PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bianca Umali, nag-iwan ng marka sa PBB bilang houseguest

Bianca Umali, "isinama" ang namayapang ina sa loob ng Bahay Ni Kuya.
by PEP Troika
Published May 30, 2025
bianca umali pbb
Bianca Umali on her three-day stay inside the PBB house: “Hindi ko akalain na magiging ganun kaganda yung pinagdaanan ko dun, yung adventure ko doon. And I was so happy all the more na I was able to do it for my mom. It was a dream come true not for myself, not just for myself, but for my mom.”
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Tatlong araw lang si Bianca Umali sa loob ng Bahay ni Kuya, pero nagpakita siya ng magandang impression sa housemates, pati na rin sa masusugid na sumusubaybay sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab.

Nakaka-touch ang kuwento ni Bianca pagpasok niya sa confession room.

Nagpasalamat ang Kapuso actress na naimbitahan siyang maging houseguest dahil iniaalay raw niya ito sa namayapa niyang ina, na avid fan ng reality show.

Sabi ni Bianca, noong nabubuhay pa ang mommy niya at nakaratay ito dahil sa breast cancer, palagi nitong pinapanood ang PBB.

Ipinakita pa ni Bianca ang litrato nilang mag-ina na baon niya pagpasok sa Bahay Ni Kuya.

Read: PBB Celebrity Collab: 10 housemates nominated for eviction

BIANCA UMALI "BRINGS" LATE MOTHER TO PBB HOUSE

Sabi ng aktres kay Kuya, “Ang mommy ko po, mula po Season 1, mahal na mahal po niya yung programa niyo. Mahal po niya ang bahay niyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Limang taong gulang lamang si Bianca nang pumanaw ang kanyang ina.

“In the duration of her breast-cancer journey, kayo po ang kaligayahan niya.

“Gusto ko rin po iparating sa inyo, Kuya, na nung wake po ng mommy ko, sobrang mahal po niya yung show niyo...

“Yung AVP po na ginawa po para sa memories niya, ang theme song po ay ang theme song niyo, yung 'Pinoy Ako.'

“Kaya excited po ako kasi po yung experience na ito ay para sa kanya,” maluha-luhang pahayag ni Bianca bago siya pumasok sa loob mismo ng bahay ni Kuya upang makilala ang housemates.

Hindi rin napigilang maging emotional ni Bianca bago siya lumabas ng bahay dahil niregaluhan siya ni Kuya ng nameplate na may nakasulat na pangalan ng kanyang pumanaw na ina, "May."

May pirma rin ito ni Big Brother.

Nagpasalamat si Bianca dahil nararamdaman niyang sobrang saya ng mommy niya na naging bahagi ito ng Bahay Ni Kuya kahit wala na ito sa mundo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Ralph de Leon, Charlie Fleming officially back as PBB housemates

bianca umali pbb
Bianca Umali gets emotional while holding her old photo with her late mother and the nameplate bearing her mother's name, May.
Photo/s: GMA Network

JERRY OLEA

Nag-post si Bianca Umali sa Facebook paglabas niya ng Bahay Ni Kuya.

Caption niya: “My #PBBCollab story — pumasok ng mag-isa, lumabas ng may ka-duo: B & May. Nakakakilig.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinili ni Bianca na "B" ang itawag sa kanya ng housemates dahil may dalawa pang Bianca sa PBB — ang host na si Bianca Gonzalez at ang housemate na si Bianca de Vera.

Sabi pa ni Bianca Umali sa kanyang FB post: “Mga Kapuso at mga Kapamilya, maraming salamat po sa mainit na pagtanggap ninyo sa amin ng mommy ko inside the Pinoy Big Brother house.

“Kuya, mahal ka po namin. Grabe ka po opo!!!”

Read: Bianca Umali, sinorpresa ng lola niyang nagpalaki sa kanya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MONEY ROLL TASK

Bagamat maikli lamang ang naging stay niya sa loob ng Bahay Ni Kuya, napalapit agad si Bianca sa housemates dahil napaka-genuine ng pakikitungo niya sa mga ito.

Malaki ang naitulong niya sa isang task na money roll para makaipon ng perang pambili ng pagkain ng ilang housemates nang inilipat sila sa secret room.

Sa money roll task ay kailangan nilang ibalanse at pagpasa-pasahan ang bola, gamit ang wood planks na may iba't ibang hugis, hanggang sa maipasok sa butas.

Ang bawat bolang maipapasok nila ay may katumbas na halaga na pandagdag sa budget ng mga housemate na nasa secret room.

Ang galing ni Bianca magbalanse ng bola na ikinatuwa ng housemates.

Tumulong din siyang magluto at nilinis niya ang loob ng bahay.

Sabi ni Bianca tungkol sa leksiyon na nakuha niya sa loob ng Bahay Ni Kuya: “Maihahalintulad ko rin siya Kuya sa kung ano po yung breakthrough ko po sa buhay ko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mas nanaig po sa akin na kailangang magtiwala sa kakayahan ko.

"At sa kabila ng lahat na mga pagsubok, mahulog ka man, magkamali ka man, meron lang tinuturo sa iyo at pinapatatag ka lang.”

Read: David Licauco reveals he auditioned for PBB in 2015

bianca umali pbb
Bianca Umali doing the money roll task.
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ang pagiging houseguest ni Bianca Umali sa PBB house ay bahagi ng promo ng bagong fantasy-drama series na pinagbibidahan niya, ang Sang’gre.

Pero ibang Bianca ang napanood natin sa Bahay Ni Kuya.

Para sa kanya ay magical ang experience na yun.

“Hindi ko akalain na magiging ganun kaganda yung pinagdaanan ko dun, yung adventure ko doon.

"And I was so happy all the more na I was able to do it for my mom.

“It was a dream come true not for myself, not just for myself, but for my mom,” saad ni Bianca sa interview sa kanya ng 24 Oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RURU MADRID PROUD OF BIANCA UMALI

Ang isa sa sobrang proud kay Bianca ay ang kasintahan niyang si Ruru Madrid.

Super suwerte raw ang aktor na si Bianca ang kasintahan niya.

Tamang-tama naman na itong Sang’gre ni Bianca ang ipapalit sa Lolong: Pangil ng Maynila ni Ruru.

Sabi ni Ruru sa 24 Oras: “Siyempre, kung meron pong magwawakas ay meron naman pong papalit at magsisimula, at yun po ang Sang’gre.

“Sa totoo lang, nakaka-excite actually.

“Yun naman talaga kami ni Bianca, parang lagi naming pinag-uusapan na parang sobrang blessed kasi after ko gumawa ng Lolong, siya naman ang nasa primetime.”

Read: Eviction ni Ralph, ang sakripisyo ni Shuvee, punchline ni Klang

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Umali on her three-day stay inside the PBB house: “Hindi ko akalain na magiging ganun kaganda yung pinagdaanan ko dun, yung adventure ko doon. And I was so happy all the more na I was able to do it for my mom. It was a dream come true not for myself, not just for myself, but for my mom.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results