GORGY RULA
Pinuri ang pagganap ni JM de Guzman bilang kontrabida sa Kapamilya primetime series na Linlang noong 2023.
Pero inamin ng aktor na hindi siya naging masaya sa naging performance nya sa teleseryeng pinagbidahan nila nina Kim Chiu, Paulo Avelino, at Maricel Soriano.
Hindi dahil masama ang karakter na ginampanan niya sa Linlang, kundi dahil hindi siya natuwa sa hitsura niya roon.
Kapansin-pansin kasi ang pagtaba noon ni JM.
Read: JM de Guzman addresses bashers criticizing his weight gain

“Actually, hindi nga po ako happy dun sa performance ko sa Linlang e. Pero acting-wise, parang feeling ko, kaya ko pa.
“Ang pakiramdam ko, parang gusto ko na lang siyang matapos.
“Siguro na-depress ako kasi nga tumaba ako,” saad ni JM nang nakapanayam ng PEP Troika sa premiere night ng pelikulang Lasting Moments noong Lunes, June 2, 2025.
Sabi pa ng Kapamilya actor: “Pag pinapanood ko, hindi katulad ng dati na parang, oo… parang, 'Kaya ko pa ito, ah. Hindi naman ako ganitong umarte, ah.'”
SATISFIED WITH LASTING MOMENTS
Ngayon, okay na raw siya.
Dito sa Lasting Moments ay hindi siya nabitin dahil nagampanan niya nang maayos ang kanyang role.
Medyo may kalusugan din siya sa Lasting Moments, pero magaling siya rito, pati ang leading lady niyang si Sue Ramirez.
Pursigido ang aktor magpapayat dahil kailangan daw niyang gawin ito para sa kanilang teleserye.
Nagpa-fasting si JM ng two to three days.
Wala raw siyang kinakain, at umiinom lang siya ng tubig.
Nagustuhan din ni JM ang ginagawa niya sa bagong teleseryeng What Lies Beneath, kung saan kasama rin niya si Sue.
Read: JM de Guzman, kabado sa bagong tambalan nila ni Lovi Poe
NOEL FERRER
Bukod sa pagpapayat ay tuluy-tuloy pa rin ang healing ni JM de Guzman pagkatapos niyang ma-rehab.
Malaki raw ang tulong ng kasintahan niyang si Donnalyn Bartolome na suportado ang treatment na ginagawa sa kanya.
“She inspires me kasi," pakli ni JM.
"Saka tinanggap niya ako na walang judgment sa past ko. Sobra akong parang dun ako lalong na-in love sa kanya.
“Actually, pinapakilala niya ako sa mga spiritual healers, sa mga kaibigan niya.
“May psychiatrist kami pareho, bukod sa sarili kong psychiatrist. Meron kaming psychiatrist para mas maayos kami.
"Siyempre gusto rin niya ako maintindihan. May mental health issue ako, siya wala.
“So, gusto niya rin… dahil mahal niya ako, gusto niyang maintindihan kung ano ba ito. Ano ba itong depression, anxiety.
“Grabe siya magmahal. Sobra siyang… unconditional, hindi siya nagte-take. Hindi siya nag-e-expect ng take.
"Natuturuan niya ako kung paano magmahal nang tama.”
Read: JM de Guzman on courting Donnalyn Bartolome: "Pag may gusto kailangang ipaglaban."
JERRY OLEA
Dalawang taon pa lang ang relasyon nina JM at Donnalyn. Matutuloy na ba sa kasalan ang maganda nilang relasyon?
“Sana,” sambit ng Kapamilya actor.
“Sa akin, siguro ako nagpe-prepare na ako.
“I think, stronger now — and mentally, spiritually, and emotionally stronger. And palagi naming pinag-uusapan ang future namin,” sabi pa ni JM.
Kailangan pa rin daw talaga niyang mag-heal nang husto.
“Pumipitik-pitik siya, e. Kasi naging gago rin talaga ako nun e. Sinagad ko yung mga dapat sagarin, e.
"So, may mga ano na, residuals na sa utak ko na parang regrets…
“May acceptance na ako, pero siyempre, minsan parang umaano pa rin sa utak ko,” saad ni JM.
Bumabalik-balik pa rin daw si JM sa rehab, hindi para magpagamot kundi tumulong sa mga bagong ipinasok doon.
“May mga tinutulungan ako na mga bago.
“Kasi, it’s one way of healing e. Helping. Helping others,” tugon ng Kapamilya actor.
Read: JM de Guzman admits he's still struggling with anxiety, depression
