman ay si Julie Ann San Jose daw ang killer?
Abangan natin iyan!
