PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Althea Ablan, nanghihinayang na di nakatrabaho si Nora Aunor

Althea Ablan, dalawang beses nang napanood ang Faney.
by PEP Troika
Published May 27, 2025
althea ablan nora aunor faney
Althea Ablan on what she knows about the late Nora Aunor: "Sa mga artista po ngayon, talagang iba po siyang mag-alaga. Tulad nga po ng narinig ko, Miss Nora daw po kapag nasa taping, pinapapila niya daw po lahat ng tao. Tapos naglalabas siya ng wallet or kung ano man po para lang po may maiabot sa mga nagmamahal sa kanya."
PHOTO/S: Jerry Olea / GMA Network

JERRY OLEA

Present si Althea Ablan sa premiere screening ng tribute film na Faney noong Mayo 21, 2025, Miyerkules, sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

Gumanap si Althea sa Faney bilang apo sa tuhod ni Lola Bona (Laurice Guillen).

Itinaon sa kaarawan ni Superstar at National Artist Nora Aunor ang premiere ng tribute film sa kanya na Faney.

Kaugnay sa ika-40 araw ng pagpanaw ni Nora, nagkaroon ng special screening ang Faney noong Mayo 25, Linggo ng hapon, sa Victoria Sports Tower, EDSA, QC.

Andoon muli si Althea, pati co-stars na sina Direk Laurice at Angeli Bayani na absent sa Faney premiere sa Gateway Mall.

Read: Gina Alajar, nagbigay-pugay kay Nora Aunor sa pamamagitan ng tula

ALTHEA ABLAN ON FANEY

Anong naramdaman ni Althea while watching Faney for the second time?

Pahayag ni Althea: “Sa mga hindi po nakakaalam, this is my first film po kaya laking pasasalamat ko po kay Direk Adolf [Alix Jr.], kay Sir RS [Francisco], at sa mga veteran po na kasama ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa totoo lang po, hindi ko rin po alam kung ano po ang dapat kong maramdaman.

“Nung unang beses ko po itong napanood, speechless po ako. At ngayon, pangalawa, hindi ko pa rin po alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

“Gaya nga po ng sabi ni Direk Laurice kanina, ibang-iba po talaga si Miss Nora Aunor.

“Sa mga artista po ngayon, talagang iba po siyang mag-alaga. Tulad nga po ng narinig ko, Miss Nora daw po kapag nasa taping, pinapapila niya daw po lahat ng tao.

“Tapos naglalabas siya ng wallet or kung ano man po para lang po may maiabot sa mga nagmamahal sa kanya.

“So, ayun din po, pagmamahal ang natutunan ko sa film na ito. At laking pasasalamat din po ako sa lahat ng sumusuporta sa akin.

“Kung wala po sila, wala rin kami dito. At hindi po namin gagalingan kung hindi dahil din sa kanila.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Althea Ablan, nakipagtagisan kina Laurice Guillen at Gina Alajar

GORGY RULA

Kagaya ng karakter niya sa pelikulang Faney, hindi na-meet o nakatrabaho ni Althea Ablan si Nora Aunor.

“Nakakalungkot po siyempre na hindi ko man lang siya naabutan,” sabi ng 20-anyos na si Althea, na isa sa tatlong bida noon ng Kapuso drama series na Prima Donnas.

“Hindi man lang po ako nakahingi ng advice sa kanya. Dahil iyon po yung number one ko talagang nilu-look forward sa mga veteran po na naka-work ko na.

“Yung advice na maibibigay nila sa akin na magagamit ko po in the future, or yung ngayon po.”

Huwaran siyempre ang artistry ni Nora. Ano naman ang kayang iambag ni Althea?

Malumanay na sabi ni Althea: “Basta ako po, kilala ko yung sarili ko. Alam ko po kung ano yung gusto kong matupad para sa sarili ko at para sa pamilya ko.”

Ano ang aral na natutunan niya kay Ate Guy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Base po sa napanood ko sa film, at during din po sinu-shoot namin itong film, tama po yung sinabi ng karakter ko doon,” tugon ni Althea.

“Na hindi lang po siya isang magaling na artista kundi siya po ay mabuting tao. May mabuting puso.

“Kaya hanggang ngayon, sinusuportahan pa rin siya ng mga Noranians.”

Ang Faney ay idinirek ni Adolf Alix Jr.

Nasa cast din nito sina Gina Alajar, Ian de Leon, Bembol Roco, Perla Bautista, Bilib, at Atty. Aldwin Alegre.

Prinodyus ito ng Frontrow Entertainment, Intele Builders, Noble Wolf, at AQ Films.

Read: Faney special screening, itataon sa birthday ni Nora Aunor

NOEL FERRER

May iba pa bang screenings ang pelikulang Faney? Meron ba itong commercial release sa mga sinehan?

Sagot ni RS Francisco na isa sa producers ng tribute film: “After ng screening na ito, wala pa talagang concrete plans because uupo pa kami ni Direk Adolf along with Intele Builders and AQ Films kung ano ang plano natin para dito sa Faney.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero sinasabi nga namin ni Direk Adolf, gusto ko itong ipalabas sa hometown siguro ng ating Superstar.

“Kasi doon talaga para mag-full circle. Makita ng mga taga-Iriga kung anong klase talaga yung pagmamahal na ibinigay ng buong mundo sa kanya.

“So, ipagdasal natin, na kung ano man, kung saan man dalhin ang pelikulang ito, hindi pa namin alam.”

Noong Abril 21, Lunes na huling gabi ng lamay kay Ate Guy sa Heritage Memorial Park sa Taguig City, nagkaroon ng vigil sa Plaza Rizal ng Iriga City, Camarines Sur.

Pinangunahan iyon ni Mayor Wilfredo Rex Oliva.

Dalawang pelikula ni Nora Aunor na idinirek ni Afolf Alix Jr. ang hindi pa naipapalabas sa local cinemas — ang Kontrabida at Laro.

Noong Mayo 20, Martes, bisperas ng kaarawan ni Ate Guy, ipinost ng Ovation Productions sa Facebook na coming soon na ang Kontrabida.

Read: Lotlot de Leon, through her lawyer, appeals for privacy and respect

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Althea Ablan on what she knows about the late Nora Aunor: "Sa mga artista po ngayon, talagang iba po siyang mag-alaga. Tulad nga po ng narinig ko, Miss Nora daw po kapag nasa taping, pinapapila niya daw po lahat ng tao. Tapos naglalabas siya ng wallet or kung ano man po para lang po may maiabot sa mga nagmamahal sa kanya."
PHOTO/S: Jerry Olea / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results