PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pagpu-post ni Sylvia sa unang apo may approval nina Ria at Zanjoe

Sylvia Sanchez, todo-shopping sa Cannes para sa apo kina Ria at Zanjoe.
by PEP Troika
Published Jun 11, 2025
sylvia sanchez ria zanjoe
Sylvia Sanchez (left) on spoiling her first apo from daughter Ria Atayde and Zanjoe Marudo: “Sino bang mga lola at lolo na hindi sumusunod sa mga magulang na pag bawal… e, lalo na pag iiyakan ka ng apo mo, di ba? Sa totoo lang, real talk.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / Zanjoe Marudo Instagram

GORGY RULA

Masaya ang tsikahan ng ilang miyembro ng entertainment media kay Sylvia Sanchez sa Fresh Buffet ng Solaire North, Quezon City, noong Lunes, June 9, 2025.

Kasama ni Sylvia ang co-producer niya si Alemberg Ang.

Mag-partner ang dalawa sa Japanese film na Renoir, na nakaasali sa main competition ng 78th Cannes Film Festival.

Read: Sylvia Sanchez, nagpaka-faney sa Cannes Film Festival

Ibinuking ni Alemberg na todo-shopping si Sylvia ng pampasalubong para sa first apo niya kina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Hindi naman ito itinanggi ng actress-producer.

Lahad niya: “Yung pagpunta ko ngayon ng Europe, Doha [Qatar] pa lang ha, sabi ko, 'Maganda ito kay Sabino.'

"Tapos sabi ko, 'Ay, nakalimutan ko may bunso pa pala ako, si Xavi.' Ganun.

"Sabi nga nila, mas maraming pasalubong ngayon si Sabino.

“Kaya sabi ko kay Zanjoe at kay Ria, ‘Humanda kayo pag naglakad yan. Huwag kayong maniniwala pag sinabi niyong bawal tsokolate, huwag kayong maniwala sa akin pag sinabi kong hindi ko pinakain ng tsokolate.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero siyempre, hindi naman OA. Ganun naman ang mga lola, e.

“Pag sinasabi nila, ‘Naku, OA naman itong lolang ito, hindi sumusunod sa magulang.’

“Sino bang mga lola at lolo na hindi sumusunod sa mga magulang na pag bawal… e, lalo na pag iiyakan ka ng apo mo, di ba? Sa totoo lang, real talk.”

Read: Sylvia Sanchez, ibinahagi ang pagiging first-time lola

SYLVIA ON regulated POSTING PHOTOS AND VIDEOS OF her grandson

Siyempre, kailangan daw niyang sundin ang gusto nina Zanjoe at Ria, kagaya ng pagpo-post ng pictures o video ng bagets.

Aniy: “Yung pag-post ng picture, like bawal mag-post ng picture, e, di hindi ko pinu-post.

“Tapos, pag gusto ko mag post, pinapaalam ko sa kanila na, ‘Ri, pa-approve mo nga ito. Puwede ba ito i-post?’

"‘Ay, Mommy, nakita yung side ng ganito.’ Si Zanjoe, ‘Ay, oo, Mom.’ E, di irerespeto ko yun.

“Naiintindihan ko yun, kasi madami ang nagsasabing bakit ang arte na hindi ipapakita. Kasi po, namba-bash kayo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pati bata, inosente, pinagba-bash niyo. Ang dami nang bastos ngayon. Sorry, diretsahan.

"Na pati bata, binabastos, bina-bash. Kawawa naman yung mga batang walang alam.

“Pero siyempre, ikaw din na magulang ka, maaano ka talaga, mapapaaway ka.

“So, sabi nga nila, kesa mapaaway, huwag na lang. Amin yun, e. Irespeto natin yun.

“Pero isa lang po ang sasabihin ko sa inyo. Napakaguwapo ng apo ko. Naman! Naman! Naman!

"Pinaghalong Ria, pinaghalong Zanjoe,” pagmamalaki ni Sylvia sa kanyang apo.

Read: Maja at Rambo, walang balak ipakita sa publiko ang kanilang anak

JERRY OLEA

So far, wala pa raw munang aasahang apo si Sylvia sa panganay niyang anak na si Arjo Atayde at sa misis nitong si Maine Mendoza.

Mas gusto raw ng mag-asawang mag-focus muna sa isa’t isa.

Ayon kay Sylvia: “Pinapabayaan ko yung dalawa. Wala pa, e.

"Hindi ko kinakausap kasi gusto nila ngayon i-enjoy muna nila yung buhay nila.

"Like si Arjo, ang sabi niya, ‘Mom, ayusin ko muna yung dapat kong ayusin, saka kami mag-anak.’ 'Okay bahala kayo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, hindi na namin pinag-usapan."

