JERRY OLEA
Pawang gawang-Pinoy ang tatlong nanguna sa Top 10 Movies list ng Netflix Philippines noong Mayo 23, 2025, Biyernes.
Number 1 ang MMFF 2024 entry nina Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, at Chanda Romero na Espantaho aka Scarecrow.
Pangalawa ang Valentine movie nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal na Ex Ex Lovers.
At pangatlo ang 50th MMFF entry nina Francine Diaz at Seth Fedelin na My Future You.
First time na nangyari iyon this year. First time ever din ba iyon sa kasaysayan ng Netflix Philippines?

Noong Enero 2025, walang Pinoy movie na topnotcher sa Top 10 ng Netflix PH.
Ang Balota ni Marian Rivera ay number 1 noong Pebrero 1-4, 2025, samantalang ang Hello, Love, Again ng KathDen ay nasa top spot noong Pebrero 14-24, 2025.
Read: Balota ni Marian Rivera, No. 1 movie sa Netflix
Ang Sosyal Climbers ng MaThon (Maris Racal-Anthony Jennings) love team ay nanguna mula Pebrero 28 hanggang Marso 8, 2025.
Ang Guilty Pleasure ay number 1 noong Marso 13 at 14.
Noong Marso 14 ay nag-peak sa number 2 ang Crosspoint ni Carlo Aquino. First time iyon for this year na parehong likhang-Pinoy ang Top 2 movies.
Ang Sampung Utos Kay Josh ay nasa top spot noong Abril 18, Biyernes Santo hangang Abril 21.
Ang Hold Me Close na reunion movie nina Carlo Aquino at Julia Barretto ay nanguna noong Mayo 14 at 15.
Nag-number 1 ang My Future You ng FranSeth noong Mayo 17-20, na bumaba na sa pangatlo, at pang-apat na puwesto ang Hold Me Close.
Noong Mayo 21 at 22, number 1 ang Ex Ex Lovers habang number 2 ang FranSeth movie.
Nitong Mayo 23, Biyernes, for one day ay pawang Pinoy movies ang Top 3 sa Netflix PH. Nakakatuwa na nasa Top 10 pa rin ang reunion movie nina Carlo at Julia.
Ang Top 10 Movies sa Netflix Philippines ngayong Mayo 24, 2025, Sabado:
- Scarecrow
- Ex Ex Lovers
- Fear Street: Prom Queen
- My Future You
- The Devil’s Bride
- 1992
- The Woman King
- Hold Me Close
- Afraid
- Fighting
GORGY RULA
Nagulat nga ang mga taga-Espantaho na wala pang 24 hours, akyat agad sa number 1 trending ang naturang pelikula. Ang labanan nito, kung gaano siya katagal sa number 1 slot.

Kamakailan lang ay nakuha ng Espantaho aka Scarecrow ang Audience Choice Award sa Festival de Cine Fantastico Bilbao.
Ibig sabihin, nagustuhan talaga siya doon sa Spain, sa 19 films na lumaban. Alam ko, lumaban din ito sa Houston, Texas, USA. Pero wala muna itong masasalihan pang international film festival dahil nasa Netflix na ito ngayon.
Sana, tumagal itong mag-number one.
Sa Mayo 29, Huwebes ay streaming na ang pelikulang Everything About My Wife nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, at Sam Milby.
Hunyo 5 naman ang streaming ng pelikulang Uninvited nina Vilma Santos, Aga Muhlach, at Nadine Lustre.
Sabay ang streaming sa Hunyo 12 ng And The Breadwinner Is… ni Vice Ganda, at ng documentary ni Jiggy Manicad na I Love Filipino.

At sa Hunyo 19 ang streaming ng Green Bones nina Dennis Trillo at Ruru Madrid.

NOEL FERRER
Seven consecutive days nang nasa top spot ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ang Bet na based sa manga, mula Mayo 18 hanggang 24.
Nasa cast ng ten-episode Bet sina Miku Martineau, Ayo Solanke, Clara Alexandrova, Hunter Cardinal, Eve Edwards, Aviva Mongillo, Anwen O'Driscoll, Emma Elle Paterson, at Ryan Sutherland.
Sa six-episode Danish crime-thriller na Secrets We Keep, Pinay ang dalawang gumanap na au pair, sina Donna Levkovski at Excel Busano. May mga Pilipinong immigrant na nag-support sa TV series na ito.
Nagsi-see-saw pa rin ang ranking ng Incognito nina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Maris Racal, Anthony Jennings, Baron Geisler, Ian Veneracion, at Kaila Estrada.
Ang Top 10 TV Shows sa Netflix Philippines ngayong Mayo 24, 2025, Sabado:
- Bet
- Tastefully Yours
- Sirens
- Dear Hongrang
- Secrets We Keep
- American Manhunt: Osama bin Laden
- The Aristocrat’s Otherworldly Adventure
- Incognito
- Resident Playbook
- Black Out
