GORGY RULA
“Faney na faney!” tili sa akin ni Direk Gina Alajar nang nagkatinginan kami sa fan meet na I Am Song Joong-Ki: Live In Manila na in-organize ng I Am Worldwide.
Ang sikat na South Korean actor ang bagong brand ambassador ng naturang kumpanya, at bahagi ng kanilang promotion, dumating si Song Joong-Ki para sa event na ito na ginanap sa SM MOA Arena noong Sabado, Mayo 24, 2025.
Pero ang waging-wagi sa pa-fan meet ni Song Joong-Ki ay si Janice de Belen na isa talagang K-drama fan at aminadong first love niya ang naturang South Korean actor.
Sa isang segment doon sa SM MOA ay ipinakita ni Song Joong-Ki ang galing niya sa pag-arrange ng bulaklak. Nakagawa siya ng isang bouquet of flowers sa loob lamang ng tatlong minuto.

Pagkatapos nito ay namili na sila kung sino ang masuwerteng babaeng makakatanggap ng bulaklak.
Ang daming nagtayuan na sa audience, pero si Janice ang talagang wagas ang pagtili, kaya siya na ang itinuro ni Song Joong-Ki.
Binanggit pa ng South Korean actor na sa simula pa lang ay nag-eye-to-eye na raw sila ni Janice.

Sobrang kinikilig si Janice pagkaakyat ng stage na ilang beses na yumakap kay Song Joong-Ki.
Ganda-gandahan lang siya talaga nang biglang lumuhod si Song Joong-Ki at inalay sa kanya ang bulaklak.
Hindi rin magkamayaw sa sobrang tuwa ang mga manonood sa tagpong iyon. Game na game na rin naman kasi Song Joong-Ki na nakisaya sa mga fans.
Kasama ni Janice na pumunta roon ay si Ogie Diaz na siyang nagdala sa kanya roon sa SM MOA.
Kaya pinasalamatan niya si Ogie sa kanyang Instagram post.
Aniya, “OMG!!! Tonight was a super, super amazing night!! I really did not expect to be on the same stage as my crush!!! May bonus pang flowers at madaming yakap!!!
“He is my ultimate fave Korean actor!!!
“He holds a special place in my heart (naks [laugh and silly emoji]), but seriously, ‘Descendants of the Sun’ was what I started watching when our mom passed away… It helped me so much to recover from the sadness and the pain. After nun, mahal ko na siya.
“So tonight was monumental for me!!! Buti na lang hindi ako naiyak or hinimatay.
“Thank you mare! @ogie_diaz for taking me to this tonight! Alam ko wild yung jetlag mo!”
View this post on Instagram
Nagpasalamat siya kay Allen Marvin ng I Am Worldwide, sa lahat na mga nagpadala sa kanya ng pictures at videos, at higit sa lahat kay Song Joong-Ki na sobrang pinasaya ang mga Pinoy fans.

NOEL FERRER
Bukod kina Janice de Belen at Direk Gina Alajar, namataan din doon ang character actress na si Ces Quesada, Ara Davao, at ang mag-asawang Rocco Nacino at Melissa Gohing.
Faney na faney rin si Melissa na sumali sa isang game at sinabi niya kay Song Joong-Ki na nagkita na sila ng asawa niyang si Rocco sa South Korea at nagpa-picture pa sila.
View this post on Instagram
Tila natandaan naman ito ng Korean actor na nakaturo kay Rocco.
Sabi ni Rocco, nung nagkita raw sila ni Song Joong-Ki sa Busan, ipinakita pa raw niya ang picture ng Pinoy adaptation na ginawa nila sa GMA-7.
Ipinakita raw niya ang litrato ni Dingdong Dantes na gumanap bilang si Yoo Shi jin. Pero dito sa atin ay si Lucas Manalo na ang pangalan ng main character.
Pero nagulat si Song Joong-Ki nang sinabi sa kanya ang action-comedy niyang Vincenzo ang isa sa pinakasikat dito.
Tungkol nga sa Vincenzo ang mga itinanong sa isang game nila na pinahula sa fans.
Bago ang fan meet ay nagkaroon muna ng presscon si Song Joong-Ki at ang I Am Worldwide na ginanap sa Conrad Hotel nung araw ring iyon.
Nagtanong pa ito kung bakit ang Vincenzo ang pinaka-type ng mga Pinoy fans niya.
“I think I have to call my writer of Vincenzo, my director… and they have to shoot the season 2 of Vincenzo.
“Wow! I have no idea, really! Yeah! Me too, I love my Vincenzo character so much. I don’t know why?
"Because when I shot Vincenzo in Korea, I felt something like, I feel free and I really enjoyed that... and something, that I killed many bad characters,
“I was so excited. Yeah! And the comedy was very funny.
“So, I love it, too. Okay! I will call my writer. He has to write season 2. Yeah!” napangiting pakli ni Song Joong-Ki.
JERRY OLEA
Nanghinayang lang si Song Joong-Ki na sandali lang siya rito sa Maynila. Ngayong araw rin ay babalik na siya sa South Korea. Kaya hindi na siya nakakalabas para ikutin ang Maynila.
Bale pangalawang punta na niya ng Pilipinas, pero nasa Cebu lang siya noon nang magbakasyon siya roon. First time daw niya sa Manila, at sobrang natutuwa siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga kababayan natin.
Pagkagising daw niya nung Sabado ng umaga ay nakipag-video chat daw muna siya sa kanyang baby.
Gusto raw sana niyang lumabas at pumunta ng supermarket.
“Actually, I really wanted to go to a traditional market here, or a supermarket. But, you know, I couldn’t go out. But I went to the gym, and working out, and I enjoyed my breakfast,” kuwento pa niya.
Gusto raw sana niyang mapuntahan ang ilang lugar ng Maynila para maramdaman niya ang ating bansa.
Sabi pa ng kanyang interpreter, “Yung mga lugar na may supermarket, yung mga places that Filipino locals really go on a daily basis. Those are the places that he really wants to look around.
"Mga market, the local restaurants that he can feel that he’s in the local places. That’s the thing that he really prefers when he’s going around the country.
“Due to the short period of time that he has here in the Philippines. He won’t be able to make that kind of work. But the next time he comes back to the Philippines, he really wants to pursue that kind of schedule and tour schedule for his visit in Manila.”
Bago natapos ang show ay nangako si Song Joong-Ki na babalik siya ng Pilipinas para magbakasyon dito kasama ang kanyang pamilya nang matagal-tagal.
