PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alex Castro, nag-react sa mga artistang natalo sa 2025 elections

Alex Castro, landslide ang pagkapanalong muli bilang Bulacan vice-governor.
by PEP Troika
Published May 28, 2025
alex castro bulacan vice governor
Bulacan Vice-Governor Alex Castro on celebrities who are running for public office: “Maraming gustong tumakbo dahil pag tinanong mo, anong dahilan, gusto lang tumulong... So, maganda na kahit papaano ay alam mo yung trabaho. Hindi lang basta tumulong. Kasi lahat naman tayo, puwedeng tumulong kahit hindi tayo nakaupo.”
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Landslide winner ang aktor na si Alex Castro bilang vice-governor ng lalawigan ng Bulacan sa nakaraang 2025 elections.

Humamig siya ng 1,360,020 boto. Mahigit isang milyong boto ang lamang niya sa pumangalawa.

Siyempre, lubos ang pasasalamat ni Alex sa mga kababayang Bulakenyo sa pagtitiwala sa kanya, pati na sa katuwang niyang si Governor Daniel Fernando, na landslide winner din sa re-election bid nito.

Ito ang ikalawang termino ni Alex bilang vice-governor ng Bulacan.

Read: How did celebrities fare in the 2025 elections?

“Lahat ng mga pangarap natin sa ating lalawigan ay pagagandahin pa natin,” sabi ni Alex sa launch ng Majeskin skincare products noong Biyernes, Mayo 23, 2025, sa Incanta Cave Bar and Restaurant, Sct. Limbaga St., Quezon City.

“Ipagpapatuloy natin yung good governance, yung dedication sa trabaho. At yung botong ibinigay ninyo sa akin, hindi ko maipaliwanag yung saya.

“Dahil gumawa tayo ng history. Yung ibinigay ninyong boto sa akin, yun ang pinakamalaking boto sa history ng Bulacan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At noong panahon ng eleksyon, tayo ang pinakamalaking nakakuha ng boto sa Pilipinas para sa vice-governor.

“Kaya talagang kailangan ay suklian natin ito ng tapat na serbisyo at pagmamahal sa lalawigan ng Bulacan.”

alex castro votes

ALEX CASTRO ON HIS SHOWBIZ CAREER

Magpapaka-active pa ba siya sa showbiz?

“Siguro hindi na siya ganun ka-priority sa akin. Lalo na ngayon, nung nag-vice-governor ako,” tugon ni Alex.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nung board member pa ako, nakakapagteleserye pa ako, e.

"Pero nung nag-vice-governor ako — pangalawang ama ka kasi — so siyempre pag busy ang ama, yung pangalawa ang laging hinahanap.

“At yung dedication talaga natin, ayaw ko kasi na parang magpapakita ka lang dahil mag-eeleksyon.

“O kaya sasabihin, ‘Mas nakikita ka namin sa TV kaysa personal, e!’”

DANIEL FERNANDO-ALEX CASTRO TANDEM IN BULACAN

Kumusta ang tandem nila ni Governor Daniel? Noon pa sila magkasangga at magkatuwang.

“Solid na solid yung samahan naming dalawa. Kasi, unang-una, siguro ang isa sa common denominator namin, galing kaming showbiz,” saad ni Alex.

“So, yung work ethic ng isang nasa showbiz, kahit puyatan yan, laban yan, e!

“At the same time, na-convert namin yung sarili namin, hindi lang artista kundi yung public servant talaga.

“Siguro kasi kami yung mga artista na nasabak sa pulitika na nagsimula sa pinakamababa.

“Tulad ko po, nagsimula akong SK chairman. Naging konsehal po ako ng bayan, naging board member po ako hanggang sa umabot po akong vice-governor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ganun din po si Governor Daniel, natapat lang na naging artista kami. Pero talagang siguro binigay sa amin ng Panginoon na maging servant kami ng lalawigan ng Bulacan.

“Kaya kaming dalawa, maayos po yung samahan namin, at nagtutulungan yung executive at legislative.”

Read: Vice Governor Alex Castro has no problem with wife Sunshine Garcia's sexy image

daniel fernando alex castro bulacan
Daniel Fernando and Alex Castro both won in their re-election bid as Bulacan governor and vice-governor, respectively.
Photo/s: Alex Castro Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Nitong nakaraang eleksyon, maraming artista ang tumakbo agad sa mataas na posisyon kahit wala pang karanasan sa public service.

Ang dami sa kanila na "Lotlot and Friends" afterwards.

Read: Celebrities who lost in 2025 elections concede defeat

“Siguro talagang ang public service ay sana huwag nating masyadong maliitin yung tingin,” reaksiyon ni Alex.

