GORGY RULA
Kamakailan lang nag-face reveal ang mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna ng anak nilang si Baby Lili, na isinilang noong October 2024.
Tuwang-tuwa ang netizens sa napakaganda nilang baby.
Read: Baby girl nina Derek at Ellen, wala pang face at name reveal
View this post on Instagram
Pero iba naman ang pananaw ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez tungkol sa kanilang anak na si Maria.
Wala raw silang balak ipakita sa publiko ang mukha ng kanilang anak dahil mas gusto nilang manatili ang privacy nito.
Read: How Maja Salvador, Rambo Nunez look after daughter Maria
View this post on Instagram
MAJA SALVADOR ON GIVING HER CHILD THE FREEDOM TO CHOOSE
Sabi ni Maja, gusto nilang bigyan ng kalayaan ang kanilang anak kung paano nito gustong makilala, hindi bilang anak ng ishowbiz personalities.
Saad ng aktres: “Kasi, parang gusto kong ibigay sa kanya yung freedom talaga kung papaano niya gustong makilala ng tao.
"Gusto ba niya? Yung ganun. Kesa yung i-post ko siya.
"But then, paglaki niya ayaw pala niya, alam niyo yun, ayaw niya sa mundo namin, yung gusto niya tahimik lang yung buhay niya.
"Na hindi naman mangyayari yun for sure.”
Nakapanayam ng PEP Troika sina Maja at Rambo sa media launch ng bagong body care brand na Majeskin, na ginanap sa Incanta Cave Bar and Restaurant, Sct. Limbaga St., Quezon City, ngayong Biyernes, Mayo 23, 2025.
Read: Maja Salvador, paano kinumpleto ng kanyang anak na si Maria?
May mga nag-aalok nga raw na ilang baby products na gustong mag-model ang kanilang anak, pero tinanggihan nilang mag-asawa.
“Even may mga brands na gusto… kahit name your price, sabi ko, hindi talaga,” sabi pa ni Maja.
Proteksiyon na rin daw ito sa kanilang anak na mag-iisang taon pa lamang.
Saad pa ni Maja: “We have friends na ang kuwento is hindi nila alam kung paano mag-react.
“Kasi minsan yung nakyutan sa anak nila, kukurutin, e, hindi mo ma-explain yun sa mga bata na parang, 'Sino sila, ba’t biglang…' Alam niyo yun?
“And then, of course, kung naumpisahan mo na i-post siya, parang mangyayari talaga yun, e.
“Hilahin yung bata, magpa-picture, alam niyo yun, pisilin yung pisngi na parang… they don’t have any idea bakit sila ginaganun. Na kilala pala sila.
"Iyon yung iniiwasan namin.
“Because, hindi ko rin alam mag-react na parang, ‘Ay, bawal po.' Di ba?
"And then, ‘Bakit bawal, e, pino-post niyo siya?'”
Read: Maja Salvador, inalala ang hirap na pinagdaanan sa panganganak
JERRY OLEA
Umayon naman si Rambo Nuñez sa mga sinabi ng kanyang asawa.
Sabi ni Rambo: “Ito kasi sa mundong ito, hindi lang naman tayo yung may control, di ba?
"There’s a lot of people na ang mata nasa atin, o nasa mga individual na nasa entertainment industry.
“So kami, isa sa reasons namin for the kid talaga, for our baby, is for her to enjoy yung buhay niya, na habang lumalaki, na hindi siya kilala.
“Na kung iwan namin siya sa mall, puwede siya sa park, hindi siya istorbohin ng mga tao.
“I mean, it’s not like na hindi namin na-appreciate yun, but siyempre wala pang malay, di ba?
"Na, parang naglalaro, tapos baka istorbohin because kilalang-kilala na siya, mga ganun.
“Yung mga ganung instances na, feeling namin, it's important dun sa development nung bata na ma-realize niya yung may freedom siya, di ba?
“Kumbaga, ma-discover niya kung sino siya individually, not because anak siya ni Maja.
"And yun nga, as much as possible, at least may freedom lang siya na gawin yung mga ginagawa ng mga normal na mga bata.”
Read: Maja-Rambo daughter's baptism is celebrity filled
NOEL FERRER
Kanya-kanyang paraan ang mga magulang sa pagpapalaki ng mga anak.
Ang maganda niyan ay lumalaki ang mga anak nina Ellen at Derek, Maja at Rambo nang may pagmamahal at pagkalinga.
Ganyan sina Ellen at Derek. At halos matunaw ang puso natin nang makita si Elias, anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz, na bitbit at inaalagaan ang kanyang nakababatang kapatid.
Personal namang tinututukan ni Maja ang Baby Maria nila ni Rambo.
Ang lahat ng kanyang ginagawa ay ina-adjust niya sa schedule ng kanilang anak.
Napaaga nga ang media launch ngayong araw dahil gusto niyang maabutan ang siesta ng kanyang baby sa hapon.
“As much as possible, kung puwedeng kasama siya, kasama siya. Kasi hindi ko kaya na hindi siya kasama ng isang buong araw.
“Kaya po tayo 10:00 A.M. ngayon, kasi ang lagi niyang nap time is mga 3:00 P.M. or 4:00.
“So, bago siya mag-nap time ngayon, sana makabalik na ako,” nakangiting sabi ni Maja.
Bukas pa rin naman daw silang masundan si Baby Maria, kahit naging mahirap ang panganganak ni Maja.
“Basta before mag-40, ganun lang. Ang dami pang kontrata,” bulalas ni Maja.
Okay na raw sila sa dalawa o tatlong anak kung kakayanin pa.
“Two talaga, two to three, okay na yun. Mahal na ang lahat e,” napangiting sabi ni Maja.
Sabi naman ni Rambo: “Sabi ko nga sa kanya, 'At least dalawa, tig-isa tayo.'
“Yung hindi namin iaasa sa ibang tao. Kung merong activities ang mga bata, sure na kung sabay man sila, at least tig-isa tayo.
“Kasi nga, yun nga, sabi namin sa check-up ni Maria, wala kaming na-miss. So we try to be there as much as possible.”
