JERRY OLEA
Maraming napatili sa pahayag ni Jhon Mark Marcia sa mediacon ng dulang Walong Libong Piso sa Manila Hotel noong Hunyo 6, 2025, Biyernes.
Sabi ni Jhon Mark, “Sa akin po, ang challenge dahil first time kong mag-play, siguro kung paano kayo maaakit sa akin.
“Kailangan ko kayong ma-entertain talaga. So gusto ko, pag nanood kayo, pinaka-challenge sa akin, lahat ng mga mata niyo, nasa akin lang po talaga.
“Basta gusto ko kasi, ano, e. Gusto ko, pagka napanood niyo ako, yung pag-uwi nyo sa bahay… may gagawin kayo. Ayun! Ha! Ha! Ha!”
Aaaayyy!!! Ano ba ang ipapakita niya?
“Sa akin po, kung ano ang ipapakita — lahat po! Lahat, lahat po, mapapanood niyo!” sambit ni Jhon Mark, na nag-frontal nudity noon sa 2024 VMX film na Sisid Marino sa direksyon ni Joel Lamangan.
Read: Frontal nudity sa stage plays, emerging trend?
WHAT WILL JHON MARK MARCIA SHOW?
Matapos ang open forum ay inusisa ng PEP Troika si Jhon Mark kung ano ba ang ibig sabihin niya sa "ipapakita" niya ang lahat.
Natatawang tugon ni Jhon Mark: “Ipapakita lahat ng akting, lahat. Kung gaano kagaling umakting, kung paano pinaghuhusayan talaga namin ang rehearsal. Lahat-lahat.”
Iba siyempre ang pagpo-frontal nudity sa pelikula kumpara sa entablado. Sa shooting ng Sisid Marino, nakatuwalya pa muna si Jhon Mark, at ilang tao lang ang malapit sa bangka kung saan kinunan ang eksena na nakabuyangyang ang kanyang private part.
Mahihiya pa kaya siyang magtalop to the max sa entablado ng CCP Tanghalang Ignacio Gimenez o Black Box Theater sa Agosto 22, 23, at 24?
“Noong una po, iniisip ko siya kung paano ko siya gagawin. So, gusto ko kasi, pag ginawa ko yung ganoon, talagang hindi siya yung basta-basta gagawin lang,” sabi ni Jhon Mark.
“Yung tatatak po talaga ang gagawin ko.”
Sabi ng writer-director ng Walong Libong Piso na si Dante Balboa, merong shower scene, macho dancing, at masturbation scene sa palabas.
Napag-usapan na ba kung paano niya gagawin iyon?
Tumango si Jhon Mark: “Opo, nire-rehearse na po ni Direk kung paano ang gagawin namin… kaming mga artista na po ang bahala kung paano namin dadalhin, kung paano namin gagawin para ma-entertain ang audience.”
Ka-alternate ni Jhon Mark sa one-character play sina Paolo Gumabao, Drei Arias, at Juan Paulo Calma na pawang nag-frontal nudity na rin sa pelikula.
Read: Paolo Gumabao, daring sa unang sabak niya sa teatro

GORGY RULA
Matutuwa ba talaga ang mga manonood sa performance niya? Baka mabitin lang sila, ha?
Ngumiti si Jhon Mark Marcia, “Tingin ko, hindi. Hindi sila mabibitin. Kasi talagang maaaninag nila lahat-lahat.”
Aninag lang? E, sina Ross Pesigan at Martin del Rosario, bongga ang pasilip sa dulang Anino sa Likod ng Buwan noong Marso sa PETA Theater Center, New Manila, Quezon City.
Nagpaigkas ng private part sina Victor “VR” Relosa at Fidel Redido sa dulang 3 Men On An 1sland noong Mayo 24 sa teatro ng PhilStagers Foundation (PSF) sa Balic-balic, Sampaloc, Manila.
Ipalalabas muli ang 3 Men On An 1sland sa Hunyo 28. Ang dula ay isinulat at idinirek ni Johnrey Rivas.
Read: VMX actor Victor "VR" Relosa, sa entablado naman maghuhubad
SELF-MOTIVATION
If ever, kaya ba ni Jhon Mark na magpaaninag ng erection? O gagamit siya ng prosthetic penis?
“Kung hihingiin po sa akin ni Direk Dante iyon, ibibigay ko po. Kasi, tiwala naman po ako sa direktor ko, e,” sambit ni Jhon Mark.
“So, ibubuhos ko na sa kanya lahat. Kung anong sasabihin niya na gawin ko, gagawin ko po talaga.”
Kaya niya iyon? Kahit maraming nanonood, kaya niyang magpakita ng erection sa entablado? Mamo-motivate niya ang sarili sa ganoon ka-daring na eksena?
“Kung halimbawa po, sasabihin ni Direk na, ‘Marcia, bigyan mo ako ng ganyan, erection sa harapan ng tao,’ kakayanin ko po,” walang gatol na sagot ni Jhon Mark.
“Kasi aanuhin ko naman siya talaga. Iisipin ko na lang, walang tao. Ako lang mag-isa doon sa kuwarto.”
Ang Walong Libong Piso ay iprinodyus ni Engr. Benjie Austria ng Bentria Productions, na nagprodyus ng mga pelikulang Broken Blooms, Huwag Mo ‘Kong Iwan, Fatherland, at Graduation Day.
NOEL FERRER
Hindi lang daw gays ang maaaliw sa dulang Walong Libong Piso kundi pati mga babae.
Sabi ni Jhon Mark Marcia: “Hindi po siya pambading lang talaga. Kasi katulad nung may eksena po kami doon na magma-macho dancing kami, matutuwa po dun ang mga babae.”
Sa Walong Libong Piso, ang bidang karakter ay isang aktor na nilandi sa phone ng isang bading na showbiz reporter.
Sa totoong buhay, meron na bang showbiz reporter na lumandi sa kanya?
Mabilis na sagot ni Jhon Mark, “Madami po! Pero siyempre, kaibigan po natin sila, so OK lang. Biru-biruan lang naman po.”
Natawa si Jhon Mark nang usisain kung babae ba ang showbiz reporter na humarot sa kanya.
Inamin ni Jhon Mark na mas maraming indecent proposal sa kanya ngayong gumagawa siya ng movies sa VMX (Vivamax), at kasama sa all-male group na Magic Voyz.
Siyangapala, may concert ang Magic Voyz ngayong Hunyo 11, Miyerkules ng gabi, sa Minolos Basket Court ng Barili, Cebu.
Panauhin sa concert si Krista Miller at ang Cebuana Twins.