“Dahil ang gobyerno… dahil kailangan talaga ito, totoo, kailangan talaga ng experience.

“Maraming gustong tumakbo dahil pag tinanong mo, anong dahilan, gusto lang tumulong.

“Pero hindi nila alam, ano ba ang function ng isang konsehal? Ano ba ang function ng isang mayor, ng vice-mayor, ng congressman?

“Kasi may kanya-kanyang function yan, e.

"So, kung ikaw ay legislator, dapat may alam ka kahit papaano, nag-aral ka. O hindi ka man abogado, may knowledge ka as a legislator.

“Kung ikaw naman ay mayor, kailangan meron kang kahit papaanong alam sa pagpapatakbo ng isang bayan, o ng isang siyudad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, maganda na kahit papaano ay alam mo yung trabaho. Hindi lang basta tumulong.

"Kasi lahat naman tayo, puwedeng tumulong kahit hindi tayo nakaupo.”

ELECTION 2025 YOUNG VOTERS

Sabi-sabi, nitong nakaraang eleksyon ay aktibo talaga ang young voters. Nagpakitang-lakas sila sa pagpili ng mga kandidato.

“Ngayon siguro, ang nakita natin nitong eleksyon, nag-isip talaga yung taumbayan ng iboboto,” sabi ng 39-anyos na si Alex.

“Hindi lang kung sino yung sikat. Hindi lang kung sino yung napapanood sa TV. Hindi lang kung sino yung makapangyarihan, kung sino lang yung may pera.

“Hindi naman 100 percent, pero andoon na tayo sa level na naitataas na ng antas ng mga botante yung pagpili nila sa mga iboboto nila.

“At sabi nga, nasa mga Gen Z, millennials, sila na yung majority. Forty-five percent ng voters natin sa buong Pilipinas ay mga Gen Z at millennials.

“Siguro yun ang mga edad namin… May mga kahit papaano, nagba-background check na. Tinitingnan na, ano ba talaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ano ba ito? Ano ba ang nagawa nito? Ano ba ang qualification nito? Bakit tatakbo ito ng ganito?

“Tapos tulong din diyan yung social media. Dati kasi, nakikita lang natin, polyetos, pero hindi natin nakikita yung personal nung tao, o yung background niya.

“Pero the way siyang kausapin, interbyuhin — lalo na sa Senate, ha?! Talagang tiningnan… and they’re looking for good governance.

“Nakita ko talaga, ang mga tao ngayon, hindi lang yung traditional ang hinahanap nila. Gusto nila yung bago at yung may puso sa good governance.”

Read: UPDATED Iba pang celebs na nanalo at natalo sa 2025 elections

NOEL FERRER

Bilang artista, ano ang pakiramdam niya na maraming artista, celebrity o kilalang personalidad, ang natalo sa nakaraang eleksyon? Malalaking pangalan yung iba, ha?!

Natigilan muna si Alex Castro bago sumagot.

Saad niya: “Lahat naman talaga, pag ikaw ay tumakbo, hindi naman laging panalo.

“Ako po, naranasan ko na ring matalo. So, tingin ko, kung natalo ka man ngayon, maaaring meron pang kulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Or maaaring may plano ang Diyos para sa inyong lahat. So, ito naman ay hiram lang natin sa taumbayan. Hindi naman atin ito forever.

“So, merong mga pamilya na gusto, kanila lahat, pero sa mga showbiz friends natin na sumubok, siguro ito yung parang baka kasi, naisip lang nilang tumakbo nitong magpa-file pa lang ng candidacy.

“Kasi kailangan may preparation. Saka talagang ang puso mo talaga, ilalagay mo diyan. Maybe hindi ito yung time para sa inyo.

“Baka sa susunod na panahon. Mapag-aralan niyo pang mabuti at maipakita niyo sa tao na deserving kayo.”

Mga ilang artista o celebrity ang ibinoto niyang senador? Dalawa, tatlo, apat, more?

Ngumiti si Alex: “Parang hindi ko mabilang, e. Ha! Ha! Ha!

"Hindi malaman kung meron o wala. Pero hindi ko mabilang. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Read: Full roster of elected senators in the 2025 PH midterm elections

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bulacan Vice-Governor Alex Castro on celebrities who are running for public office: “Maraming gustong tumakbo dahil pag tinanong mo, anong dahilan, gusto lang tumulong... So, maganda na kahit papaano ay alam mo yung trabaho. Hindi lang basta tumulong. Kasi lahat naman tayo, puwedeng tumulong kahit hindi tayo nakaupo.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results