PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban, made-"devirginize" na sa teatro

Angelica Panganiban, paano napapayag mag-teatro?
by PEP Troika
Published May 29, 2025
angelica panganiban virgin labfest
Actress Angelica Panganiban gets a taste of theater via Don't Meow For Me, Catriona, one of the featured plays in Virgin Lab Fest XX: Hinog.
PHOTO/S: Virgin Labfest / Jerry Olea

JERRY OLEA

Malapit nang ma-"devirginize" si Angelica Panganiban-Homan sa teatro.

Tampok si Angelica sa one-act play na Don’t Meow For Me, Catriona, isa sa labindalawang bagong dula na handog ng Virgin Lab Fest XX: Hinog.

Ang synopsis ng dula: “At a nearly empty bus terminal in Cubao during the pandemic, a daughter waits with her elderly mother for a bus bound for Bicol.

“After years of caring for her mother alone, she has decided it’s time to finally pursue her own dreams.

“But as the bus refuses to arrive, they are forced to confront old wounds, unspoken regrets, and the complicated weight of familial love that binds — and sometimes breaks — families.”

Unang itatanghal ang dula sa Hunyo 14, 2025, Sabado ng 2:00 P.M. at 8:00 P.M., sa CCP Black Box Theater, o Tanghalang Ignacio Gimenez, sa Pasay City.

Read: Ricky Lee, nagulat sa theatrical adaptation ng Para Kay B

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGELICA PANGANIBAN TRIES THEATER FOR THE FIRST TIME

Instrumental ang kaibigan ni Angelica na si Direk Andoy Ranay para makasabak ang aktres sa entablado.

Artista rin si Direk Andoy sa Virgin Lab Fest XX (VLFXX). Kasama naman siya sa cast ng dulang Presidential Suite #2.

presidential suite #2

Pagsisiwalat ni Direk Andoy sa mediacon ng VLFXX nitong Mayo 28, Miyerkules, sa CCP Black Box Theater: “Ako ang nagsabi kay Marco Viaña, yung festival director, na if they want to ask Angelica Panganiban to do any play na puwede sa kanya for VLF [Virgin Lab Fest].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi naman ni Marco sa akin, ‘Sure, meron. Sige. Ipapadala ko sa iyo.’ Tapos nagkita kami sa play, sa Tatlong Upuan.

“Ipinakilala ko si Angelica at si Marco. Ganito lang ang tanong ni Marco: ‘Hi, Miss Angelica, ako si Marco, festival director ng VLF. Puwede po ba kayong umarte sa VLF?’

“Sabi ni Angelica, ‘Sure.’ Ganun lang. And the rest is history.”

Ang mga taga-VLF ang pumili ng assignment para sa mga artista kung saang dula sila bagay.

Maging yung cast ng Presidential Suite #2 ay hindi raw nag-audition, at handpicked para sa kani-kanyang papel.

Inamin ni Angelica na matagal na nitong dini-discuss kay Direk Andoy na gusto niyang mag-workshop.

Pahayag ni Angelica: “Parang hindi ko alam kung anong gagawin ko talaga once na nag-decide na ako na, OK, sige, babalik na ako sa acting.

“But of course, isa yon, mag-workshop pa ako or gusto ko talagang ma-try yung mundo ng theater.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Alam ko yung hard work na ginagawa niya, of course, kasi alam ko naman dahil theater actor si Direk Andoy.

“May mga kaibigan tayo na talagang sanay na sanay gawin ito. And lagi akong, kumbaga, talagang ina-admire ko yung galing at husay ng mga theater actors.

“So, nung nabigyan nga ng opportunity, tinanong lang din ako ni Sir Marco. Nilapitan niya ako habang nanonood kami ng isang play.

“Sabi nga niya ay kung gusto kong mag-VLF. Sumagot din lang ako, ‘Sure!’ — nang hindi ko alam yung ‘Sure!’ na iyon, kung sure ba ako.

“And then after siguro a week, pinadalhan na ako ni Direk Andoy ng script. And lahat ng ito, siya talaga ang tumulong.

“And of course, dahil galing sa kanya, mas naging confident ako na alam kong hindi niya ipapadala sa akin yung script nang hindi niya, kumbaga, naimbestigahan lahat.

“Sino ba ang makakatrabaho ko, sino ang artista, sino ang direktor, sino yung playwright and everything. Kailan yan? Ilang araw ang shows?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, nung lahat ng iyon, sinabi niya sa akin, kinabahan ako. Kasi parang nakita ko, ‘Oh gosh! Parang gusto ko, parang kaya ko.’

“And then, eto na nga ako ngayon.”

