JERRY OLEA
Gaganapin ang Virgin Lab Fest XX: Hinog sa Hunyo 11-29, 2025 sa Tanghalang Ignacio Gimenez o CCP Black Box Theater, Pasay City.
Limang set ng tigtatatlong one-act play ang matutunghayan sa three-week theaterfest na ito. Bawat linggo, tigdadalawang pagtatanghal ang bawat dula.
Nagkakaubusan ng tiket sa SET D — MAY ASIM PA, kung saan kabilang ang stage debut ni Angelica Panganiban.
Ang set na ito ay must watch para sa mga senior citizen, at sa mga nagmamahal sa kani-kanyang ina. Sarap-asim talaga!
Read: Angelica Panganiban, made-"devirginize" na sa teatro
ANNIVERSARY
Ang unang dula ay ang Anniversary ni Nelsito Gomez, sa direksiyon ni Sarah Facuri.
Dalawa ang karakter dito, ang biyudong si Rob (Jamie Wilson) at ang pushy lola na si May (Bibeth Orteza).
Kumukurot at dumuduro sa puso ang pagganap ni Jamie. Bilib si Bibeth sa kahusayan ng co-star.

Naalala ko tuloy si Ricky Davao, na last year ay nanood ng VLF.
Si Jamie ang ka-alternate ni Ricky sa original Filipino musical na Silver Lining Redux, na itinanghal last year sa Carlos P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza, Makati City.
Sabi ni Bibeth, nami-miss niya si Ricky, lalo pa’t pinapanood nito lagi ang mga pagganap niya sa entablado.
Read: Virgin Labfest King & Queen Chrome Cosio and Skyzx Labastilla featured in 'Mga Halimaw Rin Kami'
DON'T MEOW FOR ME, CATRIONA
Ang ikalawang dula ay ang Don’t Meow for Me, Catriona ni Ryan Machado, sa direksiyon ni Toni Go-Yadao.
Dalawa rin lang ang tauhan dito, ang mag-inang Phoebe (Angelica Panganiban-Homan) at Reting (Peewee O’Hara).
Kasagsagan ng COVID-19 pandemic ang setting. 3:00 A.M. pa lang ay dumating na sa bus terminal ang mag-ina, samantalang 4:00 A.M. pa ang biyahe ng bus pa-Bicol.
Si Catriona ay isang pusa, na ang paboritong pagkain ay San Marcelino corned tuna.

MOMMY G
Ang ikatlong dula ay ang super-riot na Mommy G ni Jobert Grey Landeza, sa direksiyon ni Lhorvie Nuevo-Tadioan.
Sakdal husay si Sherry Lara bilang Gina o Mommy G, na magdiriwang ng kanyang ika-65 kaarawan sa tahanan niya sa Bicol.
After five years ay magkikita muli si Mommy G at ang dalawang anak niyang nakabase sa Kamaynilaan, sina Sofie (Sheenly Gener) at Tonette (Manok Nellas).
Ang kasama ni Mommy G sa bahay ay ang panganay na anak na si Ben (Jonathan Tadioan), at ang 19-anyos na ulilang si Ramon (Gelo Molina).

Interesting malaman ang reaksiyon nina Mystica, Dr. Vicki Belo, at Mommy Dionisia sakaling manamnam nila ang mga hinaing ni Mommy G.
Hopefully ay panoorin din ito ni Angelica Panganiban, at ng ardent fans ni Bea Alonzo.
Ang Set D — MAY ASIM PA ng VLF XX ay mapapanood na sa Hunyo 14, Sabado ng 2:00 P.M at 8:00 P.M.
Read: Frontal nudity sa stage plays, emerging trend?

NOEL FERRER
Must watch para sa mga kakampink ang SET B – MANIBALANG ng VLF XX.
Makabubuting huwag itong panoorin ng mga DDS at followers ni Quiboloy.
MINATING NI MARIAH ANG MANTO NG MOMMY NI MAMA MARY
Pinaghalo ang relihiyon at kabaklaan sa Minating Ni Mariah Ang Manto Ng Mommy Ni Mama Mary ni Eljay Castro Deldoc, sa direksiyon ni Dexter M. Santos.
Dating scammer ng mga afam ang marupok na baklitang si Mariah (Lian Silverio). Ngayon ay isa na siyang camarero, at ang poon niya ay si Santa Mariah Magdalena.
Bonggang-bongga ang belo ni Santa Mariah Magdalena, na nabili ni Mariah sa halagang PHP20,000 mula sa dakilang menchu niya na si Mentong (Esteban Mara).
Banal na aso, santong kabayo!
Ang manang na si Monang (Mosang) ay nagparatang na ang antigong belo ay ang nawawalang belo ng kanilang patron na si Santa Ana na asawa ni San Joaquin.
Ano kaya ang masasabi ni Father Mijares (George de Jesus III/Roobak Valle) sa usaping ito?
Fantabulous ang production values nito, lalo pa’t nasa eksena ang imahe nina San Juan Evangelista (o Bautista?) at Mater Dolorosa.
Susmaryosep! Bato, bato sa langit, ang tamaan ay huwag magalit!
Read: Delia D. musical, nangangagat at nanunuot sa puso at diwa

UNANG ARAW
Ang setting ng Unang Araw ni Ivan Villacorta Gentolizo ay taong 2015 sa isang liblib na highway sa Mindanao. Ang dula ay idinirek ni Cholo Ledesma.
Magkakasama sa isang jeep ang pamangkin ni Mayor na si Arnel (Earvin Estioco), at ang mga tauhan ni Mayor na sina Egay (Aldo Vencilao), Tambok (DMs Boongaling), at Enteng (Ybes Bagadiong).
Pinagsama-sama nila ni Mayor upang maging malinis ang pangalan nito sa pag-upo sa Palasyo sa susunod na taon.
Nakakagigil, nakakangitngit ang dulang ito, na sana’y panoorin ni dating Senador Leila de Lima!

