GORGY RULA
Kinuyog ng entertainment press si Vince Maristela sa media conference ng Encantadia Chronicles: Sang’gre na ginanap sa Studio 6 ng GMA Network noong Linggo, June 8, 2025.
Aminado si Vince na malaki ang nabago sa kanyang showbiz career mula nang maging housemate siya sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab.
Naramdaman daw niyang dumami ang kanyang fans at ang mga sumusuporta sa kanya.
Read: Xyriel Manabat, Vince Maristela evicted from PBB Celebrity Collab
Saad ng Kapuso hunk: “Naramdaman ko yun, at siyempre sobrang thankful ako.
“Dati kasi sa experience ko, parang nakikilala ako sa character ko na ginampanan ko sa isang show.
"Ngayon, nakikilala na talaga ako as Vince Maristela.
“Kaya sobrang thankful talaga ako at sobrang gandang stepping stone talaga yung PBB journey ko.”
VINCE MARISTELA ON HOMOPHOBIC ACCUSATION
Pero kaakibat nito ay bashers.
Aware naman daw si Vince na marami ang naaangasan sa kanya nung bagong pasok pa lamang siya sa PBB.
Okay lang daw sa kanya yun, lalo pa't nakabawi siya nang tumatagal na siya sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Pero inamin ni Vince na may pagkakataong nasaktan siya dahil sa akusasyong "homophobic" ang Kapuso actor.
Lahad niya: “Meron nga akong naalala na parang ano, e, nam-bash sa akin na homophobic ako.
"Kaya sobrang nasaktan ako nun na tinawag akong homophobic. Kasi ang mga ka-work ko, manager ko, ano, gay, hindi straight.
“So, para sa akin, sobrang… alam mo yun? Mahal ko yung mga tao, never ako nagpakita na homophobic ako.
“Yun nga siguro ang pinakamasakit sa akin.”
Wala naman daw siyang naalalang may nasabi siyang anti-gay.
Close din daw sila ng co-housemate niyang si Esnyr Ranollo.
Ayon pa kay Vince: “Suporta nga ako sa LGBTQ, e. Para sa akin, nakakagulat lang din talaga na parang iba talaga ang nagta-translate.
“Grabe nga ang bonding namin ni Esnyr. Sa kanya ko nga nakuha yung ‘atake’ na word.”
Bago pumasok sa PBB house si Vince ay natapos na niya ang mga eksena niya sa Sang’gre.
Paglabas niya ng Bahay Ni Kuya ay natapos na ang taping ng buong season ng fantasy series na magsisimulang ipalabas sa GMA Primetime sa June 16.
Read: PBB Celebrity Collab: 10 housemates nominated for eviction
JERRY OLEA
Marami pa rin ang nag-uusisa kay Vince tungkol sa mga nangyayari sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Paano sila magbanyo? Hindi ba sila naaasiwa na merong camera sa loob ng CR?
“Nakikita naman namin yung camera. Nung una nahirapan lang din talaga ako mag-adjust.
"Lahat naman kami, e, pinagdaanan yun, e. So, para sa akin, okay lang.
“Ano lang din, strategy lang din talaga. Angle-angle lang!” natatawang sabi ni Vince.
Naging naughty ang usapan ni Vince at ng entertainment writers nang tanungin siya kung paano nila nalalagpasan ang init ng katawan sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Paano kung isang gabi ay nag-init ang kanilang katawan? May ginagawa ba sila tungkol dito?
“Mahilig lang talaga kami mag-workout. Dun lang namin nilalabas.
“Kita niyo na yung laging nagwo-workout. Yun yung sikreto ng pantanggal ng stress!” natatawa niyang sagot.
Sa mga nakaraang season ng PBB ay meron talagang nakakalusot, at ang iba ay nagpapaalam pa.
“Wala naman po akong alam na may nagpaalam. Ewan ko lang po sa kanila,” sambit ni Vince.
Tiyak na marami pang mga kaganapan sa Bahay Ni Kuya na isinisikreto na lamang at hindi na maipapalabas.
“Siguro sa takdang panahon,” nakangiting reaksiyon ni Vince.
Read: Zaijian Jaranilla apologizes over remarks about Dustin and Vince
NOEL FERRER
Ang daming hanash sa X (dating Twitter) ng PBB avid followers pagkatapos ng nomination night noong Lunes, June 9.
Harap-harapan ang nominasyon kung sinong duo ang posibleng ma-evict.
Sa huli, ang tatlong nominadong duos ay sina Dustin Yu at Bianca de Vera (DusBi), AZ Martinez at River Joseph (AZVer), at Shuvee Etrata at Klarisse de Guzman (ShuKla).
Trending pa rin sa X ang hashtag na #PBBCollabHarapangNomi dahil sa mga emote ng supporters ng bawat duo.
Irita ang supporters ng ShuKla duo sa AZVer duo dahil sa pagbibigay ng mga ito ng three points laban sa kanilang sinusuportahan.
Dahil dito, nakasama sa mga nominado ang ShuKla.
May mga nagpo-post pa sa X na huwag kumain ang AzVer sa luto ni Klarisse.
Trending din tuloy ang duo na ShuKla at AzVer.
May mga nagsasabing nanganganib ang ShuKla dahil kulang daw sila sa suporta ng fans na talagang gumagastos para ma-save ang kanilang favorite housemates.
Pero tingnan natin dahil meron diyang naghihintay lang sa huling minuto ng botohan, at saka sila bubuhos ng kadatungan para bumoto.
Samantala, ganun pa rin halos ang rating sa free TV ng PBB Celebrity Collab.
Noong Sabado, June 7, kung saan nakumpleto na ang final duos, naka-6.9% ito.
Wala nang episode nung Linggo, June 8, dahil nagsimula na ang The Clash, na naka-7.8% sa pilot episode nito.
Read: PBB Celebrity Collab Final Duos: Mika-Brent, AZ-River, Charlie-Esnyr
