Ika-40 araw matapos pumanaw ni Superstar at National Artist Nora Aunor itong Mayo 25, 2025, Linggo.
Kaugnay rito ay nagkaroon ng special screening ang tribute film na Faney, sa micro cinema ng Victoria Sports Tower sa EDSA, Quezon City.
Bago ang screening ay nag-alay muna ng panalangin para kay Ate Guy.
After the screening ay nagkaroon ng Q&A with Laurice Guillen, Althea Ablan, and Angeli Bayani na tampok sa Faney.
Panelists-moderators sina Direk Adolf Alix Jr. at producer RS Francisco.
“First time ko ito mapanood. Wala kasi ako noong birthday ni Guy. So, mabuti naman, nagkaroon ng another special screening kasama kayo,” sabi ng title-roler na si Laurice.
“So, I was finally able to see it. So, first time ko rin. Medyo inaano ko pa, ina-absorb ko pa.”
Read: Laurice Guillen, reluctant tanggapin ang role bilang Nora fan

LAURICE GUILLEN ON PLAYING A NORANIAN
Sa first shooting day ng Faney noong Mayo 12 sa Antipolo City, nagsabi na si Laurice na hindi siya makaka-attend sa May 21 screening ng Faney sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
May prior commitment si Laurice sa Butuan City para sa special screening ng pelikula niyang Guardia de Honor na idinirek ni Jay Altarejos.
Ang representative ni Laurice sa Gateway screening ng Faney ay ang daughter niyang si Ina Feleo.
Sa pelikulang Faney, gumanap si Laurice bilang loyal Noranian na kung tawagin ay Lola Bona.
Nakipag-away si Lola Bona sa isang Vilmanian na tinawag si Nora na "Orang, pangit, at laos."
Nag-dialogue kapagkuwan si Lola Bona, “Yung idolo naman nila, hindi National Artist.”
Paano naka-relate si Laurice sa damdamin ng Noranians? Paano niya pinaghandaan ang karakter ni Lola Bona?
“Hindi ako yung faney. Hindi ako yung katulad ng mga fans ni Nora, not even ni Vilma [Santos],” pagmamatuwid ni Laurice.
“Yung mga Noranian talaga yung mga hardcore. Meron akong mga hinahangaan din, pati mga artista.
“Pero hindi sa extent na ginagawa ng mga Noranians na talagang nandoon sila for Guy anytime.
“So, paano ko pinaghandaan? Siyempre, alam ko lang yang fans dahil pag pelikula ni Guy, talagang ano… especially in the early days... kumikita lahat ng pelikula kahit ano.
“Di ba, nabanggit ko sa movie, yung kanilang Guy and Pip [1971], umabot ng six months [na showing sa New Frontier Theater]?
“May ganun bang pelikula ngayon? Wala. Unheard of.
“So, sabi ko kay Adolf, parang… doon ako nagkaroon ng, ‘Paano ko magampanan ito?’ Kasi, hindi ko alam ang experience nila.
“So, through Adolf naman, may mga ipinakilala siya sa akin na tatlong Noranians na kasama namin doon sa mga eksena.
“Nagpakuwento lang ako nang nagpakuwento tungkol sa buhay nila bilang fans…
“Kasi, importante sa akin maintindihan, marinig sa kanila, kung ano yung mga pinaggagawa nila. Kung ano ang ginawa nila para kay Guy, alang-alang sa kanya.
“Everything, including yung kuwento na pinapasok nila ni Baby K. [Jimenez] sa kuwarto na doon natutulog si Guy, isa-isa silang pinapasok para panoorin lang si Guy na natutulog.
“Yung mga ganun. Andami pang mga istorya na ikinuwento nila, nandoon kami sa tent, nagkukuwento…
“Doon ko umpisang naipasok ang sarili ko sa mundo nila, sa puso nila. Dahil sa kung ano ang ginawa nila — kung ako yun, at ginawa ko iyun, doon ko umpisang maintindihan.
“Dahil doon ko lang nalaman kung anong extent nung mga ginawa nila.”
Related Stories:
- Urban Legends Part 1: Nora Aunor's fling with Don Johnson
- Urban Legends Part 2: Nora Aunor's Lucky 12 & Operation: Kumbento
- Urban Legends Part 3: Nora Aunor, the Superstar Phenomenon
NORA AUNOR AS A CO-STAR
Naging co-star ni Laurice si Nora sa “Caridad” episode ng 1974 trilogy film na Fe, Esperanza, Caridad.
Ang nasabing episode ay idinirek ni National Artist Gerardo de Leon. Parehong madre ang papel doon nina Nora at Laurice.