PRESIDENTIAL SUITE #2
Pasabog din ang Presidential Suite #2 ni Siege Malvar, sa direksyon ni Johnnie Moran.
Nagka-heart attack si Senadora Wilma Zaragoza (Clottie Gealogo-Lucero) nang dumalo sa Senate hearing.
Si Senadora Zaragoza ang author ng landmark bill na Zara-Gulay Act of Carrot Importations. Pinaratangan siya ng pandarambong.
Kanya-kanya ng hanash ang tatlong anak ni Senadora na sina Constantino (Andoy Ranay), Gertrude (Kiki Baento), at Fr. Richie (MC Dela Cruz).

May shining moment ang staff na si Andy (Ariel Diccion), at si Doktora (Charm Aranton).
Makaka-relate sa dulang ito ang mga kineso eme! Ang optics!!!
Ang Set B — MANIBALANG ng VLF XX ay mapapanood na sa Araw ng Kalayaan, Hunyo 12, Huwebes ng 2:00 P.M. at 8:00 P.M.

Siyempre, go din ako sa SET C — KINALBURO dahil direktor si Adrienne Vergara ng dulang Ang Problema sa Trolley na kasama sa set na ito.
Read: Mga Balo director Adrienne Vergara may himutok sa online showing ng Virgin Labfest plays
GORGY RULA
Buena mano sa 20th edition ng Virgin Lab Fest ang SET A: BUBOT, na matutunghayan na sa Hunyo 11, Miyerkules ng 2:00 P.M. at 8:00 P.M.
Sa TDR (technical dress rehearsal) ay aliw na aliw rito ang mga kabataan.

ANG BATA KAG ANG ILAGA
Innovative at experimental ang Ang Bata Kag Ang Ilaga ni Liane Carlo Suelan, sa direksyon ni Siglo.
Naiiba si Isaac sa ibang mga bata sa childcare center na St. Jerome’s Home for Children.
Isa siyang puppet — boses ni Rigel Hechanova, pinapagalaw ng dalawang puppeteer na sina V Soriano at Amihan Bonifacio-Ramolete.
Nagkakaaway sila ng kapwa bata na si Dom (Kizabelle Lopez Aromin).
Mistulang referee sina Joana (Aubrey Savet) at Sister Mercy/Abigail (Ina Azarcon-Bolivar).
Maraming tanong ang batang si Isaac. Sino ba ang kanyang ina? Nasaan ito?
Sa mismong performance ay meron na kayang imahe ni St. Jerome, o San Geronimo?

TAKBO, BATANG TONDO
Umaatikabo ang bulyawan sa Takbo, Batang Tondo ni YOJ, sa direksiyon ni Chic San Agustin-de Guzman.
Nag-role playing sa laro ang apat na magkakaibigan sa Tondo, Manila, na sina Albin (Prince España), Kyla (Ericka Peralejo), Tomtom (Felicity Kyle Napuli), at tukling na si Saymon (Ian Magz).
Pulis si Albin, tindera sa sari-sari store si Tomton, pumayag si Saymon maging baby, at sa unang pagkakataon ay gaganap na magnanakaw si Kyla.
Mistulang referee ang barangay tanod na si Dudong (Bong Cabrera) sa kanilang bangayan.
Read: Ross Pesigan, ipinaglaban ang frontal nudity sa Anino Sa Likod ng Buwan

POLAR COORDINATES
Lubhang nakakaaliw ang Polar Coordinates ni Ade Valenzona, sa direksiyon ni Paolo O’Hara.
Ang gagaling lahat ng anim na artista! Nakakakilig, nakakatawa, nakakaiyak!
Must watch ito para sa mga hate na hate ang Math. Iyong mga love na love ang Math ay ma-a-appreciate ito nang lubos.
Hopefully ay manood dito ang mga estudyante sa isang pamantasan, kung saan nagpatiwakal ang isang estudyanteng bumagsak sa isang subject.
Sa istorya, lagapak si Igo (Jack Denzel) sa summative assessment sa Math. Sa final exams na lang siya makakabawi, or else, uulit siya ng Grade 10.
Ano ba kasi ang point ng polar coordinates?
Tuturuan daw si Igo ng classmate niyang si Bobbie (Michael Hilao) na may angking hinhin at harot.
Ang nakababatang kapatid ni Igo na si Sab (Chloe Dominique) ay papa’s girl.
Mahigpit ang kanilang ama na si Manny (Randy Villarama).
Binantaan ni Manny si Igo na huwag na huwag itong babagsak.
Litung-lito si Igo, lalo pa’t may pagkamahadera ang Math teacher na si Ma’am Onquit (Sheryll Villamor Ceasico).
Mabuti na lang at maunawain ang mommy niyang doktora na si Risa (Martha Comia).
Read: Ricky Lee, nagulat sa theatrical adaptation ng Para Kay B

