GORGY RULA
Panibagong challenge kay Paolo Gumabao ang upcoming stageplay na Walong Libong Piso, na nakatakdang ipalabas sa Agosto 2025 sa CCP Tanghalang Ignacio Gimenez, Pasay City.
Kahit sanay siyang maghubad sa pelikula, kakaiba raw sa kanya na isa at kalahating oras na umaarte siya sa entablado na naka-underwear lang.
Read: Frontal nudity sa stage plays, emerging trend?
“Pinag-isipan po namin yun. Nabasa namin yung script,” saad ni Paolo sa media conference ng Walong Libong Piso noong Hunyo 6, 2025, Biyernes, sa Manila Hotel.
“Naisip din namin nang mabuti kung ano ba ang makikita sa akin dito. Ahhh, magiging ano lang ba ito, magiging yung basta na lang naghubad?
“Ano ang dahilan? Is it sa script na kaya natin lagyan ng tapang bilang aktor? Hindi lang sa paghuhubad, kundi sa pag-arte.
“So, ang pinaka-deciding factor kaya tinanggap namin ito is, makikitaan ba tayo dito ng husay natin?
“Makikitaan ba tayo dito ng… kaya ba nating magpakitang-gilas?”
PAOLO GUMABAO'S DREAM ROLE
Kahit nakasanayan na raw ni Paolo maghubad sa mga pelikulang ginawa niya, napatunayan daw niyang hindi kailangang maghubad o magpaka-daring.
May pelikula na siyang nagawa at nakatakda nang ipalabas sa mga sinehan. Hindi raw siya ganun ka-daring sa mga ito.
“Meron akong mga pelikulang ipapalabas. Pero hindi namin siya sabay-sabay na ginawa.
“Na-shoot ko na yung Spring in Prague, hindi nyo na-realize malapit na siyang ipalabas.
"And yung isa pang pelikula, yung Beyond the Call of Duty, at itong play na ito,” dagdag ni Paolo.
Masaya na raw si Paolo sa mga nagawa niyang proyekto, pero meron pa raw siyang gustong gawin.
Sana raw ay may mag-produce ng pelikulang ito at ipagkatiwala sa kanya ang role ng isang autistic.
“Gusto ko ng isang role na ako ang gaganap ng isang autistic person.
“Siguro iyun yung pinaka-end game, pinakagusto kong magawa.
“Kasi sa mga gay films, sa sexy nagawa ko na. Guy to guy, girl to guy.
“So, gusto ko sa isang parte naman ng craft ko na gusto kong ma-experience kung papano ko gagampanan ang isang mentally-challenged na tao,” sabi pa ni Paolo.
Read: Paolo Gumabao, hindi isinasara ang pinto sa paggawa muli ng sexy films
NOEL FERRER
Bakit hindi niya i-remake ang pelikulang Bakit Bughaw ang Langit? (1981) kung saan halos ganoon ang ginampanang role ng kanyang amang si Dennis Roldan?
Kasama ni Dennis sa Bakit Bughaw ang Langit? si Nora Aunor, sa direksiyon ni Mario O’Hara.
Napanood daw niya ang pelikulang yun, at sana raw ay makagawa siya ng ganitong klaseng pelikula.

“Sana kung kaya i-remake yung Bakit Bughaw ang Langit?, kung merong mag-produce, bakit hindi?” bulalas ng sexy actor.
If ever, sino ang gusto niyang maka-partner dito?
“Ang Nora Aunor ko, si Alessandra de Rossi. Okay ba?” napangiti niyang sagot.
Naghubad sa Bakit Bughaw ang Langit? si Dennis, at wala raw problema iyon kay Paolo.
“Hindi naman mawawala yung hubad sa akin, doon naman tayo nakilala, e,” pakli ni Paolo.
Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies
JERRY OLEA
First sabak sa teatro ni Paolo Gumabao sa dulang Walong Libong Piso, na isinulat at idinirek ni Dante Balboa para sa Bentria Productions.

“Matagal ko nang hinihiling, matagal ko nang hinihingi kay Lord na makapagteatro ako,” sambit ni Paolo.
“Pero ngayon lang tayo napagbigyan. At least.”
Halinhinan sa pagganap ng same character sa dula sina Paolo, Juan Paulo Calma, Jhon Mark Marcia, at Drei Arias.
Kumusta so far ang kanilang rehearsal?
“OK naman po. OK naman yung rehearsal. Nag-e-enjoy ako. Masaya yung rehearsal,” lahad ni Paolo.
“Lahat naman kami na mga artista na magpe-play, same character lang ang ginagampanan namin.
“So, lahat naman kami, kaming apat, we all learn from each other. Pinapanood namin yung rehearsals ng iba.
“Pinapanood ng iba yung rehearsals ko. So, lahat kami, natututo sa isa’t isa. Yun naman ang maganda.”
DARING SCENES IN THE PLAY
Ayon kay DirekDante, merong eksena ng pagsa-shower, macho dancing, at chaturbate sa dula. Kaya ba niya ang mga iyon?
“Kayang-kaya, kayang-kaya naman. It is a challenge, and ako naman, lagi kaming nag-uusap ng management ko,” tugon ni Paolo.
“Lagi kaming, as much as possible, kung merong isang proyekto na kakabahan ka, kung merong isang proyekto na hindi ka sigurado kung kaya mong gawin — ayun ang gawin mo.
“Kasi iyon ang mag-i-stretch sa iyo bilang artista. Lalo na sa atin, sa trabaho na ito.
"Hindi naman porke’t tumatagal ka sa industriya, mas nagiging madali ang trabaho, e.
“Habang tumatagal, actually mas nagiging mahirap ang trabaho. Kasi, mas nilalagyan mo na ng iba’t ibang klaseng techniques, di ba?
“Pag binigyan ka ng simpleng role na ganito, since medyo mas may experience ka, gagawin mong mas malalim yung karakter mo.”
Gaano siya ka-daring sa ilang eksena sa Walong Libong Piso?
Napangiti si Paolo, “Daring, daring talaga. Feeling ko ano, I think this is my comeback sa pagiging daring.
“Kasi medyo nag-lay low ako sa pagiging daring after Lockdown, after yung mga Vivamax.
“So, nagserye ako, nag-mainstream ako for a bit. Tapos ito yung ano ko, ito yung pagbabalik ko pero daring ulit.”
Relaxed na siya sa paggawa ng mga mapangahas na eksena?
Napailing si Paolo: “No naman, no, no. Andiyan pa rin yung kaba.
"Andiyan yung kaba siyempre. Ako, gusto kong pagbutihan.
“Siyempre stage play, teatro, ibang platform ba talaga. So it’s very new to me. It’s uncharted territory for me.
“So every step na tine-take ko, I’m very careful, trying to understand everything.”
Read: Three daring actors star in Dante Balboa's latest directorial job