Dagdag niya: “Huwag muna sa ngayon. Pero hindi ko alam kung kailan.

"Basta sinasabi nila, two years, two years, e, di next year meron na. Hopefully… di ba? Basta binigay ko sa kanila yun.”

Naka-focus muna si Arjo sa pagpapatuloy ng kanyang responsibilidad bilang congressman ng First District ng Quezon City.

Read: MC Muah at Lassy, kusang umalis sa It's Showtime?

SYLVIA ON POSSIBLE ARJO-MAINE MOVIE

May napapabalita pa ngang may gagawin daw pelikulang pagbibidahan nnina Arjo at Maine.

Hindi raw totoo yun, ayon kay Sylvia.

“Alam ko, wala,” pakli ni Sylvia.

“Ang pinitch sa akin ni Sigrid [Andrea Bernardo], hindi I’m Perfect.

“Ang in-offer sa akin ni Sigrid, isang movie ko at ni Angel Aquino na pagsasamahan namin.

"Kaso nga, yun yung Silhig na may short film sa Cannes na pinalabas, kami ni Angel, about lesbianism.

“Ang pangalawang in-offer sa akin yung Arjo-Maine. Sabi ko, ‘Naku, huwag mo nang i-pitch sa akin, ayaw pa nung dalawang magsama.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit i-pitch mo sa akin, kung ayaw ng dalawa, wala. So, pinakita lang din niya sa akin.”

Ngayon ay sinimulan nang i-shoot ni Sylvia ang I’m Perfect na mula sa direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo.

Kasama niya sa cast sina Lorna Tolentino, Janice de Belen, at Joey Marquez.

Read: BL actor Miko Gallardo claims he's a victim of blackmail, threats, extortion; begs for his freedom

NOEL FERRER

Abala si Sylvia Sanchez sa mga naka-lineup na ipo-produce ng Nathan Studios, ang pag-aaring film company ng kanyang pamilya.

Gusto pa rin daw niyang mag-artista, pero may tinatanggihan siyang offers na pelikula at drama series dahil naka-focus siya sa mga gagawin ng Nathan Studios.

Tumulong pa si Sylvia sa pangangampanya ni Arjo noong nakaraang eleksyon.

SYLVIA ON JOINING CANNES FILM FESTIVAL

Nandiyan pa rin naman daw ang kagustuhan niyang umarte. Kaya lang, sa ngayon ay dito raw muna siya sa Nathan Studios.

Pagkatapos ng experience niya sa Cannes Film Festival, umaasa silang makabalik doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Co-producer ni Sylvia si Alemberg Ang sa Japanese film na Renoir, na lumaban sa main competition ng Cannes.

Sana ay makakagawa raw sila ulit ng pelikulang posibleng pumasok sa Cannes.

renoir
Renoir

“Hindi ako nagkamali na mag-trust kay Alem, sa grupo.

“Sana, hoping na susunod. Next year, meron na naman kami for next year,” pakli ni Sylvia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakita raw ni Alemberg Ang na talagang pursigidong mamuhunan si Sylvia sa mga pelikulang pang-international filmfest kagaya ng Cannes.

Saad ni Alemberg: “Nung nakikita ko siya, seryoso pala. Naghahanap ng pelikula at gusto talaga mag-produce.

“Marami na kasing lumapit sa akin before. Yung mga business people.

“E, hindi ganun kadali mag-produce ng pelikula na papasok sa Cannes. Hindi siya basta-basta.

“Nung nakita ko na seryoso… kasi by then, ginawa nga niya yung Topakk na nag-Locarno. E, ako nga, hindi pa nagkaroon ng film na pupunta ng Locarno, e.

“So, napabilib ako.

"Tapos dinistribute nila yung Monster na nanalong Best Script sa Cannes, na Japanese film din. 'Ah, okay. So, seryoso talaga.'

“Every time na may naririnig akong film na may possibility na mag-Cannes, tinatanong ko siya kung gusto niya.”

Malay natin, baka sa susunod na Cannes Film Festival ay muling rumampa ang Nathan Studios sa red carpet.

Read: Viva, pinabulaanang may anak sina Xian Lim at Louise delos Reyes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
sylvia sanchez alemberg ang
Sylvia Sanchez and Renoi co-produce Alemberg Ang
Photo/s: Gorgy Rula
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez (left) on spoiling her first apo from daughter Ria Atayde and Zanjoe Marudo: “Sino bang mga lola at lolo na hindi sumusunod sa mga magulang na pag bawal… e, lalo na pag iiyakan ka ng apo mo, di ba? Sa totoo lang, real talk.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / Zanjoe Marudo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results