Nang i-request namin kina Angelica at Direk Andoy na kunan ng litrato na magkasama silang dalawa lamang, ang sabi ni Direk Andoy ay nai-insecure siya dahil naso-sold out na yung set na kasama ang Don’t Meow For Me, Catriona.

Read: Angelica Panganiban reveals fight against bone disease; details painful ordeal during treatments

andoy ranay angelica panganiban virgin labfest
Andoy Ranay and Angelica Panganiban are featured in the plays Presidential Suite #2 and Don't Meow For Me, Catriona, respectively.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Tatlong linggo ang Virgin Lab Fest XX: Hinog, mula Hunyo 11 hanggang 29, 2025.

Bawat dula sa VLF ay may anim na pagtatanghal, dalawang performance bawat linggo.

Ang co-star ni Angelica Panganiban-Homan sa Don’t Meow For Me, Catriona ay ang beteranang si Peewee O’Hara.

Ang playwright ay si Ryan Machado, at ang direktor ay si Toni Go-Yadao.

don't meow for me catriona
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGELICA PANGANIBAN ON TAKING THE CHANCE

Ano ang nag-udyok kay Angelica para mag-teatro?

“I really wanted to explore. Gusto ko talagang palakihin at, kumbaga, gusto kong subukan lahat,” tugon ni Angelica.

“Ayokong tumigil na meron akong palaging malaking question mark, na what if gawin ko ito, and then lumipas na lang lahat ng mga gusto kong gawin, tapos babalikan ko yung sarili ko na may regrets.

“Na parang, ‘Sayang, no, kung inoohan ko yung mga chances na iyon, di sana, sana, wala akong mararamdamang ganito,’ di ba?”

What if hindi si Direk Andoy Ranay ang nag-push sa kanya na mag-VLF, o mag-teatro?

Mabilis na sagot ni Angelica: “Babalik pa rin ako kay Direk Andoy at magtatanong ako sa kanya na, ‘Ano sa tingin mo?’ Di ba?

“Isa talaga siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.”

At isa si Angelica sa mga mahal nating artista.

Nang malaman kong sasabak na siya sa pag-arte sa teatro, minessage ko talaga siya at sinabing susuportahan ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayun, reserved na ang VLF season pass ko for the closing weekend with Delia D herself, Phi Palmos!

Read: Delia D. musical, nangangagat at nanunuot sa puso at diwa

GORGY RULA

Sa shooting ng pelikula o taping ng TV show, puwedeng mag-Take 2 at ulit-ulitin ang eksena. Pero sa entablado, tuluy-tuloy ang performance ng artista.

“Well, of course, kung galing ka naman talaga ng TV, medyo doon ka unang kakabahan, di ba?” sabi ni Angelica Panganiban-Homan.

“Na paano pag nagkamali ka? Since wala naman talaga akong background. Hindi naman ako talaga nag-aral ng mundo ng theater.

“Siyempre sila, may mga experiences talaga, basic o major. Ako, zero!”

Kumusta ang unang araw ng rehearsal niya para sa dulang Don’t Meow For Me, Catriona?

“Well, nung mga first two days ng rehearsals, paulit-ulit kong dina-doubt yung sarili ko,” saad ni Angelica.

“Na bakit ko siya pinasok pa? Bakit ko siya ginawa? Kaya ko ba talaga? But of course, lahat ng iyon, sinasabi ko sa buong team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Like kay Tita Peewee. Sinasabi ko sa direktor namin, kay Direk Toni, na eto yung mga struggles ko.

“And of course, very helpful sila para ma-overcome ko lahat ng fears ko.”

Paano siya sinuportahan ni Peewee O’Hara?

“Very collaborative kasi yung experience talaga namin in every rehearsal day na meron kami,” lahad ni Angelica.

“So, mga simpleng batuhan ng mga ideas, suggestions, doon pa lang, busog na busog na ako. Marami na talaga akong natututunan.

“And minsan kapag meron akong mga feeling ko, hindi ko mararating na emotions, lagi siyang nandiyan na, ‘What if ganito ko gawin, mas mararamdaman mo ba?’

“So, ano pala siya, talaga palang work of art. Work of art ang paggawa ng isang teatro.”

Maliban kina Angelica, Peewee, at Direk Andoy Ranay, bahagi rin ng VLFXX: Hinog sina Mosang, DMs Boongaling, Donna Cariaga, Raf Pineda, Bibeth Orteza, Jamie Wilson, Sherry Lara, at Elora Españo.

Read: Ross Pesigan, ipinaglaban ang frontal nudity sa Anino Sa Likod ng Buwan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
virgin labfest hinog
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Angelica Panganiban gets a taste of theater via Don't Meow For Me, Catriona, one of the featured plays in Virgin Lab Fest XX: Hinog.
PHOTO/S: Virgin Labfest / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results