PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey Marquez, ine-enjoy ang two-hectare farm sa Cavite

Joey, tinupad ang pangako kay Winwyn nang makapasok ito sa Top 6 ng MUPH 2025.
by PEP Troika
Published Jun 8, 2025
Joey Marquez probinsya life in Cavite
Joey Marquez, tinupad ang pangako kay Winwyn Marquez nang makapasok ito sa Top 6 ng MUPH 2025.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Ang saya ng tsikahan namin ni Joey Marquez nang nagkita kami noong Huwebes, June 5, 2025, sa look test ng pelikulang I’m Perfect ng Nathan Studios.

Read: Lorna Tolentino, Janice de Belen, Joey Marquez: NO TO MTRCB ACT

Ang tagal na raw niyang hindi na-interview ng mga kaibigan niyang entertainment press at sandali pa naming napag-usapan nung panahon ng namayapa niyang manager na si Douglas Quijano.

Pati si Cong. Richard Gomez ay kinumusta pa niya sa amin. Hindi na rin daw siya kasi gaanong naglalabas ngayon dahil happy na siya sa kanyang buhay sa probinsya.

May dalawang ektaryang farm siya sa Cavite, at doon na raw siya namamalagi kapag wala siyang trabaho.

Bale ang FPJ’s Batang Quiapo lang ang regular na tine-tape niya, kaya most of the time ay nasa farm lang daw siya sa Cavite.

"Very happy. Kasi ang ano, e…. ang sarap ng buhay ng tahimik; ang kinakain mo, fresh; mga kapitbahay mo, mabait. Pag kulang ka ng sahog, humihingi ka lang sa kanila. Lahat bumabati. Ang barangay namin, maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bagong komunidad na na-experience ko ngayon na mas masarap pala pag sa probinsya ka. Ewan ko ang iba, bakit gusto sa Maynila, e,” nakangiti niyang pakli.

Masaya raw siyang nagtatanim ng mga gulay at punong kahoy kagaya ng langka, mangga, santol, dragonfruit, at marami pa.

Meron din daw sila dati na parang palaisdaan at nakakakuha raw sila roon ng tilapia na inuulam nila.

"Ngayon, wala na kasi nagsawa na sila. Siguro papalitan ko na ng hito. Consumption lang namin yun,” pakli niya.

“Ano lang, sabi ko… wala naman akong bisyo, hindi naman ako nagsusugal, hindi naman ako umiinom. Lupa lang, husto na,” sabi pa ni Joey.

Read: Directors guild, tinutulan ang MTRCB Act: "No to censorship!"

JERRY OLEA:

Pati sa pulitika ay tapos na raw doon si Joey Marquez. Tama na raw na nakatulong siya sa Parañaque.

“Hindi naman tinalikuran. Siguro natapos ko na yung intensyon ko na makatulong at maipakita kung papaano maging public servant at hindi pulitiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi it’s about time na mga young generation naman ngayon. Ang pulitika, hindi naman hanapbuhay yan, e. ‘Ika nga, nung pumasok ako diyan, may sampung piso ako, nung lumabas ako, piso na lang ang natira,” napapangiti niyang pahayag.

Pinasok naman ngayon ng anak niyang si Yeoj ang pulitika. Nanalo si Yeoj na konsehal sa District 1 ng Parañaque. Ano ang ipinayo niya sa anak na nasa public service na?

"Ang sinabi ko kay Yeoj, ‘Sana, maging isang lesson na ginawa ko sa pulitika, pumasok ako hindi para gumastos, para magpakitang-gilas lang.’

"Yung pinasok ko diyan, yung gusto kong iwan as legacy — na lahat ng tao, na unang-una, huwag niyong isipin na yan ay isang hanapbuhay.

"Ang katunayan, bawas hanapbuhay yan, e. Kasi, dapat mas maraming mawala sa iyo kesa sa ma-gain mo. Pero ang kapalit naman diyan, yung respeto ng tao, hanggang sa mamatay ka, maaalala ka nila.

"So sabi ko, sana, huwag mong sirain yun para naman kahit papaano, mapanatili natin na walang nagsasabing magnanakaw ang mga Marquez.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Wala naman akong narinig,” saad ng dating alkalde ng Parañaque.

Read: Bea Alonzo spotted with mom of rumored beau Vincent Co

NOEL FERRER:

Nagkuwento rin si Joey Marquez tungkol kay Winwyn Marquez na niregaluhan niya ng painting na Lamarroza nung sumali ito sa Miss Universe Philippines.

Tinupad daw niya ang pangako kay Winwyn na kapag makapasok lang ito sa Top Ten ng Miss Universe Philippines, ibibigay daw niya ang isa sa paintings sa collection niya.

Alam niyang type ni Winwyn ang isang painting ni Lamarroza, kaya yun ang ipinangako niya.

"Gusto lang niya gawin talaga. Sige, sabi ko. Pag nag-Top Ten ka, ibigay ko sa iyo ang isa sa mga paintings ko diyan. Kung gusto mo yung Lamarroza, ibigay ko sa iyo.

"'Promise, ha?' Sabi niya. 'Sige pag nag-Top Ten ka.'

"E, runner-up, hinatid ko na agad sa kanya," nakangiting pahayag ni Joey.

"Bilib ako sa control at sa focus niya. Si Wyn kasi, pag gusto niya, nagagawa niya, e,” puri ni Joey sa anak.

Nakikita ni Joey na masaya si Winwyn sa partner nito, kaya tanggap niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Very supportive yung partner niya, kasi naging childhood ano niya, e, hindi naman sweetheart…. kaibigan ni Yeoj since grade 12, kababata niya, at saka lumaki sa amin.

"Parang anak ko na rin yun, e, actually. There was even a time nung naglaro kami ng game show, ang pakilala ko sa kanya, anak ko, e.

"Sabi ko, nasa inyo yan kung ano ang gusto ninyo, kung saan kayo happy. I’ll give you all the freedom.

"Basta walang sakitan, yun lang. Walang pisikalan," saad ni Joey. "Pag hindi, ako ang haharap sa iyo.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joey Marquez, tinupad ang pangako kay Winwyn Marquez nang makapasok ito sa Top 6 ng MUPH 2025.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results