JERRY OLEA
Matitikman na ang dulang 3 Men On An 1sland ngayong Mayo 24, 2025, Sabado ng gabi sa teatro ng PhilStagers Foundation (PSF) na malapit sa PS Bank-G. Tuazon St., Balic-balic, Sampaloc, Manila.
Isa ito sa pitong dula na tampok sa unang gabi ng PSF Theater Festival 2025.



“Isang flight attendant (Ken Intano), normal na pasahero (Victor ‘VR’ Relosa), at isang piloto (Fidel Redado).
“Makakaligtas kaya sila? O kailangan nilang kainin ang isa’t isa? Hmph.”

Sinulat at idinirek ito ni Johnrey Rivas na nagsabi sa technical dress rehearsal (TDR) nitong Mayo 23, Biyernes ng gabi, na three years ago pa niya ito isinulat.
Tinanggihan ni Johnrey ang pagiging festival director ng PSF Theater Festival this year para lumahok dito at mailabas ang kanyang artistic juices.
“This particular play of mine is somehow dahil na rin sa PSF, yung influence kung bakit ko ito nasulat,” sambit ni Direk Johnrey.
“At mag-iiwan lang po ako ng isang tanong sa lahat. Ano ang kaya nating gawin para sa bayan?”
May bahid ito ng mga pelikulang Temptation Island (1980) ni Joey Gosiengfiao, Sampung Ahas ni Eva (1984) ni Carlo J. Caparas, Lord of the Flies (1963) ni Peter Brook, at Triangle of Sadness (2022) ni Ruben Ostlund.
Sa 2024 VMX (dating Vivamax) film na Kabit ni Lawrence Fajardo, theater actor ang ginampanan ni VR.
May play within a film ang Kabit na pinagbidahan din nina Angela Morena at Josef Elizalde.
First time ni VR na mag-teatro sa 3 Men On An 1sland.
“Medyo feeling ko po, baguhan talaga ako. Ibang-iba yung treatment sa play kesa sa film,” wika ni VR.
“Ahhmm... iba yung logic nila sa play. So talagang naninibago po talaga ako. And talagang parang empty cup ako dito na ngayon pa lang ako natututo kung ano yung mga ginagawa.
“Sobrang natsa-challenge po ako sa character ko actually.”
Nang mainterbyu ko si Direk Roman Perez Jr. noong Marso sa Gateway Mall, isiniwalat niya na balak ng VMX na sanayin sa entablado ang kanilang mga artista.
Magtatanghal daw sila ng mga dula sa Viva Cafe sa Cubao, Quezon City.
Pumayag daw si VR na mag-frontal nudity sa entablado?
Mabilis na tugon ni VR, “Opo! Actually napag-usapan na namin iyan few months ago pa po. 'Tapos, ayun, ako at si Denise Esteban nga po. Bale kaming dalawa lang po yung cast.
“'Tapos nasa amin na din po ang script. Naghihintay na lang din po kami na mag-rehearse po.”
Si Denise ay naging understudy ni Elora Españo sa dulang Anino sa Likod ng Buwan noong Marso sa PETA Theater Center, New Manila, Quezon City.
May rerun ang Anino sa Likod ng Buwan sa Oktubre doon pa rin sa PETA Theater Center.
Siyanga pala, R-18 ang dulang 3 Men On An 1sland. R-16 naman ang tatlo pang dula sa festival — Good Night, Love ni JP Lopez, Pulang Kabayo ng Tanghalang Clasico, at Laro ng PSF Workshop Participants.
PG (Parental Guidance) ang Break Room ni Zen Lizardo, at Layag ng Alpas Ensemble.
G (General Patronage) ang Signos ni Jason Chan.
PHP350 ang tiket para mapanood ang mga dula umpisa mamayang 7:00 PM.
Sa susunod na Sabado, Mayo 31, mapapanood ang walo pang dula na kalahok sa theater festival na ito.
Ang mga hurado sa paligsahan ay sina Dr. Anton Juan, Mercedes Cabral, at Soliman Cruz. Ang awards night ay sa Hunyo 3, Martes.

