JERRY OLEA
Nag-post si Zeinab Harake sa Facebook ng status na “Your Wedding, Your Rules 100.”
Kaugnay ito sa katatapos na pag-iisang dibdib nila ni Bobby Ray Parks Jr.
Very private ang okasyon at pinagbawalan daw ang mga guests ng mag-post at mag-take ng photos.
Read: Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr., ikinasal na
Samu’t sari ang reaksiyon ng mga netizens.
Karamihan ay agree sa preference ni Zeinab.
Ang iba naman ay naartehan sa social-media influencer, at may mga nagkomento pang hindi na lang sana siya nag-imbita ng mga bisita.
As of today, June 7, 2025, mahigit 376,000 ang reactions nito, 3,600 shares, at 8,200 comments.
IVANA ALAWI, IKaw ang next?
Isa sa mga nag-comment doon ay si Ivana Alawi na nag-drop ng tatlong heart emojis.
Dito nabaling ang atensiyon ng ilan sa mga netizens.
Mahigit 180 netizens ang nag-reply sa comment na yun ng kontrobersiyal na sexy actress-vlogger.

Ilan sa mga kanila ay nagsabing siya na raw ang susunod na ikakasal.
May mga nagtanong din ng "bakit hindi na sila magpakasal?" tutal, matagal nang hiwalay sa asawa ang lalaking napapabalitang karelasyon niya,
Obvious na ang bagong halal na congressman ng Bacolod na si Albee Benitez ang tinutukoy nila.
Nitong mga nakaraang araw kasi, naging laman ng balita ang marital problem ni Albee sa asawang si Nikki Benitez.
Walang sinagot si Ivana sa mga komento.


Read: Ivana Alawi named in VAWC complaint against Albee Benitez
GORGY RULA
ALBEE BENITEZ, TIKOM ANG BIBIG TUNGKOL SA MARITAL ISSUE at kay ivana alawi
Sandali naming nakatsikahan si Congressman Albee Benitez kamakailan lang, pero ngiti lang ang sagot niya sa amin kapag tungkol sa pag-iintriga sa kanila ni Ivana Alawi ang tinatanong namin.
Hindi rin siya makapagkomento tungkol sa reklamong Anti-Violence Against Women and Their Children, o Republic Act No. 9262, na isinampa sa kanya ni Nikki Benitez dahil nasa korte na raw ito.
Pati ang Petition for Declaration of Nullity of Marriage na isinumite niya ay dinidinig na rin, kaya hindi raw talaga siya puwedeng magsalita.
Read: Albee Benitez rues inclusion of third party in wife's complaint
Abala ngayon ang businessman-politician sa pag-aasikaso sa mga tinatapos niyang trabaho bilang outgoing mayor ng Bacolod City.
Pagdating sa entertainment industry, may sinisimulan siyang bagong venture: vertical films under Brightlight Productions na pag-aari niya.
“With the vertical drama… ang Brightlight, di ba?
"Si Brightlight, may production outfit, and nakikita naming nag-trend sa mga vertical films.
“Yun ngayon ang parang uso ngayon, e,” pakli ni Cong. Albee.
“We have gotten DigiPlus…sa DigiPlus ngayon, ang subscriber-based nila, nasa 45 million?
“So, this is not any platform. Platform talaga ng DigiPlus, e, na may reels.
“Kung pupuntahan mo yung Bingo Plus, may feature yun para manood ka ng mga films, so dun kami maglalagay,” dagdag ni Cong. Albee.
Isa ito sa mga pinagkakaabalahan niya.
Read: Albee Benitez: From gaming mogul to television game changer
Pero pagdating sa kanyang puso ay tikom talaga ang bibig ng kontrobersiyal na pulitiko.
EPEKTO NG ISSUE AT RUMOR KAY ALBEE BENITEZ
Noong June 2, 2025, nag-hold siya ng huling presscon bilang mayor ng Bacolod.
Marami silang pinag-usapan tungkol sa mga dapat pang asikasuhin sa lungsod.
May maikli rin siyang kuwento tungkol sa epekto ng mga isyu at intrigang kinakaharap niya.
Dumami raw ang gustong magpakasal—with him as the marriage officiant.
Sa isang barangay sa Bacolod, may 29 couples na gusto nilang si Cong. Albee ang magkasal sa kanila bago siya bumaba bilang mayor.
Nagtaka raw siya kung bakit sa kanya pa.
May nag-suggest na magpa-kasalang bayan na lang siya ngayong June, pero ang problema, nahihirapan daw ang businessman-politician sa pagpirma ng marriage certificates dahil sa dami ng gustong magpakasal.
Nasubukan daw niyang magpa-kasalang bayan noong 2023, mahigit 2,000 ang nagpakasal.
Halos isang taon daw ang inabot bago niya napirmahan lahat ng marriage contracts.
Bago natapos ang presscon, may nagtanong sa kanya tungkol sa transition ni Albee mula sa pagka-mayor sa pagiging congressman.
Tanong sa kanya, “Are you transitioning with a good heart or a heavy heart?”
Tungkol daw sa leadership nito sa Bacolod ang tinutukoy ng nagtanong, wala nang iba.
Pero napangiti si Cong. Albee na sumagot sa salitang Bisaya na, “My heart is ahhh… daw under fire. Pero sige lang, mas sikat ‘ta subong.
“Kun makabulig sa Bacolod, okay gid.”
Na ang ibig niyang sabihin ay: “My heart is ahhh….parang under fire. Pero sige lang, mas sikat tayo ngayon. Kung makatulong sa Bacolod, mas okay.”
NOEL FERRER
Kamalawa, nag-take ng oath of office si Javi Benitez bilang congressman ng 3rd District ng Negros Occidental kasama ang ina niyang si Nikki.
Tanggap naman na yata na ganoon ang dynamics ng kanilang pamilya.
Iba ang trabaho, iba ang personal. Nasa probinsiya na ulit si Javi para sa maayos na transition ng leadership sa Victorias, kung saan nagsilbi siya bilang mayor.
Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata.
Read: Javi Benitez reacts as parents' marital issues make headlines
