GORGY RULA
Nagulat si Gabby Eigenmann nang nalaman niyang balak ni Jake Ejercito na sampahan ng reklamo ang isang content creator na kinunan ng video ang anak ni Jake na si Ellie nang walang paalam.
Ang ina ni Ellie ay ang half-sister ni Gabby na si Andi Eigenmann.
Read: Jake Ejercito blasts influencer filming Ellie without his consent
“Kasuhan?!” bulalas ni Gabby nang sinabi ng PEP Troika ang balak ni Jake.
Kung siya raw ang nasa katayuan ni Jake ay malamang na ganun din ang kanyang gagawin.
“Kung may pera lang din ako, umabot din tayo dun. Gets mo?
“Pero pag may mga ganyan na nangyari sa akin, I would do the same.
“That was the right thing to do. I cannot disagree more,” sabi ni Gabby nang makapanayam siya ng PEP Troika sa media conference ng Encantadia Chronicles: Sang’gre noong Linggo, Hunyo 8, 2025.
GABBY UNDERSTANDS JAKE'S FEELING AS A FATHER
Naiintindihan daw ng Kapuso actor kung bakit ganoon na lang ang galit ni Jake sa ginawa ng content creator kay Ellie.
Dapat iginalang daw nito ang privacy ng kanyang pamangkin.
Saad ni Gabby: “Si Ellie, gaganyan-ganyan lang yan, pero game naman yan, e.
"Pero pag ganyan na uncomfortable siya… you know when a person is uncomfortable.
"It’s not just because it’s Ellie. It could be someone else.
“It could be anyone else na pagka tinapatan niyo ng camera, at uncomfortable, you’re invading his space.”
Read: Basketball star Kiefer Ravena, former PBB housemate Diana Mackey are now married

NOEL FERRER
Nagi-gets din daw ni Gabby Eigenmann kung bakit marami sa celebrity parents ay ayaw ipakita ang mukha ng kanilang mga anak kapag nagpo-post sila sa social media.
Pero may ibang punto rito ang Kapuso actor.
Aniya: “Naiintindihan ko sila. But there’s always a way na… may iba kasi…
"Ako, sa akin lang ito, huwag ka na mag-post.
“Kasi it defeats the purpose of posting, alam mo yun?
"Pero choice mo pa rin yun, e. Kumbaga, yun ang diskarte nila, yun ang gusto nila.
"Wala naman tayong pakialam dun, e. Go lang!
“Pero ako, yung sa akin lang, pag nakikita kong may ganun, parang… what’s the post for? Alam mo yun? Kung i-cover din, di ba? Huwag na lang.
“If you wanna stay private, be private, di ba?
“Hindi naman natin ino-owe ang pagiging public figure natin na we have to post about ourselves.”
Read: Pagpu-post ni Sylvia Sanchez sa unang apo, may approval dapat nina Ria at Zanjoe
Nilinaw ni Gabby na sariling opinyon niya lamang ito.
Pero kung yun daw ang gusto ng ibang artista, wala naman siyang magagawa dun.
“I’m not saying na may ibang artista din na…hindi naman sa nagdi-divide sa amin.
"Very private kasi ako, e. Kung ano yung nakikita niyo, di nakita niyo.
“Pero ngayon, hindi, parang hindi niyo alam, e, hanggang sa bahay ko lang nakikita, e.
"Hindi dahil sa hindi ako ma-post. I can post anything that I want.
"Magustuhan man o hindi, wala naman akong pakialam dun, e.
“My life is an open book. There are things also that are private,” saad ni Gabby.
Read: Maja at Rambo, walang balak ipakita sa publiko ang kanilang anak
JERRY OLEA
Nananatiling pribado si Gabby Eigenmann pagdating sa kanyang pamilya, lalo na ang apat niyang anak.
Pero nandiyan lang naman daw sila, at hindi niya itinatago. Wala lang daw kasing hilig sa pag-aartista ang kanyang mga anak.
“Exactly, they’re private. Kahit tanungin ko sila kung gusto nila mag-artista," umiiling na sabi ng aktor.
"Choice naman nila yun, e. Walang may gusto.
"Kung gusto naman, nandito lang ako para suportahan."
Paglilinaw pa ni Gabby sa mga artistang ayaw ipakita ang mukha ng mga anak nila sa social media: “I have nothing against sa… ano, diskarte nila yan.
"Kung mag-post sila na hindi nakikita, okay lang yun. I have nothing against it.
“Kung sa akin lang, hindi na ako magpo-post.
“It defeats the purpose of posting, di ba? Para saan ba ang posting?”
Read: Korina Sanchez, nagbigay ng opinyon sa paglaganap ng fake news