Pagbabalik-tanaw ni Laurice: “Yun yung time na… ang kontrata yata ni Guy, kay Temyong Marquez pa, e. Yung unang-una…
“Sa isang araw, ilang pelikula ang sinu-shoot niya sabay-sabay.
"So, ang eksena namin sa Fe, Esperanza, Caridad, yung Caridad na portion, doon namin ginawa sa Taal. Sa bayan ng Taal, yung simbahan doon na malaki.
“Tapos si Manong Gerry de Leon, siya mismo ang nag-iilaw, at siya mismo ang nagde-decorate. Ang call time namin…
“First time ko iyon na ano, wala pa akong sasakyan. Sumakay lang ako sa service. So, kasama ko lahat.
“Nandoon kami sa courtyard ng simbahan. Iniilawan na, kasi alas kuwatro [ng hapon] kami magsisimula. Yung dapithapon, yun ang hinahabol niya.
“Tapos nagpausok na siya. Yung dahon, inilalagay sa lata ng biscuit. Wala pa yung mga smoke machine noon, ganun.
“Naku! Alas kuwatro, alas singko, alas nuwebe, wala pa rin si Guy. Hindi pa dumarating.
“Ito yung mga panahon na hirap siyang makarating sa mga schedules niya.
“Mangyari, maintindihan mo… she was so in demand all of a sudden when she started.
“So, alam niyo kung anong oras namin na-shoot? Nag-shoot kami sa loob na ng simbahan, alas kuwatro ng madaling-araw siya dumating. Dun kami nag-shooting.
“Pero si Guy, pagdating dun, walang fuss. Simple lang, hindi masalita. Wala siyang ano.
“Pagdating dun, o, eto ang eksena. Sige, go, shoot. Take 1, take 1. Tapos hindi kami nag-uusap.
“Si Guy yung tipong nababasa niya ang tao, e. Nababasa niya kung ito, kahit hindi muna kayo nag-uusap, close na kayo.
“Mga taong katulad kong tahimik, tahimik din siya. Pinapakiramdaman niya. So, ganun kami. Hindi kami nag-uusap.
“Pakiramdaman kaming dalawa. Pero ang husay niya!”
Read: Mga di malilimutang kaganapan sa pagpanaw ni Nora Aunor
UNTOLD STORIES ABOUT THE SUPERSTAR
Andaming kuwento kung gaano ka-generous si Nora sa mga tao. Marami pang kuwento ang hindi napapag-usapan tungkol sa Superstar.
Pahayag ni Laurice: “Maliit lang ang mundo ng pelikula. Tahimik siya na tao. Tahimik siya, simple lang. Mahusay siyang makiramdam.
“So, akala niyo, nag-uusap kayo nang matagal, it’s just that nababasa na niya kayo. So you feel right away comfortable if she wants you to be comfortable.
“So, hindi sa ano, itong mga huling story na pag natanggap niya yung kanyang sahod for the day, magpapa-contest na yan.
“Sino ang makakasagot ng tama, o, may isang libo, may PHP500, may PHP200. Ubos yung kanyang hawak na pera.
“Pero hindi lang yun. Hindi lang dun sa ganun ang attraction ni Guy, ng tao kay Guy.
“Yung ano talaga, she makes you feel, gaya nga ng sinabi ng karakter ko dito, she makes you feel like family. Parang matagal na kayong magkakilala.
“So, yun, it’s not all the ano, it’s not all money. But she makes you feel, you know, yun bang klase ng tao na hindi siya snob. Na yung bahay niya, hindi ka puwedeng pumasok.
“E, yun ngang makakapasok ka sa kuwarto, panoorin mo siya habang natutulog siya, di ba? Ano pang tawag mo dun?
“Pero ang hindi pa siguro napapag-usapan, kasi as you’ve said, she’s very complex — andaming lalaking nahumaling sa kanya!
“Hindi ko na ikukuwento. Ganun, kasi yun nga, ke babae, ke lalaki, ang lakas ng attraction, magnet ni Guy.”
Siyanga pala, inayos ang subtitles ng Faney para sa May 25 screening nito sa Victor Sports Tower.
Maliban sa Noranians, dumalo rin sa naturang screening sina Mercedes Cabral, Jo Berry, Elora Españo, Bilib, Kych Minemoto, Elyson de Dios, at Joel Saracho.
Dumaan doon si Joem Bascon at nagbigay ng gift kay Laurice.

Related Stories:
