PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Fifth Solomon, nanawagan ng tulong sa FDCP at sa gobyerno

Direk Fifth Solomon: "Ito po ay hindi pag-atake — ito po ay paghingi ng tulong."
by PEP Troika
Published Jun 3, 2025
jm sue fifth lasting moments
Fifh Solomon (right), director of the movie Lasting Moments starring JM de Guzman and Sue Ramirez, clarifies Facebook rant about the struggle of local films to secure playdates and cinemas.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Iniurong sa Hulyo 30, 2025 ang showing ng pelikulang Lasting Moments, starring JM de Guzman and Sue Ramirez, sa panulat at direksiyon ni Fifth Solomon.

Ito ang ibinalita ni Direk Fifth bago ang premiere screening ng movie kagabi, Hunyo 2, Lunes, sa SM Megamall, Mandaluyong City.

CALL FOR HELP

Nagpasakalyeng biro si Direk na meron siyang ia-announce.

“Buntis po ako. Charot lang!” bulalas ni Direk Fifth, na isa rin sa executive producers ng Lasting Moments.

“Alam niyo naman, nag-post ako kagabi, di ba, patungkol sa struggle ng pelikulang Pilipino.

“And ayun nga, it’s not an attack. It’s a way for us to have a discussion.

“I think, para magsimula ang pagbabago, para magsimula ang pag-angat ng isang bagay or industriya, kailangan nating pag-usapan, di ba? Hindi siya punahin.

“Ang akin, gusto ko, may magsalita para malaman natin kung ano ba yung mga hakbang na puwedeng gawin ng ating gobyerno, FDCP [Film Development Council of the Philippines], yung mga namumuno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dahil ito po ay hindi pag-atake — ito po ay paghingi ng tulong.

“Di ba? Hindi lang po sa akin, pati na rin po sa ating mga manggagawang Pilipino.

“Mga umaasa, ang ating crew, PA’s, staff. Ang sarap kasing gumawa ng pelikula, di ba?

“And ngayon, sa lagay po natin, streaming digital age, gusto kong ibato yung tanong, ‘Ano ba ang puwede nating gawin para makasabay tayo sa foreign films? Sa digital era?’ Di ba?

“Kailangan ba nating pababain ang presyo ng tiket? Kasi ang minimum wage ay magkano? Nasa P500 to P600. Ang tiket [sa sinehan], nasa PHP500 to P700.

“Baka sa paraang yun, kung mas mura ang Filipino film, baka mas piliin din nila, di ba? Baka magkaroon tayo ng laban doon sa mga foreign films.

“At naiintindihan ko naman ang malls bilang isang negosyante rin. Kung ako, tama naman yung ginagawa ng malls.

“Mas pipiliin nila yung mas saan sila kumikita, which is foreign film. I think ang mas kailangan gumitna rito at gumawa ng hakbang ay ang ating gobyerno, FDCP, na marami rin pong filmmakers na katuwang or may puwesto doon sa FDCP na maaari tayong tulungan, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ano pa yung mga hakbang na puwede nating gawin para mahikayat natin ang ating mga manonood hindi lang tuwing Metro Manila Film Festival, di ba?”

Read: Fifth Solomon may himutok sa estado ng local films sa mga sinehan

CHANGE OF PLAYDATE

Ipinagtapat ni Direk Fifth na sinabihan siya ng distributor ng Lasting Moments na mababa talaga ang bilang ng kanilang mga sinehan kung sasabak sila sa June 4 playdate.

Pagpapatuloy ni Direk Fifth: “Dahil malakas po si Karate Kid, si Lilo & Stitch, si Mission: Impossible, si Final Destination.

“So, ang kanila pong magandang advice sa amin, na amin pong binigyan ng parang pagtitiwala, ay i-move po ang aming showing to July 30.

“July 30 na po kami lalabas. Kasi nga, meron pang Superman, di ba? Na lalabas ng July 9.

“Naiintindihan naman natin ang ating mga malls. Siyempre doon sila sa kikita sila. Kung ako rin naman, doon ako, no…”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung makikipagsabayan ang Lasting Moments sa Superman ay baka apat na sinehan lang daw ang maibigay sa kanila, kaya doon na sila sa July 30 pumuwesto.

“Again po, this is a call for help. To have a healthy discussion para po mas mapabuti pa natin ang pelikulang Pilipino,” dagdag ni Direk Fifth.

lasting moments poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Fifth ay nagsimula bilang aktor at nag-venture sa pagsusulat at pagdidirek ng pelikula.

Bukod sa Lasting Moments, ang iba pa niyang idinirek na pelikula ay ang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka (2018), Dulo (2012), The Exorsis (2021), Single Bells (2023), Sa Muli (2023), at My Sassy Girl (2024).

NOEL FERRERpr

Mayo 14, Miyerkules, nag-open sa local cinemas ang Final Destination: Bloodlines, at pagsapit ng Sabado, Mayo 17, ay umariba na sa ating mga sinehan ang Mission: Impossible — The Final Reckoning.

Noong sumunod na Miyerkules, Mayo 21, nagpayanig ang Lilo & Stitch, at nakipagbanggaan dito ang ConMom.

Mayo 28, Miyerkules, rumatsada sa local cinemas ang Karate Kid: Legends, na tinapatan ng Isang Komedya sa Langit.

Bukas, Hunyo 4, Miyerkules, ang opening day ng John Wick: Ballerina, at kasabayan nito ang Beyond the Call of Duty na bida sina Martin del Rosaro, Paolo Gumabao, Devon Seron, at Maxine Trinidad.

Magpapasiklab sa Hunyo 11 ang How to Train Your Dragon, at kasabay nito ang Cheat Day nina Alexa Miro at Derrick Monasterio, pati Only We Know nina Charo Santos at Dingdong Dantes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa June 18 ang Flower Girl ni Sue Ramirez.

Nasa June 25 ang Unconditional nina Rhian Ramos at Allen Dizon, pati Song of the Fireflies ni Morissette.

Magpapakitang-gilas ang Jurassic World Rebirth sa Hulyo 2, at ang Superman sa Hulyo 9.

Nakatakdang makipagsalpukan kay Superman ang pelikulang I Remember You starring JC Santos and Valeen Montenegro.

Maliban sa Lasting Moments, nasa July 30 playdate ang How To Get Away From My Toxic Family (exclusive sa SM cinemas) starring Zanjoe Marudo.

TOP 10 MOVIES IN 2025

Samantala, ang update ng Box Office Mojo sa Top 10 movies na pinakamalakas ang worldwide gross so far ngayong 2025:

  1. Ne Zha 2, $1.899B
  2. A Minecraft Movie, $948M
  3. Lilo & Stitch, $613
  4. Captain America: Brave New World, $415M
  5. Thunderbolts, $369M
  6. Mission: Impossible — The Final Reckoning, $354M
  7. Sinners, $350M
  8. Final Destination: Bloodlines, $230M
  9. Snow White, $205M
  10. Dog Man, $145M

GORGY RULA

Nag-post si FDCP Chairperson Jose Javier Reyes sa Facebook nitong Hunyo 2, Lunes, kaugnay sa nangyayari sa Philippine cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Direk Joey: “The Film Development Council of the Philippines commissioned an in depth market research on the viewing habits and preferences of the Filipino audiences regarding local cinema.

“Conducted by the De la Salle University - SDRC headed by Ma. Elena C. Javier and Cristina A. Rodriguez, the research entitled ‘Habits and Preferences of Filipino Viewers of Local Films in Metro Manila Philippines’ is now being made available to stakeholders, cinema enthusiasts and scholars and the general public for their perusal.

“The findings reveal the various problems and the possible directions to obtain solutions to the ever-evolving landscape of entertainment consumption not only in our country but all over the world.”

Nakalagay sa FB post ni Direk Joey ang link sa nasabing study at ang results.

Naka-post din ang nasabing link sa FB page ng Film Development Council of the Philippines.

Read: FDCP Chair Joey Reyes gets real about state of Philippine cinema

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fifh Solomon (right), director of the movie Lasting Moments starring JM de Guzman and Sue Ramirez, clarifies Facebook rant about the struggle of local films to secure playdates and cinemas.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results