NOEL FERRER
Ano ang mae-expect ng mga manonood sa pagganap ni VR Relosa sa dulang 3 Men On An 1sland?
Napangiti ang VMX actor, “Todo po agad ito. Binigay lahat dito. Hindi tipid. Yung hindi nila nakikita sa Vivamax, makikita nila dito!”
Kumusta ang pakikipagtrabaho niya sa co-actors na sina Ken Intano at Fidel Redoda?
“Matagal na din po silang umaarte and ayun, sobrang natulungan din po nila ako ng basics po sa theater,” sagot ni VR.
“Kasi, hindi ko po talaga alam yung logic ng theater. Sobrang nalilito po ako. May mga decisions, may mga choices yung karakter na ang weird kapag sa film mo ginawa.
“Pero parang spot on pag sa teatro. So yung mga ganung part po, na parang kailan mo ii-insert yung comedy, ibang-iba po talaga kung paano yung treatment.
“So ayun, tinuturuan po nila ako, together with our director Johnrey Rivas na best supporting actor po sa FAMAS.
“Magagaling po yung mga nagga-guide sa akin dito, kabilang si Direk Vince Tañada po.”
Sa shooting ng maseselang eksena sa VMX projects, puwedeng ilan lang ang tao sa set. Pero sa teatro, marami ang audience.
Naiilang ba siya na may mga live na nakakapanood ng paghuhubad niya sa entablado?
“Hindi po. Actually noon pa, nung tanungin ako kung magpo-frontal ako, ang sagot ko po talaga nun, opo,” pagmamatwid ni VR.
“Naghihintay ako sa project. Gustung-gusto kong mag-frontal given na maganda po yung script.
“And dito sa nakita kong play... ahh, hindi ko na ii-spoil, pero ganun talaga, e. Nakahubad talaga yung karakter dito, e.
“Given na situation, yun talaga. So hindi po ako nahihiya.”
Ito na ba ang bagong pagkakakitaan ngayon? Live theater na, nauna pa sa Virgin Lab Fest XX: Hinog?
Ang BenTria Productions ni Eng. Benjie Austria ay may psychological play namang Walong Libong Piso, sa panulat at direksyon ni Dante Balboa.
Halinhinan sa pagganap doon sina Paolo Gumabao, Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, at Drei Arias na pawang nag-frontal nudity na sa pelikula.
Kakabugin kaya nila ang pagpo-frontal nina Ross Pesigan at Martin del Rosario sa Anino sa Likod ng Buwan?
Sabi nga, dahil medyo hindi kumikita ang pelikula, live theater na muna. At ang mala-Vivamax na panoorin, nasa stage na.
Talaga ba? Anong say ninyo?
GORGY RULA
Ngayong 2025, may competition kaya ang daring actors sa pagpo-frontal nudity sa entablado?
Napakunot-noo si VR, “Competition? Well, hindi naman po kasi ako mahilig makipag-compete. Ako po talagang nire-reserve ko lang ang frontal doon sa…
“Sabi ko nga po dati pa, sa script po talaga na nagre-require ng frontal. Ako po kasi, pinipili ko din yung mga ginagawa ko sa mga project ko.
“Kumbaga, ayoko pong maghubad nang walang sense po, na paraang biglaan na lang.
“Gusto ko po yung talagang compelled yung character na maghubad, parang ganun.”
Paano siya napasama sa 3 Men On An 1sland ng PhilStagers Foundation?
“Actually, nung lumabas po yung Lagaslas (2023) na unang film ko sa VMX, napanood po nila, 'tapos nagpi-PM na po sila sa akin,” pagtatapat ni VR.
“Nagko-congrats about the film, feedback, ganyan. 'Tapos nakakausap ko na po sila, sina Direk Vince Tañada, yung president po dito, si Johnrey Rivas.
“'Tapos nai-invite ako dito minsan para mag-judge, para sa mga ganito nila, mga festival po.
“'Tapos ayun, nakita ko, may summer workshop. E, since nagpaalam po ako sa management na hindi muna gagawa sa VMX, 'tapos nakita ko yung summer workshop.
“Since wala naman akong ginagawa, nag-try ako. Actually, hindi lang po ito. Tatlo po yung workshop na pinagsasabay-sabay ko ngayon.
“Meron din po sa weekend sa TV5, yung Chubbuck Technique naman po, kay Direk Rahyan Carlos. Nasa Advance Class na po ako ngayon. After nun, Master Class.
“Kaklase ko po si Kych Minemoto sa Advance Class. Nagsimula po kami, January po yata.
“May isa pa pong workshop. Sobrang nag-i-invest po ako ngayon sa skills ko pa. Gusto ko na yung next na pagbalik ko sa film, talagang mas magaling po ako.”
Ang huling movie ni VR sa VMX ay yung Tampipi na nag-streaming noong Abril 20, 2025.
Co-stars niya rito sina Sahara Bernales, Stephanie Raz, Jovy Angel, at Horace Mendoza.
Sa Hunyo 6, Biyernes naman ang streaming ng Pihit, kung saan co-stars ni VR sina Denise Esteban, Christy Imperial, at Angeline Aril, sa direksyon ni Sigrid Polon.
May isa pang natapos na VMX film si VR, yung Victoria’s Silver na sequel ng Selina’s Gold, sa direksyon pa rin ni Mac Alejandre.
